Chapter 6

2199 Words
"Ano'ng meron sa canvas na 'yan?" tanong ni Eric sa kaniya pagsakay niya sa taxi na ang kwento nito ay sa kaibigan nito na walang maipahiram sa kaniyang ibang sasakyan kundi ang isa sa mga unit nito ng taxi. She brought all her canvas including her unfinished masterpiece. Hindi niya ito puwedeng iwanan lang doon. Malay ba niya at kung saan man siya dalhin ni Eric ay magkaroon siya ng inspirasyon sa lugar na iyon. "Enough with the questions and help me now. Ikaw ang nagprisintang tulungan ako, hindi ba?" peke niya itong nginitian. Nakita naman niya ang pagsuko nito. Akala niya talaga noon ay suplado ito. Unti-unti niya kasing nakilala ang totoong Eric sa gabi-gabi ba naman nilang pag-uusap sa telepono. Nalaman pa nga niya kung gaano ito ka-close sa namatay na kapatid na babae. Plus points iyon para sa kaniya na mapagmahal itong kapatid. Nakakalungkot lang isipin na maaga itong nawala. Alam na niyang may mga charity din itong tinutulungan dahil nabanggit din ni Enric noon sa kaniya na kasama nito ang kapatid sa ibang event nilang magkakaibigan. Minsan ay direktang ito na ang nagbibigay ng fund sa mga foundation imbes na maghanap ng mga magdo-donate. Though naroon pa rin intimidating aura nito ay medyo nasasanay na rin siya. Hindi nga lang ang puso niya dahil ganoon pa rin ang reaksyon nito lalo na kapag seryoso na itong nagsalita. When will her heart get used to it? "Alright, my lady. Matulog ka na muna at medyo malayo ang lalakbayin natin. Mabuti nalang at bago itong ipinahiram sa akin na taxi ni Raven." anito. Tinulungan naman siya nitong iayos sa may likuran ng sasakyan ang kaniyang mga canvas at ang iba pang gamit. Hindi na siya nagsalita at ipinuwesto na lamang ang sarili para komportableng makatulog. Pero kung ang katabi niyang si Eric ay naaamoy niya kung gaano kabango, makakatulog ba siya? Ah, basta pipilitin niya. Naramdaman na niya ang pag-alis ng sasakyan. Somehow, when she realized that Eric was the one who'd be her knight for the moment, she was relieved. Paano kung mag-isa niya lang kinakaharap ngayon ang kaniyang problema? And speaking of problem, pakiramdam niya ay wala siyang problema. Hindi niya alam kung dahil ba kay Eric o dahil hindi naman talaga dapat problemahin ang ginawa niya pero kung iintindihin, malaking eskandalo ang ginawa niyang pagtakas. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malalaman ng mga ito na ang kasama niyang tumakas ay ang kakambal pa mismo ni Enric? How can they understand it? Kahit siya ay hindi niya maintindihan. Hindi naman niya plinano ang sumama kay Eric but his offer of help is tempting. Ngayon niya lang sinunod ang kagustuhan ng puso niya. At first yes, she had a second thought because it was Eric, for Pete's sake ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagdadalawang isip sa mga nakalipas na araw. And then here it is, ito na ang nag-offer ng tulong. Iisipin talaga ng mga tao na malandi siya. Masakit sa pandinig pero alam niyang ganoon nga ang iispin nila dahil sa ginawa niya. But she can't find another options to solve that humiliating sacrifice she did. At hindi iisipin ng tao na nagsakripisyo siya. Mas paniniwalaan ng mga ito ang kahihiyan ng pamilya niya. Na isa siyang flirt. Sa dami ng pumapasok na topic sa isip niya ay nakatulog din siya. Nagising lamang siya nang may malamig na bagay na dumampi sa kaniyang pisngi. OA sana ang gagawin niyang reaksyon, mabuti nalang at iminulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niya ang in can na soft drinks, hawak ni Eric na siguro'y para magising