Chapter 2

2868 Words
Vindicta Nginitian ko nang malapad ang bawat nadadaanan ko sa lobby ng school na pinapasukan ko. Smiling ear to ear to give them positive vibes ngunit kahit na ganoon ang aking ginagawa ay hindi talaga maiwasan na may mga matatabil ang dila. There are two faces of a person who is staring at me right now. One compliment and the other was insecure. "Ang ganda talaga ni Ms. Revenche." "Anghel na bumaba sa lupa." "Pasikat lang iyan." "Hindi naman talaga siya kagandahan." "Bumalik na pala siya." "Nakaka-miss ang mala-anghel niyang mukha sa ilang buwang wala siya dito." Ito ang mga bulung-bulungang naririnig ko sa dinadaanan ko. Sanay na ako dito habang ang iba ay pumupuri sa akin ang iba naman ay tinataasan lang ako ng kilay. Mga humahanga at mga naiinggit. Sa eskwelahang ito, ao ay isang hindi makabasag pinggan. Isang babaeng hinahangaan nila sa katalinuhan at kagandahan. Inside this University, I am an angel. I smiled evilly. Ang mga estudyante dito ay mga tanga. Mga mayayaman nga puro walang laman naman ang utak kundi payabangan at pagandahan ng mga meron sila kung ganoon ang perception ko. Bakit dito pa ako pumasok? Well, it's a secret. I am Grade 10 at this prestigous School of Elites. The Philippine Academy for Elites. Walang makikitang mahirap dito kahit na isa. They didn't offer scholarship or whatever they call it a charity. Ganoon ang mga tao dito. Selfish. Paano ako nakapasok dito? I have my charm I have my money so, it's easy for me to enroll in this School. Lahat ng bagay na meron ako ay pinaghirapan ko sa pamamagitan ng trabaho ko. Sinong mag-aakala na ang isang katulad ko ay may tinatagong malagim na sekreto? Tsk, wala na akong pakialam doon. Smile lang Vindicta. Ngumiti ka lang sa harapan nila. You are a good actress you know. That's why I am famous here not because I am badass but because they call me an angel. Isang anghel na hindi makabasag pinggan at isang anghel na mabait sa lahat. Sasakay na sana ako sa elevator ng matigilan ako. I rolled my eyes as I saw the Queen Bee of PAE as usual she's acting as a b*tch na naman. Kung pwede lang gilitan ko ng leeg ito dito mismo ginawa ko na but as you can see hindi pa pwede. Yup, sometimes I planned to eliminate that girl. She’s lucky she is rich, brat and a b*tch. Kapag ang babaeng ito ang naghirap siguradong mamatay ito sa hirap na  buhay. Kawawa naman si Giesel Theodore napag-trip-an na naman ng mga bangaw. Yup, bangaw naman talaga ang mga iyan. Mga peste sa eskwelaham, kulang na nga lang insecticide para sa mga kanola para maisprayan na sila at nang lumayas na sa PAE. Umatras ako upang magtago sa poste na malapit sa elevator. Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Naghahanap ng bagay na pwede gamitin nang wala akong mahanap ay nangalkal na lamang ako sa bag ko. Napangiti ako ng mapaglaro ng makapkap ko ang foundation. I grinned secretly. ‘Patay kang bata ka sa akin ngayon.’ Sumilip ako ulit sa kanila. Sinigurado kong walang nakakita sa akin. Nakita kong binubuhusan nila ng pintura si Giesel. Napailing ako at bumwelo upang gawin ang plano ko. Kapag natamaan silang tatlo sa isang tirahan na ito magpapasutil ako ngayong araw kapag hindi naman, I will be the kindest girl in town. Duh, masyado na akong nagiging mabait ngayon. Pasalamat sila good mood ako ngayon kung hindi ay may mapagkakatuwaan ako ng palihim sa bawat oras. Inatras ko ang isa kong paa at inayos ang foundation sa aking palad it, hinagis ko ito ng patagilid. Alam kong hindi ako nagkamali ng kalkulasyon ko. Unang tinamaan ang ang bangaw na nakahawak sa kaliwang kamay ni Giesel. Ang sunod naman ay ang sa kabilang kamay ang panghuli ay ang pinunong bangaw na natamaan sa noo niya. Napa-yes ako at agad na tumalikod, mukhang maglalakad ako ngayon sa hagdan. I heard her shouted angrily. "Sinong may gawa nito? Malaman ko lang, your School year will be ruin!" Tawang-tawa ako sa reaksyon niya habang papaakyat ng hagdan. Oh' yeah this School year will be gonna exciting because of you b*tch. I really hate Shandie Moreen Florence's guts. Sa lahat-lahat ng binayayaan ng yaman doon pa napunta sa may masamang ugali. Life is so unfair so, why do I have to question myself for that? The weaker becomes weaker. The stronger becomes stronger. A law of life. What will happen when there's no weak and strong? It is necessary for life. Dahil kung wala ang dalawang iyon walang tatayo sa sarili nilang paa at lalaban para sa sarili nila. Kung wala ang mahina wala ang malakas upang pahirapan sila. A vice-versa cycle. Napailing na lamang ako dahil maging ako au naging biktima mismo ng batas ng buhay na sinasabi ko. But, I choose to live, to survive, and I won't make myself a weaker one, the day I choose to live my life alone. As if pinili kong mag-isa sa buhay ko ngayon. Napasandal ako sa pader ng hagdanan nang maalala ko naman ang nakaraan, kabuntot ng pangakong bubuhayin ko ang sarili ko. Ang pangakong maninigil ako sa bawat taong pinapatay ko. hindi kailanman nawala sa isip ko na sana naman ang taong pinapatay ko ang ang mga taong kinamumuhian ko. Napabuntonghininga ako ng malalim. Balang-araw ay magagawa ko iyon sa ngayon ay mag-aaral muna ako gaya ng pangako ko sa kanya noon. Pangalawang pangarap nalang sa akin ang ginagawa ko dito sa paaralan. My main priority is to avenge those people. Na kumuha ng pinakamahalagang tao sa akin. Inayos ko na ang aking sarili. Kahit ano pa ang nangyari sa akin. I should remained calm and at ease dahil kapag nagwawala ako hindi ko alam lung anong nagagawa ko. I remember my Condo. Wasak ang ibang gamit doon kahit na ang pader ay hindi ko pinatakas. Puno ng butas ang pader na pinagsusuntok ko dahil sa pagkalango at pagkainis sa sarili ko dahil namg araw na iyon wala man lang akong nagawa upang mailigtas siya. Good for me dahil hindi ako lumabas ng Condo nang gabing masaya ang lahat dahil baka lahat nang makita ko noon ay pinag-papatay ko. Inalis ko iyon sa isip ko. Hindi ko magawang mangdamay ng inosente kaya swerte ko lang at pagkatapos ng ginawa ko ay nakatulog ako sa pagod. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat sa unang klase ko. Damn it! Bakit ba nasa 6th floor ang unang klase ko. Err, nakalimutan ko hindi pala ako kolehiyo. Nakaka-g*go lang, high school student pa pala ako. Akala ko tuloy nasa kolehiyo na ako. Kung makaasta akala mo palipat-lipat ng klase ano? Binuksan ko nalang ulit ang back pack ko. Yup, back pack ko. Wala silang paki mas gusto kong gamitin ito kasi nalalagay dito lahat ng kailangan ko. Tsaka, idol ko si Dora the Exlorer. I was like explorer naman talaga kasi kung saan-saan lang napupunta ang mukhang ito kahit pa naka-maskara. Kinuha ko sa loob ng bag ang schedule ng klase ko. Tsk, kahit stock knowledge lang ginagamit ko palaging top ang mukhang ito. Grade 10-Socrates ang room ko. As usual kasama naman ang mga jerks at bitches. Nasa star section nga dahil sa pera. Bullsh*t! I rolled my eyes when I saw the first subject. Trigonometry. Wow! Great! Sarkastiko kong sabi sa utak ko. Kahit pa sabihing matalino ako ang hirap kaya ng Trigo. Walanghiya! Kasalanan ng matanda! Siya nagpa-enroll sa akin dito lalo na at siya kumuha ng schedule ko! Sana rayumahin kang matanda ka! Papahirapan mo talaga ako! Tamad na tamad kasi talaga akong mag-ehersisyo kaya kahit kailan hindi ako nag-e-exercise. What's the use of it? Kung ang ginagawa ko ay mas masahol pa sa exercise. Lundag, takbo, ilag at kung anu-ano pang delikadong bagay ang ginagawa ko. Hindi pa ba exercise iyon? Gusto niya lang talagang asarin ko. Argh! Humanda ka sa akin, tanda! Kakatayin kita! Gaya ng mga teacher na tinuka mo sa mga subjects na meron ako! Lahat ng teachers na nasa schedule ko kung hindi terror mga matataas naman tingin nila sa sarili nila. Ang matandang iyon naman  paba-gets pa. Akala mo naman hindi na siya ugod-ugod. Tang*na! Napakaisip-bata! "You'll pay for this old man!" Sigaw ko habang pinunit ang schedule ko. Sabunot-sabunot ko pa ang buhok ko dahil sa inis at frustration. Bakit ba kasi hindi niya nalang dinoktor ang mga papeles ko? Kakaasar talaga ang matandang iyon walang ginawa kundi pahirapan ako. Padabog akong naglakad sa hagdanan. Ang layu-layo pa pa ng 6th floor pero wala akong pagpipilian kasi kapag bumalik ako doon. Siguradong nag-aantay ang bangaw at hinahanap ang gumawa noong nagpabukol sa noo niya. ‘Yay! I love my life so much! P*ta! Bahala ka dyang matanda ka. Bawal pala ha?’ Ito ganti ko ngayon sa ginawa mong pang-aasar sa akin. Tinignan ko kung gaano pa ako kalayo sa 6th floor. Late na ako kanina pa nag-bell. ’Di ko kasalanang maaga talaga ang bell kasalanan niya iyon dahil nag-bell siya nang maaga. Naka-cycling naman ako kaya hindi makikita underwear ko nito tsaka kung may makakakit man. Swerte pa nila. Tignan lang natin sinong ‘di makakatulog kapag gabi. ‘Di ko naman ito ginawa minsan lang. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa malamig na bakal na hawakan ng hagdanan at buong lakas kong tinalon ang hagdanan. Makailang beses kong ginawa ito. Magaan naman ako kahit na mahilig akong kumain. Mabilis metabolism ko kaya wala akong problema sa pagtaba. Kahit pawisin ako alam ko namang mabango pa din ako kaya wala akong pakialam doon as long as maganda pa din ako. I DON'T REALLY CARE! Huling talon na itong gagawin ko sana naman wala pa ang teacher namin kundi patay na naman ako nito sa matanda. Bumagsak ako gamit ang dalawa kong paa sa semento. Muntik pang ma-out balance. Ilang sermon na naman ang aabutin ko or worst ide-detention pa ako ng teacher. Kahit na gustong-gusto ko ang detention dahil masarap tulugan doon mas gusto ko pa din ang kama ko. Nang magawa ko ang huling talon ay napa-yes ako. Agad kong inayos ang uniporme at sarili ko. Pangalawang pinto pa ang room ko kaya madadaanan ko pa ang isang classroom. Naglakad ako dito, dahil sa tunog ng sapatos ko alam kong mapapatingin sila sa akin. Tama nga ang sinabi ko dahil ng makadaan ako dito. Sa gilid ng mga mata ko ay halos lumuwa ang mga mata ng mga lalaki habang ang mga babae ay pinapatay na ako sa mga isip nila. I flipped my hair and walked like I own the place which is true. Napangiwi ako nang makita ko na ang room ko. Malamang, may teacher na dahil tahimik nang nakaupo ang lahat. Ilang buwan lang naman akong nawala dito pero bakit hindi pa nila pinalitan ang teacher ng Trigo? Matanda na nga siya, ito pa magtuturo. Swerte ko talaga ngayong araw. Walang magagawa ang kakareklamo ko dito kaya kumatok nalang ako. May manners pa naman din ako kahit papano. Napalingon silang lahat sa akin. What the f*ck?! Instant celebrity ang beauty ko. Napataas ang kilay ng teacher namg nakita niyang nakatayo ako sa pintuan ng classroom. Titigan niya lang ba ako dito o papasukin niya ako? Haler, estudyante niya din ako. "Yes? Ms. Revenche?" She asked strictly. I mentally rolled my eyes. What should I expect in a teacher who was an old maid? Inayusan pa ako ng salamin as if namang may mas lilinaw pa dyan sa paningin niya. Dahil nga anghel ako. I smiled sweetly. Ngiting pagkatamis-tamis na kahit na mga langgam hindi mahihiyang lumapit sa akin. "Sorry, I'm late, Ma’am. Sa hagdan kasi ako dumaan dahil sira ang elevator." Palusot ko. Sa likod ko ay pinagkrus ko ang aking mga daliri. Sana naman maniwala kang matanda ka. Sana naman. Akala ko papasukin niya ako nang matiwasay pero iba ang sinabi niya na siyang ikinainit ng ulo ko. Kumukulo ang dugo ko sa kanya but I need to stay calm baka mapatay ko siya nang wala sa oras. You see I am a hot-tempered b*tch. Madali lang akong mapikon kaya nga kapag kaharap ko ang iba kailangan kong mag-inhale at exhale nang ilang daang beses kung hindi mababalian ko ng leeg ang kaharap ko. "Huwag mo akong utuin, Ms. Revenche. Hindi ako bobo baka ikaw lang iyon. Hindi porket malakas ka sa may-ari ng School na ito. Magagawa mo na ang lahat." See? May halong pang-iinsulto niya pang sabi. Kakaasar ang matandang babae na ito. Pwede na naman siyang umalis dito kaya kong tapatan ang ginagawa niyang pagtuturo. Sa tingin ko nga mas matalino pa ako sa kanya partida stock knowledge palagi ang gamit ko. Hindi sa pagmamayabang pero I have beauty and brains na wala ang iba. "I'm really sorry, Ma'am. Alam kong mali ang magpa+late lalo na at kaka-transfer ko lang ulit dito. Nabigyan ko naman kayo nang unang maling impresyon. I am really sorr, Ma’am hindi na po mauulit." Paghingi ko ng tawad sa kanya at ilang beses na yumuko. May konting luha pa sa mata ko at nanginginug pa ang boses ko. Syempre, drama lang iyon. I sniffed and whimpered fakingly. Nagpapaawa ako. Ngayon, tignan lang natin kung hindi ka uto-uto. Hindi ako tinawag na Amazing Revence for no reason. Lahat nagagawa ko kahit na unang tingin ko palang ika-nga nila I am a protegè mukhang nakonsensya ang baluga kong teacher ngunit ang mukha niya ay matigas pa din. "No! You should learn your lesson, Ms. Revenche." She firmly said. Mas tinodo ko pa ang pag-acting ko. Ngayon, sabay-sabay ng tumulo ang mga luha ko. Ang totoo niyang natatawa na ako sa loob-loob ko pati mga kaklase ko sumabay na sa pakiki-usap sa teacher naming kasing tigas ng bato ang puso. Ang mga matatandang dalaga nga naman. Bitter talaga nitong si Ms. Baluga. "Ma'am, nag-sorry na naman po si Vindicta. Patawarin niyo na po siya." Sabi ng isa kong kaklase. "Oo nga, Ma’am." Halos lalaki ang nakiki-usap. Ang babae naman kung hindi nakairap ay nakikisimpatya sa akin. Pwede na sa akin ang pang-FAMAS na award for best actress. At ang mga supporters ko ang mga kaklase ko. Socrates Section, huh? More like idiots. Mga uto-uto. "Okay, okay, palalagpasin ko ito ngayon dahil unang araw mo ulit dito sa PAE pero sa susunod detention na ang diretso mo." I was laughing hardly inside my mind. Ang galing ko talaga. Pinapasok na niya ako nginitian ko ang mga kaklase kong tumulong sa akin sa pagpapaawa kay Ms. Baluga. Nginitian din nila ako. Psh! I know some of them are having wet dreams now. Naupo ako sa dulo. Mas gusto ko dito dahil nagagawa ko ang lahat at isa pa wala ng bakanteng upuan. Jusme! Hindi ko na gagawin ang pagpapaawa sa iba sa susunod. Nakakasuka! Tumingin ako sa labas ng bintana. Not listening to Ms. Baluga's lectures. Wala naman talaga akong kaamor-amor sa pag-aaral kung hindi lang ako pinilit ng matanda hindi ako papasok sa kahit anong eskwelahang pinapa-enroll-an niya sa akin. I don't know but the first time I killed someone hinanap-hanap ko na ito. Nag-iba na ang priorities ko sa buhay magmula noon. It feels like when I killed bad people lumalakas ako at abubusog ako. Ang bagay na iyon nagpapa-satisfy sa akin. Haist, whatever as long as I love doing my job I don't care if my soul will be rot in hell. Hindi pa man nag-iinit ang pang-upo ko sa upuan ng kumatok ang janitor ng School. "Ms. Baluga, pinapatawag po si Ms. Revenche ni Master." Sabi niya sa teacher. Pinapatawag o may ipagagawa na naman sa akin? Kung hindi lang siyang tinuturing kong magulang baka napatay ko na din ang matandang iyon. But, no I won't. He's the only family left for me kaya hindi ko magagawa iyon sa kanya. Ms. Baluga nodded kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at mabilis na linisan ang silid-aralan. Dali-dali akong sumakay ng elevator at pumunta sa opisina niya. Sinipa ko ang pinto bilang pagpasok dito. Sanay na sa akin ang matandang ito. Itinaas niya ang kanyang ulo at tinignan ako sandali habang may inaayos siya sa mesa niya. He motioned me to sit-down which I obliged pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita na siya. "How are you, grandaughter?" Oww, I forgot to tell you he's my childish grandfather-Mr. Alfredo Revenche. Kaya sinabi ni Ms. Baluga na malaki impluwensya ko dito dahil ang paaralang ito ay ipapamana sa akin kapag namatay itong matandang huklaban. "Why bother to ask kung nakikita mo naman ako sa tingin mo ba may mga galos ako sa katawan?" Bwis*t kong sagot sa kanya. Ngumuso ang matanda, napatampal ako sa noo ko. See, what I mean. Ang tanda-tanda na ngumunguso pa. "Kinakamusta ko lang naman ang paborito kong apo." Naglolokohan ba kami ng matandang ito? Pinatawag niya ako dito para kamustahin lang? Is he really crazy or what? "Huwag mo akong pina-flatter Lo, nag-iisa mo lang akong apo kaya wag kang mang-uto." Inirapan ko siya. Suntukin ko kaya ito kahit isa lang para matauhan. Pabebe mas lalong ngumuso ang matanda. Napasabunot ako sa buhok ko. "Magseryoso ka ngang matanda ka! Hindi ka na bata, Lolo. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD