-= Lyal's Point of View=- Nanatiling namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, pakiramdam ko nga sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na any moment ay maririnig nito iyon. "Kailangan ko na bang magmakaawa na huwag akong tanggalin nito sa trabaho?" ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, ngunit napatigil ako ng bumaba na kami sa floor na ngayon ko lang napuntahan. "Uhmmm Sir..." I tried to call his attention. "Later malapit na tayo." ang naging sagot lang nito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang tahimik na sumunod dito. Nagpatuloy kaming naglalakad hanggang dumating kami sa pinakasulok na part ng floor na iyon kung saan nandoon ang isang malaking opisina. "Sir Lance nasa loob na po si Sir. Jericho." ang salubong ng isang babae na malamang sa malamang ay secretary ng

