--------- ***Elara’s POV*** - “Paano? Paanong ako ang naging ama ng kung anumang nasa sinapupunan mo? Nag-iwan ako sa’yo ng emergency contraceptive pill bago ako umalis. Impossible na nabuntis kita. Impossible na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo.” Naiiling na sabi ni Senyorito Hayden, halatang hindi niya matanggap ang narinig. Para itong isang pasaning ayaw niyang akuin, isang katotohanang pilit niyang itinatanggi. Kita sa mukha niya ang pagkalito at pagkayamot, at sa bawat pag-iling niya, tila sinusubukan niyang ipaniwala sa sarili na imposible ang lahat ng sinabi ko. “Ikaw ang ama nito, Senyorito Hayden,” mariin kong paninindigan kahit nanginginig na ang boses ko. Ramdam ko ang pagtaas ng tono ko, dala ng emosyon at takot, kaya’t mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyan

