Chapter 7

1896 Words
Paglabas ni Ligaya sa silid ay nakita niya ang isang nasa mid fifties na sigurong babae. Ngumiti ito sa kaniya nang makita siya. Lumapit naman siya dito at gumanti ng ngiti. "Ah, si Eric ho?" "Nasa kusina na, hija. Halika, nakahanda na ang tanghalian niyo." Magaang sambit nito sa kaniya. Hindi tuloy siya nakaramdam ng hiya dahil sa paraan ng pakikitungo nito sa kaniya. Tumango siya at sumunod dito. Habang nakasunod dito ay inilibot din niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Pakiramdam talaga niya ay nasa Spain siya sa mga disenyo sa loob. Ang mga muebles ay mga Spanish Style. Nang makarating siya sa dining area ay hindi na siya nagtaka sa hitsura. Chinese ang mga Ongpico pero sa nakikita niya ngayon mukhang Spanish ang mga naunang ancestors nila. Napadako ang tingin niya kay Eric na tumayo mula sa pagkakaupo. Agad naman silang iniwan ng sa tingin niya ay si Manang Lydia na binanggit nito kanina. Muli niyang tiningnan si Eric nang makaalis na ng tuluyan si Manang Lydia. Ngumiti ito sa kaniya. "Let's eat." "Siya si Manang Lydia?" imbes ay tanong niya. Natawa naman ito sa kaniya bago tumango. "Sorry, I'll introduce you to her later. For now, kumain muna tayo dahil gutom na ako." iminuwestra nito sa kaniya ang kaharap na upuan. Hindi naman ganoon kahaba ang dining table pero dahil dalawa lang naman silang kakain ay akala mo nasa isang mansiyon sila sa laki nito. Naupo na lamang siya at nagsandok na. Hindi na niya hinintay pang ipagsandok pa ni Eric. Umamba na kasi itong magsasandok kaya inunahan na lamang niya. "Akala ko ang madadatnan ko dito ay mga Chinese Furnitures. Bakit Spanish?" hindi na niya napigilang tanungin. Nakakapagtaka lang kasi. Hindi naman sa ayaw niya sa Spanish Style na bahay, in fact ay gustong gusto nga niya pero hindi lang siya makapaniwala. Eric laugh at her. Kumunot ang noo niya dahil doon. Ano ang nakakatawa sa tanong niya? She is just curious. Wala namang mali sa sinabi niya. "You're laughing at me." may tampong saad niya. Nakaramdam lang siya ng kaunting inis dito. "Hindi ko ba nasabing sa side ng Mommy ko? My mother's ancestors are Spanish. At ipinamana itong bahay na ito sa Lolo ko." Now her jaw dropped. May iba pa nga palang lahi ito. Oo at Chinese ang Daddy nito but she doesn't know that his mother was a Spanish. "I'm sorry it confuses you. My gandma is a Filipina. Kaya hindi ako sang-ayon sa fixed marriage dahil sila mismo ay hindi pumayag sa ganoong set-up. Then now, our parents wants us to marry the person we don't love. Isn't it unfair?" Muli siyang napanganga. May hindi ba sinasabi ang kaniyang mga magulang sa kaniya? Bakit? "So you are also promised to someone?" kuryosong tanong niya. "I declined. Noong una ay wala akong pakialam kaya um-oo ako. But when my sister died because they also made her marry someone from the industry she...." hindi na nito itinuloy pa. Hindi na rin siya nag-usisa pa dahil alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng isang mahal sa buhay. Natahimik siya. She knows what happened to their sister pero hindi niya alam na ganoon ang naging epekto nito kay Eric. Maybe, he's really that close to her sister kaya naman hindi na nito itinuloy pa ang ipinangakong kasal sa kaniya. "Baby, eat. You have to." rinig niyang sambit ni Eric. Nakatitig na lang kasi siya sa pagkain. Wait! Did she hear it right? He called her baby? Nag-init ang kaniyang pisngi sa realisasyon. "Hindi mo na kailangang mag-diet. Your body is right in place." dugtong pa nito na mas lalong nakapagpapula ng kaniyang mukha. What is he doing? "You called me baby?" Natigil sa pagsubo si Eric. Ibinaba nito ang kutsara at tumitig sa kaniya. Ngayon ay nakaya niyang tagalan ang titig nito. "I'm not a baby, mister." nagtaas siya ng kilay. Kumunot ang noo niya nang ngumiti lang ang binata. "Of course you're not a baby. It's just an endearment, baby." Kumalabog ng malakas ang puso niya. He made it again. Kailan ba matatapos ang puso niya sa ganoong pakiramdam? Does she need a doctor now? Magkakasakit pa yata siya sa puso dahil lang sa lalaking ito. "Come on, let's just eat first. Gutom na talaga ako." Hindi na siya nagsalita pa at kumain nalang. He is a threat. A threat that she never want to escape. Because her heart was also happy even if there were so many weird feelings she feels when Eric is around. Hindi siya nakakain ng maayos dahil laman pa rin ng isip niya ang pag-uusap nila ni Eric kaninang agahan. She is starting to panic. Not literally. Dahil sa lahat ng nararamdaman niyang ito, isa lang ang patutunguhan nito. And she was worried about it. Para sa sarili niya at para sa kahihinatnan ng lahat. Alam niya at hindi siya manhid na unang beses palang silang nagkasalamuha ni Eric ay iba na ang pakiramdam niya sa binata. Noong una ay wala lang iyon sa kaniya. She even told him to stop. Now, sarili na ba niya ang dapat niyang pagsabihan ng ganoong linya? "You like your room?" Nagulat siya at halos mapatalon mula sa pagkakatayo. Muli na naman kasi siyang nakatitig sa lampshade. Hindi niya tuloy namalayan na nakapasok na pala si Eric. Hindi siya nag-lock ng pinto dahil lalabas pa naman siya. Kinuha lang niya ang cellphone niya pero napadako na naman kasi ang mata niya sa lampshade at doon kung ano anong tanong ang bumuhos sa isip niya. "Lola really love your work. Kasama ko siya noon sa unang exhibit mo. And she did her best para lang mapasakaniya ang lampshade na iyan." Nakangiti ito na animo ay inaalala ang araw na iyon. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal sa lola nito. Alam niya na wala na ang lola nito. Nabalitaan naman niya iyon noon. Natatandaan din niyang nakiramay ang pamilya niya nang mamatay ang lola nito. And her lolo strangely cry in front of the coffin. Hindi na niya tinanong ang lolo niya. Marahil ay dahil sa may pinagsamahan ang mga ito noon. "It was made because of my lolo's request." "I see. Kaya pala hindi na pinakawalan ng lola." iba ang ningning ng mga mata ni Eric pagkasabi niyon. Mukhang alam nito ang kwento ng lampshade. "You know the story behind this lampshade?" kuryusong tanong niya na mabilis naman sinagot nito. "Hindi. Care to tell me?" Nagkibit siya ng balikat. Wala namang mawawala kung ikukwento niya ang totoong kwento ng lampshade. Besides, hindi niya nga dapat ibebenta ito. Pero sa hindi niya maintindihang dahilan, ay mismong ang lolo niya ang nangumbinsi sa kaniyang ibenta na ang naturang lampshade. "It was my grandpa's first love. Lahat ng nakapalibot diyan ay kung paano at kailan sila nagkakilala. See at the top of it? Doon ka magsisimula and you'll know already how their love grows. Hindi siya kasama sa mga for sale noon pero isinama ko sa exhibit. But unfortunately, lolo asked me to sell it, maybe he knows it was your Lola. Is your lola the first love of my Lolo?" Hindi na niya napigilang tanungin. Habang iniisip niya ang kwentong nakapaloob sa lampshade ay doon lang pumasok sa isip niya ang posibilidad. There is a possibility. Kaya ba ipinagkasundo sila ni Enric dahil iyon ang hiling ng lolo niya? Pero matagal ng nakaplano ang kasal na iyon. "I wonder if what happened when they end up together." nanghihinayang na sambit niya. Nakangiting nakatitig siya sa lampshade. "Hindi kita makikilala kapag sila ang nagkatuluyan. Dahil sigurado akong isa sa atin ang hindi maisisilang sa mundo." Napatingin siya kay Eric. He was intensely staring at her. Mga matang punong puno ng emosyon na hindi niya maintindihan. Basta ang alam niya ay muling nabuhay ang pagbilis ng pintig ng kaniyang puso. "Magpahinga ka muna, bibili lang ako ng mga damit mo." Hindi na siya nito hinintay pang magsalita at mabilis na itong lumabas ng silid. Sinamantala nito ang pagkakatulala na naman niya. She felt more problematic now. Hindi niya ito inaamin noon. Dahil hindi niya naman nakakasama madalas si Eric. Pero hindi pala basehan na lagi kayong magkasama. Dahil kahit hindi niya nakakasama si Eric, alam niya kahit hindi umamin si Eric, ito ang nagte-text sa kaniya at nagpapanggap na si Enric dahil minsan na niya itong nabuking. Kadarating niya lang ng bahay buhat sa outing nila nina Enric- outing dahil buong barkada na naman kasi ang kasama imbes na date nilang dalawa lang- at heto ang kaibigan niyang nanghihingi na naman ng balita sa kaniyang pagpipinta. Paulit-ulit lang din ang sagot niya dito at nagsasawa na daw ito sa kakasabing she needs more time. Mabuti nalang at tinapos na din nito ang tawag na may pagbabantang dapat daw ay bago ito umuwi ay may date na din ang exhibit niya. Maliligo na sana siya dahil feeling niya ay napakalagkit na niya pero narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Napakunot-noo siya. Kakahiwalay lang nila ni Enric ay nag-text na agad ito? Napangiti siya kalaunan. Did he miss her that fast? Pero muli siyang napakunot-noo nang mabasa ang message nito. Enric: How was your day? Matagal bago niya ito sinagot. Sinabi naman niya dito kaninang nag-enjoy siya pero bakit ito nagtatanong kung kumusta ang araw niya? Joy: Ah, great. Nakapag-unwind naman kahit papaano. How about you? Then she waited for his reply pero hindi na muli ito nagtext. Na-realize din siguro nito na mali ang naging tanong sa kaniya. Pero siya, may na-realize naman dahil sa text na iyon. Enric would never ask her if how's her day after being together. That's stupid dahil magkasama na nga sila maghapon. That's not Enric. It's... No! Bakit? How's that possible? Pareho sila ng number ni Enric? Or, na-hack ni Eric ang phone ni Enric? Naulit pa ang mga text messages na iyon. And it was every evening. Tuwing natatapos ang radio program ni Eric dahil hindi nga niya pinapalampas ang programa nito. Minsan si Eric mismo ang tumatawag. Gamit na nito ang totoong numero nito kapag tumatawag ito. Mabuti nalang at hindi siya nahalata na alam niyang hindi si Enric ang ka-text niya. Sinakyan nalang niya ang mga text messages nito. She feels happy everytime they're talking. Unti-unti niyang nakilala kung sino talaga si Eric. Yes, si Eric dahil nagkuwento ito ng tungkol sa kapatid nilang babae. That he loves her so much. At kung gaano sila ka-close nito. Eric was a soft kind of man. Akala mo nakakatakot dahil sa seriousness ng mukha pero kapag nakilala mo ay makikita mo kung sino ang tunay na Eric. Hinayaan niyang maging magkaibigan sila sa pamamagitan ganoong komunikasyon. Pero nagulat siya nang bigla itong hindi nalang nagparamdam. And she missed him. Kaya naman nang tumawag ito at sinabing namimiss na siya nito ay labis siyang natuwa. But then she still asked him to stop. Because everytime they were talking even if they are not seeing each other tulad nang sa kanila ni Enric, ay nakakaramdam na siya espesyal para dito. Katulad ng pakiramdam niya kapag magkasama sila. But now, she still end up being with him. She still run away with him without even thinking what will happen in the future. "Oo na, gusto ko na siya. Siya naman talaga, eh. Nakakainis ka na, Ligaya." nasabunutan nalang niya ang sarili at isinubsob ang mukha sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD