------- ***Elara’s POV*** - Nabigla talaga ako sa pagkakasampal ko kay Senyorito Hayden. Hindi ko inaasahan na magagawa ko iyon sa kanya. Kaya ang lakas ng t*bok ng puso ko dahil sa kaba. Hinaplos ni Senyorito Hayden ang bahagi ng pisngi na tinamaan ng sampal ko; matalim ang titig niya sa akin. Ramdam ko ang galit na tumagos hanggang sa kaluluwa ko. “You!” nanginginig at nanggagalaiti niyang sambit, nagdidilim ang anyo niya. “Alam mo bang wala pang sumasampal sa akin? Ikaw ang unang babaeng sumampal sa akin.” “H-hindi ko po sinasadya, Senyorito Hayden. P-patawad po… p-pero…” nanginginig ang tinig ko. “…k-kasalanan ninyo naman kung bakit ko kayo nasampal. Napakasakit po ng sinabi ninyo sa akin. Ibinaba ninyo ang pagkatao ko at dinungisan ninyo ang pagk*babae ko. Nasaktan po ako, kaya

