Chapter Two

1868 Words
Dahil malapit na ang pasukan,ipinasya ni Sandra na linisin ang buong mansion. Sa laki at lawak nito, siguro aabutin sia ng dalawang linggo sa paglilinis. Hindi naman sia pinagtra-trabaho ng mga Palomar dahil nga hindi na daw sia iba sa mga ito. Pero nahihiya naman siang walang ginagawa. Nakikitira na nga sila ng tatay nia ay pinag aaral pa sia ng mabait na mag asawa. Napatitig sia sa family portrait ng pamilya Palomar. Sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay nanatili ang mga itong may mababang loob. Hindi sila katulad ng iba na ginagamit ang yaman upang pantapak ng tao. Kung gaano sila kaganda at ka gwapo sa panlabas ay ganun din sa kalooban ng mga ito. Napahawak sia sa mukha ng isa sa mga seniorito nia ay kasabay nun ang pagragasa ng mga alaala nia sa nakaraang dalawang taon..... "Ito na ba si Sandra, Andro", tanong ng ginang sa kanyang tatay nung dumating sila sa mansion. Napakaganda nito at ang boses nito ay para bang pinanghehele ka pag narinig mo. "Opo Ma'am", nakangiting sagot ng tatay nia sa ginang. "Ang laki mo na. Maliit ka pa nung huli kitang makita ng minsang isinama kayo ng tatay mo dito sa mansion. Tama nga ang sabi ko noon na lalaki kang napakagandang bata, diba hon"? baling nito sa ginoong katabi nia. Ngumiti ang ginoo at nagpatango tango. Pinamulahan sia ng mukha sa komento ng ginang. Napayuko sia para itago ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi kasi sia sanay na pinupuri. "Anak, siya si Ma'am Amelia at siya naman si Sir Rafael",pagpapakilala ng tatay nia sa mag asawang kaharap nia ngayon. Ngayon lang nia nakita ang mga amo ng tatay nia. Subra subra ang kabaitan nila. Hindi langid sa kaalaman ni Sandra kung paano nakakatulong sa pamilya nila ang mga ito. "Kinagagalak ko po kayong makilala Ma'am Sir",nahihiya nitong wika. "Call me Tita hija and Tito to your Tito Rafael",malumanay na sabi ni Ma'am Amelia. "S....sige ho T....tita Amelia",kyeming sagot nito. "Asikasuhin mo na ang lahat ng kakailanganin mo sa darating na pasukan hija. Doon ka mag aaral sa University kung saan nag aaral ang mga anak ko", sabad ni Sir Rafael. Napatingin si Sandra sa kanyang tatay. Kung paano ito nagulat ay mas doble sia. "Naku Sir, hindi ko po kakayanin ang gasto sa paaralang iyon", sagot ng kanyang tatay. Isang sikat na University ang tinutukoy ni Sir Rafael at alam nia na middle class lang ang nakakapasok doon dahil sila lang naman ang maykayang tustusan bayad doon. "Huwag mo ng problemahin iyon Andro. Leave it to me. Ang gusto ko lang ay mag aral kang mabuti Sandra", na nakangiting nakatingin sa kanya. " At para na rin may mata ako sa mga anak ko". naiiling nitong dagdag. Labis labis ang pasasalamat nilang mag ama dahil sa tulong ng mga ito upang makapag aral sia sa kolehiyo. Ng matapos silang mag usap usap ay tinawag ni Ma'am Amelia si Manang Aida upang samahan sia sa women's quarter ng mansion. Ang tatay naman nia ay tumuloy sa men's quarter upang magpahinga. Ipapatawag na lang daw sila pag handa na ang lamesa. Ipapakilala daw sia sa mga anak nito. Matapos na maiayos nia ang kanyang mga gamit sa silid na ukupado nito ay humiga sia sa kama. Tamang tama lang kama,pang isahan. Meron ding aparador at maliit na lamesa sa gilid. Pagsapit ng hapunan ay pinatawag sia ni Ma'am Amelia. Sumilip muna sia sa naka awang na pinto sa kusina para makita nia kung sino sino ang nasa dining area. Ng makita nia na kompleto ang mga ito ay nag alangan siang lumabas. "Ano pa ang sinisilip silip mo diyan". "Ay anak ng tipaklong"!! sa subrang gulat nia ay nauntog sia sa seradura ng pinto. Napahawak