--------- ***Elara’s POV*** - “Ano na naman ang ginagawa mo dito?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko—iyon agad ang lumabas sa bibig ko nang makita ko si Hayden. Nasa bakuran kami ni Harry, nakaupo sa garden set sa ilalim ng malagong puno. Pinapakain ko si Haidee na nakaupo sa baby chair niya, masaya at abala sa lugaw na may manok at gulay. Paborito niya talaga ang gulay. Alas- kwatro na ng hapon kaya ito na ang dinner ng anak ko. Tahimik ang hapon. Si Harry, abala sa pagbabasa ng newspaper; ako naman, tahimik na sinusubuan si Haidee, na halos kumakanta pa sa tuwa habang kumakain. Payapa ang lahat—hanggang sa biglang tumigil ang mundo ko nang makita kong papalapit ang pigura ni Hayden. Napatayo na lang ako ng hindi ko namamalayan. Muntik ko pang matapon ang kutsara. Ramdam ko ang bi

