Maya Pov... Hindi ko na nakikita si Sir Andrew. Hindi na siya sumasabay sa pang - umagahan at lagi na yata siyang umuuwi kapag tulog na kaming lahat. Hindi na ako nag - usisa pa sa mga katulong kung umuuwi pa ba si sir Andrew. Mabuti na rin yun para hindi ako parang isang magnanakaw na tinitignan ang bawat sulok bago ako lumabas. Hangga't maaari ayaw kung magtagpo ang aming landas. Lahat ng klase ng pag - iiwas ay ginagawa ko na. Tuwing Sabado at Linggo naman ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib, pwede kasi kaming magkita kahit saang sulok ng bahay. Hindi ko naman pwedeng yayain si Miggy na lumabas at pumunta sa malapit na park. Tuwing katapusan lang ng linggo ang pahinga niya. Kasalanan mo yan Maya, eh di magdusa ka. Katos ko naman sa aking sarili. Araw ngayon ng Linggo at hindi ako

