"Ako na po ang mag aayos ng mga yan bukas ng umaga manang", ani ni Sandra kay manang Aida, ang mayordoma ng mansion. Katatapos lang party na dinaluhan ng angkan ng Alebaro at Palomar. Isa iyong pagtitipon na ginagawa nila taon taon. Paraan upang magkita kita at magkumustahan ang dalawang angkan. Masyado kasi silang busy sa kani kanilang mga negosyo. Mayaman na ngang maituturing pero nagpapayaman pang lalo.
"Diba at mag jo-jogging ka bukas", tanong nito.
"Opo. Huwag na kayo mag alala. Ako na po ang bahala jan. Magpahinga na po kau at alam kong napagod din kayo kanina", sagot nito.
"O siya. Ikaw na ang bahala at akoy papasok na. Napagod nga yata ako. Tumatanda na talaga ako. Sumunod ka na din para mahapag pahinga", turan nito.
" Opo manang", at nginitian nia ito. Isa si manang sa pinaka malapit sa kanya sa mansion. Parang anak na kasi kung ituring sia nito kaya naman itinuturing nia na din itong ina.
Napatingin sia sa kabuuan ng mansion. Ang galante nitong tignan sa labas. Bakas na bakas sa karangyaan. Naalala pa nia nung unang tumuntong sia sa mansion. Sinama sia noon ng kanyang tatay.
{Flashback}
Araw ng kanyang pagtatapos ng high school. Masayang masaya sia dahil sa wakas ay matatapos na din sia. Excited kasi siang mag aral ng kolehiyo. Gusto nia makatapos para matulungan ang nanay at tatay nia. Pangarap nia magkroon ng sariling lupa at bahay. Ito ang gusto niang iregalo sa mga magulang nia kaya nagpupursige siang makatapos at pinagbubuti ang kanyang pag aaral. Masayang masaya ang mga magulang nia ng tawaging ang pangalan nia sa entablado upang tanggapin ang kanyang diploma. Masaya niang iwinagaway sa mga magulang nia ng mahawakan nia ito. Kitang kita ang saya sa mukha ng mga magulang nia ng makita sia na subrang saya. Nagtapos siang Unang Karangalang banggit. Di na masama,ang importante ay binigay nia ang lahat ng best nia sa pag aaral.
Ang sabi nga nila, ang subrang kasiyahan kung minsan may kapalit na kalungkutan. Hindi pa man siya nakababa ng stage ay nakita nia ang biglang paglupaypay ng nanay nia. Nataranta siya. Dali dali siang bumaba at patakbong nagtungo sa kinaroroonan ng mga magulang nia. Nagkagulo dahil sa nangyari. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nia ang sumunod pa. Natapos ang kanyang pagtatapos sa isang napakalungkot na pangyayari. Di na umabot pa ng ospital ang nanay nia. On the spot ito. Ayon sa doktor ay inatake ito sa puso. Na trigger siguro ito sa kasiyahang nadarama nito sa kanyang pagtatapos.
Halos mawalan sia ng malay ng malaman nia ang nangyari sa kanyang nanay. Ang pagsasaya na pinaghadaan nila ay humantong sa isang pighating pagdadalamhati. Hindi nia na alam kung gaano sia katagal na umiiyak. Ayaw niang gumalaw at di sia makausap ng mga kamag anak nia. Wala siang ibang inintindi kundi ang sakit ng nararamdaman nia.
"Ang daya mo naman nay eh. 'Bat ka nauna? Di ba nga, bibili pa tayo ng sarili nating lupa at magpapatayo pa tayo ng pinapangarap nating bahay. Bakit naman umalis kayo kaagad", umiiyak niang kausap sa labi ng kanyang ina.
Paano na ang mga pangarap nia kung ang isa sa pag aalayan nito ay wala na?. Paano pa nia mararamdaman ang tunay na saya kung kulang na ang bumubuo ng buhay nia?
"Anak, tumahan ka na. Di ba ang lakas lakas mo. Ikaw ang anak ko na matapang at di marunong sumuko. Maging matatag ka anak para sa iyong ama. Palagi lang akong nasa tabi ninyo at palagi ko kayong babantayan saan man kayo mapadpad".
