Prologue

2585 Words
------- - Hayden sat at the counter table, holding a glass of liquor. Today was the wedding day of his twin brother, Hendrik, to—hindi niya inaasahan ‘to, ang pakakasalan ng kanyang gagong kapatid ay ang fiancée ng isa pa niyang kapatid. Hindi lang simpleng kapatid kundi kambal pa ang dalawa—actually, they are triplets: siya, itong groom ngayon na si Hendrik, at si Holland, na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan. Sino ba naman ang matutuwa na ikinasal sa iba ang babaeng mahal mo—at sa kapatid mo pa? He didn’t know the story. Basta lang siyang pinatawag ng kanyang mga magulang dahil ikakasal na daw ang isa sa kanyang mga kakambal. Inakala niya na si Holland ang ikakasal, pero laking gulat na lang niya nang si Hendrik pala ang groom. Nakatakda na talaga ang kasal nina Holland at Carleigh. Pero sa mismong araw ng kasal ng dalawa, hindi pala si Holland ang groom kundi si Hendrik. Ano na naman kaya ang ginawang kalokohan ng kapatid niyang iyon? He knew from the start na pinagnanasaan ng womanizer niyang kapatid si Carleigh, but he didn’t expect na aabot sa ganito ang pagkagusto ng gago. Madami ang bisita kasi engrande naman ang kasal, ginastusan ng ilang milyon. Pero ang mukha ng bride kanina habang naglalakad sa aisle, parang gusto na nitong tumakbo. Ang groom naman, seryoso lang ang mukha, pero alam niyang parang nanalo ang gago. Gago talaga ang Hendrik na iyon! Karamihan sa mga bisita ay galing sa angkan ng mga Montreal. Ilan sa mga pinsan niya na nasa ikalawang henerasyon ng mga Montreal ay ikinasal na at may sariling pamilya na. Pati na ang ate Messy nila, na ngayon ay masaya na hawak ang kamay ng asawa nitong si Dwight. May anak na ang dalawa—kambal, sina Isaak at Luke. Alam niyang mahal na mahal ng mga ito ang isa’t isa. Actually, halos lahat ng pinsan niyang nandito na may pamilya na ay halatang nagmamahal ng sobra sa mga partner ng mga ito. What is love? For most people, it is affection, sacrifice, and an unexplainable warmth that binds two hearts together. But for him—a man born into power and wealth—love was never about feelings. It was a transaction, a silent agreement built on benefits, convenience, and mutual gain. He had grown up in a world where emotions were weaknesses and attachments were liabilities, so he taught himself to live with a cold heart and a sharper mind. He is not only a billionaire by blood but a self- made with everything others could only dream of—fortune, influence, respect. Yet when it comes to love, his definition stands apart. No flowers, no promises, no tender words—only terms, conditions, and the certainty that nothing comes without a price. To him, love is not a matter of the heart, but of profit. Minsan na siyang ikinasal, sa kanyang long-time girlfriend na si Maricar, isang heiress ng isang kilalang pamilya. Una pa lang, sinasabi na niya sa sarili niya na si Maricar ang babaeng nararapat para sa kanya. Sa estado nito, they can help each other when it comes to business. Pareho silang business minded. They were unstoppable kung saka-sakali, they could dominate the business world. He can say he loves her because they can both get a benefit from each other. Even though in their 4 years together as a couple, alam niyang pareho silang hindi naging tapat sa isa’t isa. He’s been with different women at alam din niyang nakikipaglaro rin sa ibang lalaki si Maricar. Nagkasundo sila dito. After all, when they became married, they promised to be faithful to each other. Naging masaya naman ang mga unang buwan ng pagsasama nilang dalawa ni Maricar bilang mag-asawa. Pero bigla na lang itong nagbago nang hiniling niya dito na gusto na niyang magkaroon sila ng anak. Ayaw nitong magkaroon ng