------- ***Elara’s POV*** - Paulit-ulit kong kinakalma ang sarili ko. Ramdam ko na unti-unti nang kumukulo ang dugo ko, at kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, baka sumabog na lang ako sa galit. Grabe talaga—sagad sa kakapalan ng mukha si Hayden. Mukha talagang wala sa plano niya ang umalis at bigyan muli kami ng katahimikan ng anak ko. Wala akong choice kundi magkunwari na taos-puso ko siyang tinatanggap sa bahay namin ni Harry. Kailangan kong magmukhang kalmado, maayos, at hospitable… kahit ang totoo, gusto ko na talaga siyang hilahin palabas ng pinto at isarado iyon sa mukha niya. Ayokong maghinala ang mga kasama ko sa bahay. Ayokong makabuo sila ng kahit anong tanong na hindi ko kayang sagutin. Pero hindi bale. Hindi ako dapat magpanic. Hindi ako sumusuko. Kahit nanginginig ako

