--------- ***Elara’s POV*** - Ilang araw na mula nang nagsimula akong magsuka, at hindi ko na napigilan ang sarili ko—bumili ako ng pregnancy test. Medyo nahihiya pa ako kanina habang bumibili; pakiramdam ko, may mga matang nakatingin at humuhusga sa akin. Hindi ko man alam kung totoo iyon, pero gano’n talaga ang naramdaman ko. Madali lang namang intindihin ang mga instruksyon, kaya nang maramdaman kong naiihi na ako, agad akong pumasok sa banyo dala ang pregnancy test kit na binili ko. Pagkatapos ng isang minuto, titig na titig ako sa stick habang hinihintay ang resulta. Ayon sa nakasulat, ilang segundo lang daw at lalabas na ang resulta, pero bakit parang ang tagal? Sobrang kaba ng nararamdaman ko; ang lakas ng t*bok ng puso ko. Hanggang sa, maya-maya, lumabas na rin ang resulta—at