anak, ayaw nitong magbuntis dahil masisira daw ang figure nito. God, he’s been longing for a child. Gustong-gusto niyang magkaroon ng anak, dahil para sa kanya, ito na lang ang kulang sa buhay niya. Pero hindi handa ang asawa niya na ibigay ito sa kanya. Hindi na talaga naging maayos ang pagsasama nila hanggang sa nahuli niya mismo ang asawa na nakikipag-making out sa isa sa mga ka-business partner nito, sa loob pa mismo ng opisina nito. What he hated most is—betrayal. He felt betrayed. Nangako sila na magiging faithful sa isa’t isa. Kaya agad siyang nag-file ng annulment. Kaka-approve nga lang ng annulment nila isang buwan pa lang ang nakakalipas. Now… walang nakakaalam pero pakiramdam niya parang walang- wala siya. At hindi ito dahil sa hindi naging successful ang kasal nila ni Maricar, but—it’s because pakiramdam niya may malaking kulang sa buhay niya. Isang malaking piraso ng puso niya na hindi niya mahanap. And he is desperate to know what it is. What is it he is looking for? Napatingin siya muli sa baso na may alak, pero napaangat ang mukha niya nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya. Pagtingin niya, isa sa mga pinsan niya—hindi sa Montreal side kundi sa Castellejos, sa grandmother’s side niya. Actually, 2nd degree cousin na niya ito, si Freya Castellejos. Kapatid ng grandmother niya ang grandfather nito. But even though medyo malayong kamag-anak na, he is so close with her family. Matalik niyang kaibigan ang kuya nito na si Harry. "Hello Kuya Hayden, alone again?" nakangiting tanong nito. "Yes, sweety. How about you?" ngumiti din siya dito, talagang malambing siya rito. "I'm with mom and dad, and with my boyfriend." "Boyfriend? You already have a boyfriend?" natatawang tanong niya. Nahihiya itong napatango. He was about to say something nang biglang umilaw ang cellphone nito na nasa ibabaw ng counter. May nakipag-video chat dito. "Hello baby, you are so cute… kamukha talaga kita, magkasing-ganda talaga tayong dalawa. Tita misses you too. Mom and dad will be home soon," malambing na pagkakasabi nito sa kung sinong kausap, sabay nakipag-baby talk. "Sino ba ‘yan kausap mo?" He was curious. "Ang pamangkin ko. Ang anak nina Kuya Harry at Ate Elara," sagot nito at matamis na naman ang ngiti sa monitor. Pero maya-maya… "Do you want to see her? Malapit na ang 2 years birthday niya and she is very adorable.” Masayang sambit nito. Lihim niyang nakuyom ang kamao sa ilalim ng mesa. Naalala na naman niya ang babaeng iyon. Ang isa pang babaeng nanloko sa kanya. Nakita niya ito kanina kasama ang pinsan niyang si Harry—mag-asawa ang dalawa. Kaya hindi niya nagawang pansinin ang pinsan niya dahil sa babaeng ito. Hanggang ngayon, malaki pa rin ang galit niya sa babaeng iyon. Si Elara. Nakilala niya ito sa San Miguel nang minsang nagbakasyon siya doon, dalawang buwan bago ang kasal nila ni Maricar. Aminado siyang nang makita niya ito, talagang na-attract siya agad sa kakaibang kariktan nito—simple ngunit nakakabighani. At dahil sa babaeng ito, lalong lumakas ang pagnanais niyang makatikim ng isang virgin na babae. Nagtagumpay naman siyang makuha ito. He paid her. Kaya wala siyang ginawang masama dito—ito pa nga ang may ginawang masama sa kanya. Isang gabi lang iyon, gamot sa kuryosidad niya pero pagkatapos ng isang buwan, sinabi pa naman nitong buntis ito. Kahit hindi siya sigurado kung anak ba talaga niya ang ipinagbubuntis nito, nag-offer na lang siya ng financial support, kapalit ng pananahimik nito. Hindi naman kawalan sa kanya ang buwan-buwan na suporta. Siya ang gumastos sa lahat, mula sa pagbubuntis nito hanggang sa nanganak ito. Pero pagkatapos ng ilang buwan na isilang ang sinasabi nitong anak niya, hiniling nito na huwag na siyang magpadala ng financial support, sabay humingi ng tawad at umamin na hindi daw niya anak ang bata. Sabi nga ba niya, niloloko lang siya nito. Wala siyang pakialam sa mga nagastos niya dahil para sa kanya, barya lang iyon. Ang ikinagalit niya ay ang panloloko nito sa kanya. Sinabi pa nitong ikakasal na ito sa lalaking tunay na nakabuntis dito. At laking gulat na lang niya nang malaman niyang sa pinsan niyang si Harry ito ikinasal. Sa galit niya, hindi siya dumalo sa kasal ng dalawa. Baka kung ano pa ang magawa niya sa babaeng iyon. “Kuya Hayden! Hey, Kuya Hayden, nakikinig ka ba?” Nabalik ang atensyon niya kay Freya. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya. “Ang lalim ng iniisip mo. Anyway, gusto mo bang makita ang baby nina Kuya Harry at Ate Elara? Hindi mo pa yata nakikita ang baby namin, ang bundle of joy namin.” Tuwang-tuwa namang sabi ni Freya, may pagmamalaki pa sa boses. "Yes, please!" aniya, sabay tango. He is curious. Gusto niyang makita ang batang ginastusan niya, ang batang ginamit sa panloloko sa kanya ni Elara. Agad namang lumapit ng bahagya sa kanya si Freya, at pareho na silang nakaharap sa monitor ng cellphone nito. From there, he saw a young, beautiful baby—chubby at napaka-adorable. "Hello baby Haidee, meet your Tito Hayden," ani ni Freya, masaya ang tinig. Nabura ang ngiti ng baby nang makita siya sa screen. Tila tinititigan siya nito, nakipag-eyes to eyes sa kanya. Parang kinilala siya. He couldn’t move. It was as if everything around him disappeared, and in that moment, his world revolved only around the child. Her ash-brown eyes were locked on him, shimmering with innocence, and then—she giggled. The sound pierced straight into his chest. She had dimples on both cheeks, exactly like his. Does she look like him? Napailing siya, pilit itinatanggi ang namuong pag-aalinlangan, ngunit muli’t muli siyang napatitig sa bata. What was happening to him? Why did he suddenly feel the sting of tears threatening to fall? Why was there this overpowering urge to hold her, to pull her into his arms and never let go? Bakit biglang may matinding pananabik na yumakap sa puso niya—isang pangungulilang hindi niya maipaliwanag, tila ba may nawawalang bahagi ng sarili niya na ngayon lang muling bumalik sa harap ng kanyang mga mata? Anak ba niya ito? Did Elara lie to him about the real father of her child? Mas lalo niyang nakuyom ang kamao. Now…. kailangan niyang malaman ang totoo. He wanted this child… at kung sa kanya nga ito. Talagang gagawin niya ang lahat para mabawi ang anak niya, wala siyang pakialam kahit sino pa ang masagasaan niya. ------ “Sir Hayden, anong ginagawa niyo dito?” tanong sa kanya ni Aling Tessy, matagal nang kasambahay ng pamilya ni Harry, at sa pagkakaalam niya, ito na ngayon ang yaya ng anak niya. “Hindi ba ako pwedeng bumisita dito?” sarkastikong tanong niya, halata ang inis sa tinig niya. Pinsan naman siya ni Harry, bakit pa nagtatanong ito. “Wala po kasi si Sir Harry, nasa ibang bansa—si Ma’am Elara lang ang nandito. Pero may nilakad sandali si Ma’am E—” “Wala akong pakialam kung wala sila dito,” putol niya agad sa katulong, lalo pang tumindi ang pagkabanas na naramdaman niya. “All I want is to see my daug— I mean… the child, Elara’s daughter.” Hindi anak ni Harry ang bata kaya hinding-hindi niya sasabihing anak nito ang anak niya. “Bakit po?” “I just want to see her. Where is she?” “N-Nasa baby room niya,” tila kinakabahang sagot nito. Sinong hindi matatakot, para siyang sumusugod sa isang giyera. Talagang nagmamadali siya at sobrang seryoso ang mukha. Mukhang natakot ito kaya kailangan niyang kumalma, baka magmatigas pa ito at pigilan siyang makita ang anak niya. “I’m sorry, Aling Tessy, excited lang akong makita ang anak—ng asawa ng pinsan ko,” ngumiti pa siya pero pagkukunwari lang ang ngiting iyon. “Sa pagkaalala ko, medyo maganda ang Elara na iyon. Gusto ko lang makita kung kanino kamukha ang anak niya. Sa kanya ba o sa ama?” Of course, sa kanya kamukha ang anak niya. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip niya ang hitsura ng bata. At nang tiningnan niya ang baby picture niya noon, parang baby girl version lang ng mga larawan niya ang anak niya. Hawig sa mommy niya ang bata. Sa kanilang triplets, siya lang ang sobrang kamukha ng kanilang mommy. Sina Hendrik at Holland, halos magkamukha at parehong kamukha ng daddy nila. Sa wakas, kumalma rin ang katulong at pinayagan siyang makita ang bata, ang anak niya. Nagpasalamat pa siya na hindi ito sumama dahil magtitimpla daw muna ito ng gatas. Iyon nga ang gusto niya—na huwag itong sumama dahil gusto niyang masolo ang anak niya. Nasa loob na siya ng baby room. Lumapit siya sa crib kung saan natutulog ang anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit. Malakas ang t*bok ng puso niya, nanginginig din siya—hindi sa takot, kundi sa excitement. Nang tuluyan na siyang makalapit, agad niyang sinilip ang baby. And there… he saw a beautiful little baby peacefully sleeping. Ang chubby nito, chubby din ang cheeks, maputi ito katulad niyang mestizo, namumula pa nga ang mga pisngi, at ang taas pa ng mga pilik-mata nito. Gusto na naman niyang maiyak. Nangungulila siya sa batang ngayon lang niya nakita. Gusto niyang kunin at kargahin ito, pero natutulog pa. Sana gumising ito para makita siya. Tumatawa pa naman ito sa kanya noong sa video chat kay Freya. Tila naman narinig ng langit ang hiling niya dahil nagising ang anak niya. At mas lalo pang tumindi ang pagkasabik na naramdaman niya. Mas lalo itong gumanda para sa kanya. He is so in love with her. Nakipagtitigan ito sa kanya, tila ba inaalala kung sino siya. “Hi,” nakangiti niyang sabi. “I am your da—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla itong umiyak. Mabilis niya itong kinuha mula sa crib para patahanin, pero mas lalo lang itong umiyak, tila natatakot sa kanya. Ngayon pa lang siya nakaranas ng kumarga ng bata, pero nakapagtataka na tila simpleng bagay lang ito sa kanya. Instinct na siguro niya ito bilang ama. Nahihirapan lang siya dahil umiiyak ito na parang gustong kumawala mula sa kanya. “No, baby, don’t cry. I am your daddy,” pagpapatatahan niya dito, ngunit hindi man lamang umepekto. Pero sa kabila ng pag-iyak nito, hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang balat nito sa likod ng tenga—katulad lang sa kanya. Hindi maipagkakaila na anak nga niya ito. Hindi na kailangan ng DNA test. God, he has a daughter. Pakiramdam niya biglang nabuo ang buhay niya. Parang— “What are you doing with my daughter?” boses na nagpaurong sa kanya. Dumating na ang babaeng nanloko sa kanya at ipinaangkin sa pinsan niya ang anak niya. Agad siyang humarap dito habang karga pa rin ang anak nila, nakahanda na ang galit niya. Pero tila napaawang na naman ang labi niya. Tulad noong unang beses na nakita niya ito, nabighani na naman siya. Tila bumabalik pa sa alaala niya ang gabing minsan na inangkin niya ito, pakiramdam niya naging kumpleto ang pagk*kalalaki niya noon. Isang beses lang iyon pero hanggang ngayon, malinaw pa rin sa alaala niya. “Bakit ganyan ka makatingin? Ibigay mo sa akin ang anak ko!” galit na galit ito, nanlilisik ang mga mata. Hindi naman niya mapigilan ang mapalunok. Bigla na lang, hindi lang anak niya ang gusto niyang makuha mula sa pinsan niya—pati na rin ang ina ng anak niya. - - (This is just the Prologue, the next chapters happened before this. Thanks and Godbless.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD