Maya Pov... Hindi ko naman talaga gustong umalis pero ito ang dapat dahil bawat araw na dumadaan ay nagiging mainit ang aming tagpo ni sir Andrew. Masyadong mabigat ang dugo niya sa akin na hindi ko maintindihan kung saan nangggagaling. Nahirapan akong umalis dahil sa pag - iyak ni Miggy. Parang nadudurog ang puso kong makita siyang malungkot. Ayaw din akong payagan ni Madam Almira na umalis. Kung anu - anung paraan at dahilan ang kanyang ginawa para huwag lang akong umalis pero buo na ang desisyon ko. "Maya hindi na ba talaga kita mapipigilan?" May luhang pakiusap ni Madam Almira. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. "Pasensya na Madam Almira. Nagkaroon lang talaga ng problema sa bahay. Alam niyo naman po kung gaano kahalaga sa akin ang aking kapatid. Kami nalang ang magkas

