Buntis ako!

2156 Words

--------- ***Elara’s POV*** - Kahit ayaw kong puntahan si senyorito Hayden, kahit ayaw kong ipaalam sa kanya ang tunay kong kalagayan, at kahit gusto ko na lamang itago sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko—dahil na rin sa nalalapit niyang kasal—hindi ko na talaga kaya. Sa mga nakalipas na araw, hindi ako nakapagtrabaho nang maayos. Madalas akong magkamali sa mga ginagawa ko dahil sa panghihina ng katawan, sa palaging pagkahilo, at sa madalas na pagsama ng pakiramdam ko. Halos oras- oras din akong inaantok at nagsusuka. Kung magpapatuloy ito, paano pa ako makakapag-ipon para sa anak ko? Aminado akong hindi ko talaga alam kung paano ko bubuhayin ang anak kong ito. Sarili ko nga, hirap akong buhayin. Isa pa, pagkapanganak ko, sino ang mag-aalaga sa anak ko? Nahihirapan na nga ako sa pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD