-------- ***Elara’s POV*** - “O sige, baka amo ko iyon,” sabi ko na lang sa dalawang bata, pilit na pinanatiling kalmado ang tinig ko. Saka ako nagpaalam sa kanila bago ako tuluyang dumiretso sa kwarto ko. Habang naglalakad ako sa makipot na pasilyo, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng dalawang bata, pati na rin ang kotse na nakita ko kanina. Si senyorito Hayden ba talaga ang pumunta rito at naghahanap sa akin? Bakit naman niya gagawin iyon? “Elara—” naputol ang kahit anong iniisip ko nang marinig ko ang tinig ni Aling Lucia. Pasalubong siya sa akin, dala pa ang isang basang tuwalya at nakakunot ang noo. Bumati naman ako sa kanya nang magkalapit kami, pero hindi agad ako nakaalis dahil, gaya ng nakasanayan, may bago na naman siyang tsismis na ibinubulong sa akin. Sinabi niya kung g