sia sa nasaktang noo. "Ay nako at magugulatin ka pa lang bata ka. Nasaktan ka ba"? nag aalalang tanong ni Manang Aida. "Kayo naman po kasi manang,bigla bigla na lang po kasi kayong nagsasalita", hinimas himas nia ang nuo na nasaktan. "Eh ano ba kasi ang ginagawa mo? Hala sugod na at ng makakain na din sila", utos nito sa kanya. Wala siang nagawa kundi ang lumabas ng kusina. Habang papalapit sia ay tinignan nia isa isa ang mga naka upo sa pabilog na lamesa. Ang mag asawa at dalawang lalaki ang nakikita nia. Nakatalikod naman sa gawi nia ang dalawa pa. Si Ma'am Amelia ang unang nakapansin sa paglapit nia. "Oh Sandra,nariyan ka na pala. Halika dito hija", sambit nito sabay turo sa upuang nasa tabi nito. Napalingon naman sa kanya ang lahat liban sa isang lalaki na katabi ni Sir Rafael. Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito at umupo sa tabi ni Ma'am Amelia. "Magandang gabi po", bati nia sa lahat. " Maganda ka pa sa gabi", sagot ng isa sa mga anak nito. Sa palagay nia ay kasing edad lamang nia ito. Namula naman ang mukha nia sa sinabi nito. Iiling iling naman ang dalawa pa na kasalo nila sa lamesa. Samantalang ang isa sa kanila ay sreyuso lang. Mukhang walang pakialam sa mga bagay bagay sa paligid nito. "By the way, Am Martin. Ang gwapong bunso ng mga Palomar", pagpapakilala nito sa sarili. Napangiti naman si Sandra dito. Wow, Jeric Raval ang peg. Naalala niya tuloy yung paborito nitong actor. May pelikula kasi itong Bunso ang pamagat. Maamo ang mukha ni Martin. Kamukha nito ang ina. "I'm Mark", ngiting sambit ng katabi nito. Nginitian nia ito. Mas matanda ito kay Martin sa tingin nia. Pareho sila ng aura ng kanyang ama. "And am Aljur. I'm the second", pakilala ng katabi ng lalaking parang walang pakialam. Medyo may pagka seryuso ang aura nito kahit nakangiti. Hinintay nia na magpakilala ang katabi ni Aljur ngunit hindi ito nagsalita. Pinagpatuloy lang nito ang pagkain. "Kinagagalak ko kayong makilala mga seniorito", sabi nia sa mga ito. Hindi na din nia tinapunan pa ng tingin ang hindi nagpakilala sa kanya. Siguro suplado ito. Nagulat si Sandra ng bigla itong tumayo. "Excuse me. I'm done",sabi nito sabay talikod at deretsong umakyat sa ikalawang palapag. Nagkibit balikat ang mga kapatid nito samantalang napapailing naman si Ma'am Amelia. "Pag pasensiyahan mo na si Aldrin hija. Pagod lang siguro yun",hinging paumanhin nito. Ngumiti sia dito. "Wala pong problema. Naiintindihan ko po". Dahil sa iisang University lang naman sila mag aaral ng mga seniorito ni Sandra ay sinasabay na sia ng mga ito sa pagpasok. Paminsan minsan lang nila nakakasabay si seniorito Aldrin dahil mas gusto nitong mag motor. Sila ni Martin ang laging magkasama dahil parehas sila ng kinuhang kurso. Si Mark naman ay 2nd year at 3rd year naman si Aljur. Nasa huling taon naman si Aldrin. Nakakatuwa dahil sa pagkakasunod nila lahat ng level ay may pambato sa kagwapuhan. Hindi naman sa pagmamayabang pero nangingibabaw ang kagwapuhan nilang magkakapatid sa karamihan kaya naman halos lahat ng mga babae ay kanya kanyang deskarte para lang matapunan ng pansin ng mga ito. Acquaintance Day Abala ang lahat sa paghahanda sa naturang pagtitipon. Kanya kanyang hanap ng maisusuot at kanya kanya din pili ng makakapareha. "May isusuot ka na ba besh"? tanong ng kaibigan niyang si Gail. Maliban kay Martin ay ito ang maituturing niang kaibigan. Pareho kasi silang walang arte sa katawan kaya naging swak sila sa isat isa. "Wala pa nga eh. Baka siguro di na lang ako a-attend", sagot nito. "Ay di naman pwede yun besh. Mang iiwan lang sa ere ang peg"! naka ngusong sabi ni Gail. Natawa naman ito sa tinuran ng kaibigan. Kung paano sia ka walang interesado sa naturang party party ay sia namang excited nito. "Pag may nahanap ako na isusuot pupunta ako pero pag wala alam mo na", sabi nito. "Kahit simpleng bestida lang naman ang isuot mo maganda ka pa rin. Kahit nga hindi ka na mag make -up eh", turan nito. "Kaibigan nga kita, walang duda", naka irap nitong sagot dito. "Hi girls", Nagulat silang pareho sa nagsalita. Ng lingunin nila ay nakita nila ang nakangiting si Martin. Pinamulahan naman ng mukha si Gail. Alam ni Sandra na may crush ito kay Martin. "Oh seniorito ikaw pala", nakangiting sabi ni Sandra. "Alis na ba tayo"? tanong nito. "Nope. Pero ihahatid kita kay kuya Aldrin,sa kanya ka muna sumabay kasi may pupuntahan pa ako eh, okey lang ba"? Napamulagat naman ito sa sinagot nia. Bakit naman nitong naisipan na sa kuya nia na lang sumabay sa pag uwi.? Sa lahat ng kuya nia kay Aldrin pa talaga. Pwede naman na kay Mark na lang o kaya kay Aljur. Hindi ba nito pansin na laging naka kunot ang noo ng kuya Aldrin nia oag nakikita sia nito.? "Bakit kay seniorito Aldrin, baka ihulog ako nun eh. Alam mo naman yun parang nereregla pag nakikita ako",sagot nia dito. Parehong natawa si Martin at Gail sa sinabi nito. "Watch your word. Baka nga gawin ko yun sayo right now right here",ani ng baritonong boses na nagpaigdad sa kanya sa subrang gulat. Hindi na nia kinakailangan na lumingon para alamin kung sino ang nagmamay ari sa boses na iyon. S**t am doomed sabi nia sa isip nito. Kung pwede lang niang hilingin sa lupa na lamunin sia sa mga sandaling iyon ay ginawa na nia. Unti unti siang pumihit paharap dito. "S....seniorito Aldrin. Nandiyan ka pala. Anong atin"? ubod ng tamis na tanong nia dito. As if makukuha ito sa ngiti. Nangunot ang noo nito sa kanya. "And you think na madadala ako sa mga ngiting yan"? iritadong tanong nito. Napangiwi naman si Sandra sa naging sagot nito. Kung bakit ba kasi minsan nawawalan ng preno ang bibig nia. "Kuya glad you here, pwede bang sayo na muna sumabay si Sandra. I have some matters to do",agaw pansin ni Martin. Blangko lang ang mukha ni Aldrin sa sinabi ng kapatid. "Naku seniorito Martin, kaya ko naman umuwing mag isa. Ok lng ako promise. Go ka na sa pupuntahan mo at gogora na din ako", sabi ni Sandra. "Halika na Gail, sabay na tayo hanggang gate",yaya nia kay Gail. "No. Mommy will be mad pag hinayaan ka naming umuwing mag isa", tutol ni Martin. "Don't worry seniorito,ako ang magpapaliwanag kay Ma'am Amelia", sabi nito. Akma na sana silang maglakad ni Gail ng magsalita si Aldrin. "You can go now. Sandra will go with me",sabi nito na kay Gail nakatingin. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Sige besh, mauuna na ako. Kitakits bukas". paalam nito. "Ingat ka", tumango ito at lumakad na palayo. "Thanks kuya", sabi ni Martin bago nagpaalam sa mga ito. Nakailang hakbang na si Aldrin pero di pa rin gumagalaw si Sandra sa kinatatayuan nia. Nangunot ang noo nito ng lingunin siya. " What"? singhal nito sa kanya. Napatingin naman si Sandra ng deretso dito dahil nagulat sia sa pagsinghal nito sa kanya. Di nia ito sinagot at nagmartsa na ito patungo sa gate. " So meron nga sia", bulong nito ng lagpasan nia si Aldrin. "What did you say"? "Wala seniorito. Ang sabi ko halika na at naghihintay na ang motor mo sa labas", sagot nito na di man lang lumingon. "Namatanda ka teh o kusa ng umalis ang kaluluwa mo sa katawan mo at nakatulala ka na diyan", ani ni Pipay. Isa sa mga kasambahay. Bigla naman bumalik sa kasalukuyan ang isip nia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD