Chapter 3

2359 Words
Vindicta "Ano ba kasing ginagawa ko dito? Nag-e-enjoy na ako sa pang-aasar mo. Mahal na mahal mo talaga ako, Lolo, ano? To the point na gusto mong dumugo ang utak ko tuwing umaga?" Asar kong wika sa Lolo kong isip-bata at padabog na umupo sa couch dito sa opisina niya nakaharap iyon sa office table kaya kitang-kita ko pa din ang ngiting mapang-asar niya. I rolled my eyes. ‘What a cunning grandfather!’ Truly, he is a naugthy grandfather gustong-gusto ko na siya umbagan minsan pero dahil Lolo ko siya at nirerespeto ko siya hanggang pang-aasar at pangumgulit lang ang ginagawa ko sa kanya. Sarap pingutin ng Lolo ko. "So, how's trigonometry, Dicta?" Asar niya pa ulit na tanong habang humahagalpak ng tawa at nakikita ang reaksyon ko sa ginawa niya. Nakakapikon talaga ang matandang ito. I pulled my haired out of frustration at sinamaan nang tingin ang Lolo ko. He's laughing hardly that there's no tomorrow. Kulang nalamang ay magpagulong-gulong siya sa sahig. Does he want popcorn at drinks? Anong akala niya sa apo niya bida sa isang pelikulang comedy? Kaya nga ayaw na ayaw kung umuwi sa Mansyon niya kasi naman ako palaging napagti-trip-an niya. Paba-gets din ang bwis*t akala niya naman bagay sa kanya, maluha-luha pa siyang tumigil nang tinignan ako. "Satistied?" Taas-kilay kong tanong sa kanya pero sa kaloob-looban ko gusto ko ng lumabas dito at sirain itong buong eskwelahan niya. "Hoy! Iyan ang huwag mo gagawin. Eskwelahan mo ito nakapangalan na ito sa’yo kaya kung ayaw mong buo pa itong PAE huwag lang maninira ng gamit nang palihim. Kitang-kita ka kaya sa CCTV." Naka-ngisi ulit na turan ng Lolo niya. ‘Sh*t!’ Mura ko sa isip ko. Mind reader ba ang Lolo ko pati iyong ginawa ko kanina nakita niya pa din? Akala ko ba kapag matanda na lumalabo na ang mga mata nila pero bakit itong Lolo ko mas matalas pa yata ang mata sa agila. Nainis kasi ako sa pangalawang elevator sa pangalawang palapag kaya ayon pinagsusuntok ko ang mga button nito kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit na bwis*t na bwis*t na ako. Ang tagal kasing magbukas. "See? Wala kang maisagot sa akin kasi totoo." Sabi niya pa sa akin pero I know proud iyan sa ginawa ko mas maloko kaya siya kaysa sa akin siya kaya nagturo ng lahat ng alam ko ngayon. Painosente pa itong matandang ito mas maraming record siya kaysa sa akin pero dahil apo niya ako. Babae at kailangang panatilihin ang mala-anghel kong imahe kahit nakakasuka na kailangan malinis at walang bahid ang record ng isang Vindicta Irene Revenche. Eww, minsan nga nakakangalay ng ngumiti from ear to ear. Jusko! Mas gusto ko pang sumimangot buong araw kaysa magplastikan pero wala akong magagawa dahil kailangang gawin iyon. "Tsk, andyan ka naman, ayusin mo nalang ginawa ko mana lang ako sa’yo Lo, kaya huwag kang painosente dyan ikaw kaya nagturo sa akin ng mga kalokohan na ganyan." Proud kong sabi sa kanya. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-ngiti niya nang palihim. Tignan mo, bad influence na matanda. Ginawa pa akong tagapagmana ng ugali niya. Pasalamat siya at Lolo ko siya kaya hindi halatang magkaiba kami ng ugali  Papasa na kasi kaming best actor at actress nito sa sobrang galing naming umarte sa harap ng ibang tao. Pwede din kaming mga impersonator sa galing sa panggagaya. "Bad influence mo kasi matanda ka." Asar ko sa kanya alam kong kapag sa katandaan mapupunta ang usapan mapipikon na siya. He doesn't want to be called old kahit na totoo naman. Ano gusto niya tawag ko sa kanya; batang-gala o batang-gusgusin? Okay lang. He pouted again. I rolled my eyes and smirked. "Hindi pa matanda Lolo mo, Dicta. I am young wild and free." Muntik na akong mahulog sa upuan sa sinabi niya. Did I heard it right? Hindi ba kinikilabutan ang matandang ito sa pinagsasabi niya o baka nabagok ang ulo ng Lolo ko sa kung saan. Tumayo ako at lumapit sa kanya. nagtataka naman siya sa ginawa ko ngunit hindi niya ako pinigilan. Sinalat ko ang noo at leeg niya wala naman kahit na sinat wala nga siya. "Huwag mong sabihin nagda-drugs ka, Lo?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Napatalon naman siya sa gulat sa ginawa ko. He glared at me. "Anong drugs pinagsasabi mo dyan?! Sa tingin mo ba gumagamit ako ng bawal na gamot? Hoy! Kahit na rinarayuma ako di ako gagamit ng ganoon." Na+realized niya yata ang sinabi niya kaya napatakip siya ng bibig habang ako nagpagulong-gulong sa kakatawa. Young, wild and free pala ‘ah. Nahuli siya sa sarili niyang bibig ayaw pa kasing umamin sa katandaan niya iyon pala nirarayuma na. Digital na kasi ang karma kaya ayan nabiktma siya. Minsan talaga nasa akin pa din ang huling halakhak. "Don't worry Lo, sa susunod na papuntahin mo ako dito, dadalhan na kita ng Eficascent oil pamahid mo dyan sa rayuma mo." Patuloy na asar ko sa kanya. Kawawang matanda nahuhuli palagi sa sarili niyang dila, tumayo na ako sa pinaggugulungan ko at dinilaan si Lolo. Huwag na huwag mo kasi akong unahan kung ayaw mong malaking karma ang bumalik sa’yo. Inayos ko na ang sarili ko at bumalik sa kinauupuan ko. Oras na para magseryoso alam kung hindi niya ako papupuntahin dito ng walang dahilan lalo na at nasa klase na ako. This must really important na kailangan pa niya akong ipasundo sa klase ko. He cares for my studies na kahit na pinilit ko siya noon na mag home schooled nalang ako hindi siya pumayag. He wants me to have a student normal life simula nang nangyari ang nakaraan ko. Normal life pa ba ang nangyayari sa akin na kahit hindi ako makakita ng dugo ng mga nagmamakaawang mga drug lords, mga manyakis, at magnanakaw ay nanginginig ang buong kalamnan ko? Pinilit niya akong gawin ang mga bagay na ayaw na ayaw ko. Ang mag-aral at magkaroon ng buhay na normal. Oo, pumayag ako ang kapalit au bilang pagsang-ayon sa kanya nagkaroon kami ng agreement na hindi ako uuwi sa Mansyon kundi sa Condo na bibilhin niya para sa akin. Wala siyang nagawa ng sabihin ko iyon at the age of twelve I became an independent teenager naging matatag ako at matapang sa buhay ko. I have two split personality. Ang isa ay sweet at mabait. Ang isa ay isang cold-hearted killer na kapag nakakapatay wala nang makakapigil sa kanya. Ang personalidad kung iyon ang kinatatakutan ko dahil kapag iyon ay nakalabas na expect that hell will come. Walang inuurungan ang personalidad kong iyon dahil lahat ng naisin niyang gawin nagagawa niya kahit pa ikakapahamak niya. But, on the other hand, I love that personality of mine. I feel empowered, I felt no one can defeat me that no one could bring me down. Love? It has no place in my heart. Ang magmahal ay wala na sa bokabularyo ko maliban na lamang kay Lolo na siyang nagpalaki sa akin kahit hindi kami magkasundo at nag-aasaran niyan. Mr. Victor Revenche is my Mother's Father. Ayoko man sabihin pero may konting galit ako kay Lolo dahil sa nangyari noon and he knows it pero hindi lang namin sinasabi sa isa't-isa. Kilala ko ang Lolo ko at kilala niya ako kapag may alam naming hindi na maganda ang sinasabi namin tatahimik na lamang kami bigla at mag-iisip bumuntonghininga ako nang malalim. Ang Lolo ko ang tipong hindi uupo sa isang tabi kapag may nangyaring masama katulad ko ay na-trauma na siya kaya sa abot ng makakaya niya ginagawa niya ang lahat. "I know hindi mo ako pinapunta dito, Lolo upang makipag-asaran lang sa akin. Now, tell me what is your business old man?" Tanong ko sa kanya na para ba akong nasa isang business deal at siya nakikipag-deal sa akin sa negosyo niya. Tinaasan ako ng kilay ng Lolo ko at nginisihan. He really knows me. I crossed my legs and looked at him seriously. Kulang na lamang ay mag business attire ako at maglatag ng mga papeles sa lamesa niya. "Good. Magagamit mo ang attitude na iyan sa susunod mong misyon." He emphasized the last word. Mission it means pagpatay na naman. Alam kong parang lumalabas na si Lolo pa ang nag-uudyok sa akin upang pumatay. But, the truth is labag sa kalooban niya ang ipasok ako sa negosyo niyang ito. Napataas ako ng kaliwang kilay sa tinuran ng aking Lolo. Kahit anong attitude naman kaya kong gawin siya lang talaga ang walang bilib sa apo niya. Pinalaki niya ako kaya dapat alam niya ang mga bagay na iyon halos linggo-linggo niya akong dinadalaw sa Condo ko kaya alam niya na dapat kung ano at bakit ako nagkakaganito. Hindi lang naman ako ang galit na galit sa pagkawala ngahal namin sa buhay dahil maging si Lolo mas doble ang galit nito dahil sa dalawang rason. Una, namatay siya. Pangalawa, pinatay siya sa harap ko na siyang nagpa-trauma sa akin na siyang naging dahilan ng pagkawala ng kainosentihan ko. Lahat ng bagay sa akin ngayon iniisip ko na hindi pernamente. Aalis-aalis sila dahil sa pangyayari sa nakaraan natuto na akong huwag i-attached ang sarili ko sa isang bagay dahil alam kong pagnawala nito kasabay noon ang pagkawala ng puso ko. Mas minabuti kong huwag tumira kasama si Lolo dahil kapag nawala siya, hindi ko makakaya pa. "I know that look, hija. Huwag mo akong tignan nang ganyan. Malakas pa ako sa kalabaw ang mabuti pa ay ipaliwanag ko sa’yo ang bago mong misyon." See, kahit matanda na siya alam niya pa din ang ginagawa niya. Palagi niyang ibinibilin sa akin na hindi siya mawawala sa akin pero masisi niya ba ako kung bawat oras sa mundo ay limitado? Kapag nagkataong mawawala siya sa akin wala nang matitira sa akin bukod sa sarili ko. Magkakatotoo ang kinatatakutan ko. I will be pernamently alone for the rest of my life. Tinanguan ko lang ang Lolo kahit na wala akong maintindihan sa mga una niyang sinabi dahil sa malalim kong pag-isip sa mga bagay-bagay. "Dicta, naiintindihan mo ba ako at mga pinagsasabi ko?" Seryoso niyang tanong sa akin. Umiling lamang ako. Grandpa shooked his head. Alam naman niyang hindi talaga ako nakikinig. Ulitin niya kasi iyon para sa akin alam ko iyon. My Grandpa loves me so much akala niya ba hindi ko mapapansin ang gwardyang nakasunod sa akin palagi kahit saan man ako magpunta? Misyon man o hindi? Ganoon na ba ka tanga ang akala niya sa akin? Pinabayaan ko lang iyon dahil mas gusto ko pang pansinin ang mga pinapatay ko kaysa sa mga walang kuwentang bagay. Nginisihan ko ang aking