Titus Pov... Halos kakatulog ko palang ng umaga nung dumating si Andrew. Base sa pagpindot niya ng doorbell ay irritable siya at naguguluhan. Ayaw ko siyang laging lango sa alak para lang siyang bumabalik limang taon na ang nakaraan. Pero wala akong nagawa kundi hayaan siyang ubusin ang lahat ng pinamili niyang beer. Simula bumalik siya naging kakampi nanaman niya ang alak, masigla naman siya nung tumawag sa akin na nasa Pilipinas na siya pero bakit pagkatapos ng welcome party ay naging ganito nanaman siya. Pinanood ko siyang tahimik na umiinom at malalim ang iniisip. Anu nanaman ba kasi ang gumagambala sakanya. Wala namang problema sa opisina at sakanilang pamilya. Puso nanaman ba kaya siya nagkakaganito! Naku! Sinumpa yata siya ni cupido! Sinigurado kong tumba na siya at nakalock ang

