------- ***Elara's POV*** - Isang multo ang nakita ko— isang multo mula sa nakaraan ko na ayaw ko na sanang makita pa, pero ngayon ay muli itong nagpapakita at ginugulo ang buhay ko. "Are you okay?" tanong ni Hayden sa akin, na para bang tunay siyang nag-aalala. Mas lalo lang akong nabweset! Napakawalang hiya talaga niya—nagawa pa niya akong tanungin kung okay lang ba ako. Mukha ba akong okay sa kalagayan ko? Nakaupo ako sa lupa, masakit ang talampakan dahil sa pagkabangga nito kanina sa nakausling bato. Masakit din ang tuhod ko dahil tumama iyon nang matumba ako. At ngayon ay tatanungin niya ako kung okay lang ba ako? Nakakagigil talaga ang lalaking ito. Iniabot niya ang kamay niya sa akin, pero tinampal ko iyon. Hindi ko kailangan ang tulong niya. "Walang hiya ka, Hayden! Kanina