Lolo at tinanguan kahit pa sabihing nagdadrama-drama lang siya sa akin o inaartehan niya lang ako. Hindi maalis sa akin ang pagkabalisa dahil ayokong may sumusunod sa akin lalo na at nagtatrabaho ako. I can't concentrate most especially if someone's following me like a stalker idiot. Hindi ako mapakali lalo na at ang sinasabi kong tao ay nasa labas lang ng opisina ni Lolo. "Oldman, pwede bang tigil-tigilam mo ang pagpapadala ng bantay sa akin. You are treating me like a kid!" Hindi ko napigilang sigaw sa kanya. I know I am being rude pero mas bastos ata ang ginawa niya sa akin akala niya ba hindi ko mapapansin iyon? Lolo gasped as a reaction to what I have said. Nalukot ang mukha niyang kulubot na pero hindi mo masasabing sixty years old na ang Lolo ko dahil mukhang fifty lang siya kung titignan marahil dahil sa araw-araw na pag-eehersisyo at pagkain ng masustansyang prutas at gulay. "It's for your own good!" He answered back. Napatayo ako sa sinabi niya. I slammed my hands on his desk para sa kabutihan ko? No! I can't tolerate someone like a dog who's following me. "My own good?! Hindi na ako bata para pabantayan mo!" I answered back. Never pa akong nagback-down sa isang argumento dahil gusto ko ako palagi ang nanalo. He maybe my Grandfather but I won't allow him to control my life. "But, you are still a kid to me! Sixteen years old ka palang for sh*t's sake! Oo, pinayagan kitang pumasok sa trabahong ito pero hindi ibig sabihin, hindi mo susundin ang mga sinasabi ko. I am still your guardian! I just wanted you to be safe! Ikaw nalang ang natitira sa akin kaya natatakot akong mawala ka sa akin!" Natameme ako sa sinabi niya. Ganoon din naman ako kaya lang ayokong tinatrato akong bata. "I know your cared for my safety but please don't treat me like a kid. Kaya ko ang sarili ko." Matatag kong saad sa kanya siya ang nagturo sa akin kung paano maging matapang at walang inuurungan. I looked at him pleading. "Please, Lo..." Paki-usap ko ulit sa kanya. Alam kong hindi niya matititiis ang puppy eyes ko pero mukhang nagkamali yata ako ngayon. Dahil seryosong umiling sa akin si Lolo. Napataas ako ng kamay saying na sumusuko na ako. Wala din naman akong magagawa dahil kahit ano yatang paki-usap ko walang iyong patutunguhan. "Fine! But, pwede ba? Palabasin mo na yang bulldog ko." Asar kong sabi at padabog na umupo ulit sa kinauupuan ko kanina kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Malalim siyang bumuntonghininga at tinawag ang bulldog ko. "Harvey, pumasok ka na dito. My Grandaughter already know your presence." Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay pumasok ang isang lalaking amerikano na mukhang kaedad ko pa. He had blue eyes and blonde hair with kissable lips with broad shoulders and muscles. Looks like I had a handsome bulldog here, he bowed at my Grandfather and stared at me. "Nice meeting you, Lady, I am Harvey Chris Harris, your bodyguard." He said with an English accent. Paki ko ba mas gugustuhin ko pang maglakad ng mag-isa kaysa may kasama. I raised my eyebrows and snobbed him. “You won, can I go out now?" Wika ko sa Lolo ko hindi pa man siya nakakasagot ay nasa pintuan na ako at nilingon ang bodyguard ko daw. Nanlilisik ang mata ko habang binabantaan siya. "It's not nice meeting you. Stay away from my way or I'll skin you alive!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD