-= Lance's Point of View=- "Sir mukhang masaya ata kayo ngayon ah?" ang nakangiting tanong ng driver ko na si Mang Sammy, habang nakatutok ito sa pagmamaneho. "Mukha po ba?" ang nakangiti ko namang tanong dito. "Opo sir eh, kanina pa po kasi kayo nakangiti." ang paliwanag nito, nginitian ko lang si Mang Sammy, actually simula pagkabata ko siya na ang driver ng pamilya kaya naman hindi na iba ang turing ko sa matanda pero sa ibang tao si Laurence Park ay isang seryosong tao, kailangan ko kasing ipakita ang ganoong side ko dahil ayokong maabuso ng ibang tao kaya kailangan kong ipakita ang tough side ni Laurence Park. Agad kong binalik ang tingin ko sa labas habang nagpatuloy si Mang Sammy sa pagdadrive, pauwi kasi kami sa bahay namin sa Dasma Village, well tama naman si Mang Sammy, for

