------ ***Elara's POV*** - Hindi ko lubos akalain na magagawa akong palayasin ng sarili kong ina. Buong akala ko, dala lamang ng kanyang matinding emosyon kaya niya iyon nasabi, ngunit nagkamali ako. Nang tuluyan kong ipakita na hindi ako papayag na mangutang ng pera kung saan ko raw hiniram ang isang daang libong piso, doon na niya ako tunay na pinalayas. Wala man lang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Isa-isang itinapon ni inay ang mga damit ko sa labas ng bahay, para bang isa na lamang akong estranghero sa sariling tahanan. Hindi pa siya nakontento—nang makita niya ang dalawang libong piso sa loob ng alkansya ko, kinuha pa niya ito. Aniya, tulong na raw iyon para sa tuition ni Daisy. Hindi man lamang niya ako pinag-iwanan kahit kaunting halaga upang may magamit ako ngayong pinaal