Napaalimpungatan siya. Nakatulugan na pala nia ang pag iyak. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng mailibing ang nanay nia. Isang linggo na pero pakiramdam nia ay kahapon lang nangyari ang lahat. Biglang tumulo ang luha nia ng maalala ang sinabi ng nanay nia sa kanyang panaginip. Napangiti sia. Sa kanyang panaginip ay napaka aliwalas ng mukha ng nanay nia. Alam niang nasaan man xa ngayon ay masaya ito.
"Nay, inapangako ko na magiging matatag at matapang ako para sa amin ni tatay. Mahal na mahal kita nanay".
Nawala man ang nanay nia. Nawalan man siya ng isang inspirasyon sa buhay ay kinakailangan nia pa rin magpatuloy. Hindi nia isusuko ang mga pinangarap nilang mag anak. Sa kakamukmok nia ay nakalimutan na nia ang kanyang tatay. Ni hindi nia man lang nakukumusta ito. Alam nia na kung gaano sia nasaktan ay mas lalong nasaktan ito. Nawala sa kanya ang kaisa isang babaeng minahal nito. Siya ang buhay na patunay dun at isa din sia sa saksi kung paano nagmahalan ang kanyang mga magulang. Hindi man sila mayaman ay mayaman naman sila sa pagmamahal. Kaya siguro lumaki din siang positibo sa lahat ng bagay dahil na rin sa mga magulang nia.
Nitong mga nakaraang araw ay halos di na sila nag uusap ng tatay nia. Maaga itong umaalis sa trabaho at gabi na din kung umuwi ito. Pagdating nito sa bahay ay deretso na ito sa silid at di na lalabas. Minsan nagigising sia sa madaling araw at naririnig nia itong humuhikbi habang binabanggit nito ang pangalan ng nanay nia.
Awang awa na sia sa tatay nia,labis itong nasaktan sa pagkawala ng nanay nia.
"Tay", tawag nia dito ng dumating ito isang gabi. Sinadya nia itong hintayin. Tumingin lamang ito sa kanya. Lalagpasan na sana sia nito pero yumakap sia dito.
"Alam ko pong hanggang ngayon nasasaktan pa rin po kayo sa pagkawala ni nanay. Ako naman din po eh. Alam ko pong matatagalan pa para matanggap natin na wala na sia. Pero tay, hindi magiging masaya si nanay kung nakikita nia tayong subrang lungkot pa rin dahil sa pag iwan nia", sabi nia rito. Naramdaman nia ang pagyugyug ng mga balikat nito tanda na umiiyak ito.
Niyakap din sia ng mahigpit ng kanyang tatay. Hinayaan nia itong umiyak ng umiyak sa ganong paraan ay mailabas nito ang sakit at kalungkutan na bumabalot dito.
Kinabukasan ay kinausap sia ng kanyang tatay. Isasama na sia sa kanyang pinapasukan. Doon na daw sila titira. Matagal naman na daw itong inaalok ng mga amo nito na doon na tumuloy sa mansion. Tinanggihan nga lamang noon ng kanyang tatay dahil ayaw ng kanyang nanay. Ngayon na wala na ito ay makakabuti daw na doon na sila para na rin daw hindi ito mag alala sa kanya kapag wala ito at nasa trabaho. Iyon ang kauna unahang tapak nia sa mansion ng mga Palomar. Noong una ay hindi sia makapaniwala na may ganong kagandang bahay. Para itong kastilyo sa mga napapanuod nia sa fairytales. At di nia akalain na makakatungtong ang isang kagaya nia sa ganong kagarbong mansion. Si Mang Anton, ang tatay nia ang matagal ng driver ng pamilya Palomar.
{End of flashback}
Ipinilig nia ang kanyang ulo sa pag alala sa malungkot na iyon ng chapter ng buhay nia. Dalawang taon na din ang nakakaraan. Naging maganda ang pagtanggap sa kanya ng mag asawang Palomar. Napakabait sa kanya ni Ma'am Amelia. Kung ituring din sia nito ay parang anak. Palibhasa kasi ay apat na maton ang naging anak. Sabik sia sa anak na babae kung kayat sa kanya napunta ang atensiyon nito. Magiliw din naman sa kanya si Sir Rafael. Pareho silang mabait sa kanya at maging ang mga anak nila na sina Seniorito Mark, Martin at Aljur. Liban kay seniorito Aldrin na di nia alam kung bakit sa tuwing nakikita sia nito ay laging kataas ang kilay na animo naalibadbaran sa kanya. Kaya nga halos hindi din nia ito kinakausap o nilalapitan man lang sa tuwing nauuwi ito sa masion galing sa ibang bansa. Ipagpasalamat na lamang nia at hindi ito naglalagi sa mansion.
Bago pa man masira ang gabi nia sa pag alala sa supladong lalaking iyon ay pinasya na niang pumasok para magpahinga.
Maaga siyang nagising kinabukasan at naghanda sa kanyang pagjo-jogging. Pumasok muna sia sa kusina para kunin ang tumbler na lagayan nia ng tubig na pinalamig nia sa ref kagabi. Pakanta kanta pa sia habang kinukuha ito sa ref.
"Where are you going"?
"Ay anak ng tipaklong"! sa subrang gulat ay napahawak ito sa kanyang dibdib. Muntik na din nia maibato ang tumbler na hawak nito sa taong bigla bigla nalang sumusulpot at nanggugulat.
"S...seniorito? A...ano po ginagawa nio dito"?
"Bakit, bawal na ba akong pumunta dito. As long as i remember,bahay ko din naman 'to'".nakataas ang kilay nitong sagot.
Napangiwi sia sa sagot nito. Ang aga aga ang supla suplado wika nito sa sarili.
"Ang i...ibig ko pong sabihin, ano po ang kailangan ninyo at nasa kusina kayo sa ganitong kaaga"? tanong ng dalaga.
"I asked you first. Answer my question"? tiim ang titig nito.
"Magjo-jogging po", sagot nito.
Pinasadahan sia nito ng tingging mula ulo hanggang paa. Di nia tuloy maiwasang ma concious dito. Ano na naman kaya ang problema nito at ganun kung maka tingin.
"You going outside wearing that"? naka kunot noo nitong tanong.
Nagulat siya sa sinabi nito. Napatingin din sia sa kabuuan nia. May mali ba sa suot nia?
Nakasuot lang naman sia ng sport b*a at short na hanggang kalahati ng binti tapos pinarisan nia ng white rubber shoes.
" May problema po ba sa suot ko, seniorito"? tanong ni Sandra dito.
"Back to your room and change decent clothes", maotoridad nitong utos.
"Seniorito magjo-jogging po ako kaya...."
Hindi na nia natapos ang sasabihin nia ng bigla sia nitong hilahin pabalik sa kanyang silid. Wala siang nagawa kundi ang sumunod dito. Wala din naman saysay kung magpumiglas pa xa. Sa higpit ng hawak nito sa braso nia ay sure nia na di sia makakawala.
"Now get in and change your clothes", utos nito.
"Seniorito...."
"Magbibihis ka o ako ang magbibihis sayo",muli nitong putol sa sasabihin nia.
Natigilan sia sa sinabi nito. Alam nia na gagawin talaga nito iyon kung nagmatigas pa sia. Tinalikuran nia ito at padabog na pumasok sa kanyang silid at nagbihis. Ano ba ang problema ng lalaing iyon at pati pananamit nia ay napapansin nito. Dati naman walang pakialam ito sa kanya. Pakiramdam nia nga minsan hindi sia nag i-exist dito tapos ngayon at heto pinapakialam ang pananamit nia. And take note, wear some decents daw. Anong gusto nia na isuot nito. Pajama para balot na balot!! Hindi na sia nag abalang alisin ang short nia at isinuot nia ang black leggings at nagsuot ng maluwang na white shirt. Nakasimangot sia pagkalabas ng silid.
"Next time, don't wear expose clothes", mariin nitong sabi pagkatapos sia nitong pasadahan ulit ng tingin.
Nilapagsan lang nia ito. Hindi na nia ito nilingon hanggang makalabas sia ng mansion. Naiwan naman itong nakataas ang sulok ng mga labi.
Hindi na nia tinuloy ni Sandra ang pagjogging sa halip ay inaliw na lamang nia ang paningin sa mga naggagandahang bulaklak na nadadaanan nia. Isa iyon sa mga nagustuhan nia sa pagtira sa mansion. Napapalibutan ito ng naggagandahang sari saring mga bulaklak. Ang iba rito ay imported pa. Mahilig kasi sa mga bulaklak si Ma'am Amelia kaya naman pinapanatili nito ang pag aasikaso sa mga halaman nito.
Bago sia bumalik sa loob ng mansion ay pinasya nia munang bisitahin ang ama sa men's quarter. Alam niang sa ganoong oras ay nagkakape na ito. Sigurado itong magugulat ito sa suot nia ngayon pag nakita sia nito.