------ ***Third Person’s POV*** - “Anong gagawin natin?” Ito ang tanong ng ina niya sa kanilang lahat—o marahil ay sa sarili na rin—matapos nilang marinig mula sa doktor ang kasalukuyang kalagayan ng kapatid niyang si Holland. Nadisgrasya ito. Hindi naman malala, pero tumama ang ulo nito. Wala namang delikadong sugat, at wala rin itong nakalimutang kahit ano tungkol sa sarili. Maliban na lamang sa isang bagay: kung sino ang fiancée nito. Naalala ni Holland ang lahat, pati ang detalye ng nakaraan nila ni Carleigh, ngunit hindi nito maalala ang naging hantungan ng relasyon nila—na ikinasal na si Carleigh sa iba. Ayon sa doktor, ang kondisyon nito ay tinatawag na Selective Emotional Amnesia na may kasamang Trauma-Induced Memory Misidentification. Ibig sabihin, bilang self-defense mula sa