siya ay idinampi nalang sa kaniyang pisngi. She saw the two most beautiful eyes in her entire life. Maybe because she's just woke up kaya iyon ang tingin niya kay Eric. "Ayos ka manggising, ah. Paano kung nagsisigaw ako dito dahil sa gulat sa ginawa mo?" kunwang galit na sambit niya bago kinuha ang soft drinks at binuksan iyon. Iniwas niya agad ang tingin dito dahil sa klase ng titig nito sa kaniya. Natawa naman sa kaniya ang binata. Bakit kahit simpleng tawa lang nito ay bumibilis na ang pintig ng puso niya? Kaninang pagmulat ng mata niya, parang nag-slomo ang paligid niya dahil sa magandang mukhang nabungaran niya. "One hour pa bago tayo makarating sa rest house nina Lolo. Doon na tayo kumain kaya cookies nalang muna ang kainin mo." anito at iminuwestra ang isang box ng cookies sa may dash board. Binili kaya niya ito o talagang may dala itong cookies? "Oh." tanging nasambit niya at kumuha agad ng dalawang pirasong cookies. Gutom na din kasi siya. Speechless again. Lagi nalang. In denial lang ba siya o dinadaya lang siya ng sitwasyon? Pero bakit palaging ganoon ang pakiramdam niya kapag kasama niya si Eric? Iba ang feeling niya kapag si Enric ang kasama niya. She feel at peace. But with Eric, she feels she's in danger na lagi siyang kinakabahan? The way he stares at her, hindi niya maipaliwanag ang emosyon sa mga mata nito. Kahit na sinabi ni Eric na matulog siya ay hindi na siya dinalaw pa ng antok. She enjoys the view anyway. The scenery of the trees they were passing. Mayroon pa naman palang magandang makikita sa gilid ng daan. Sure they were leading to Northern Luzon. Nasa Pampanga na sila. "Where's your granparents' rest house? Sa Tarlac ba? Or sa Pangasinan? Or mas malayo pa?" Pero kung iisipin ang sinabi nitong isang oras kanina, ay malamang na malapit na sila. Maybe sa kalapit na siyudad na lang. "Tarlac. Sa SanJose." tipid nitong sagot. Tumango na lamang siya. She needs a topic. Mas lalo kasi niyang napapansin ang kaniyang puso kapag tahimik sila. "San Jose." ulit niya habang tumatango. "Di ba doon 'yong Monasterio de Tarlac? Nakapunta ka na doon?" she asked. Wala na siyang ibang maisip na topic. Tumango ito. "Yeah. Several times. Kapag nagbabakasyon ako." sagot naman nito. Seryoso pa rin ang tingin sa daan at hindi man lang sumulyap sandali sa kaniya. "Maganda doon." doon lang siya nilingon ni Eric. "Bakit?" takang tanong naman niya. "You've been there too?" tanong nito bago ibinalik ang tingin sa daanan. "Oo naman. Kaso hindi pa siya tapos noong nagpunta kami ni Ilaya. Sa nakikita ko sa mga social media ngayon, malaki na ang improvement niya." sagot naman niya. And yes, minsan na siyang na-inspire ng lugar na iyon para sa kaniyang obra. Maybe, this time, muli siya nitong mabigyan ng inspiration. "Yeah. You should visit it again, but this time it will be me and you. Is that okay?" marahas siyang napalingon dito. Hindi naman nakatingin sa kaniya si Eric pero kita niya ang pagpipigil nitong tingnan siya. She saw his lips a ghost of a smile. Ngumuso siya saka napangiti na rin. "You really asking me if that's okay? Samantalang kanina lang ay nag-propose ka na ng kasal sa akin?" natawa na siya ng tuluyan. "Hindi ko na ba dapat tinanong? Fine. I will never ask you again." seryoso nitong sambit. Hindi niya alam kung bakit siya naexcite sa sinabi nito imbes na kabahan. Weird. Ano bang nangyayari sa kaniya? Natahimik nalang siya at hindi na nakapagsalita pa. At dahil hindi na rin naman nagsalita si Eric ay inilabas na lamang niya ang kaniyang cellphone. In-off niya nga pala ito kanina dahil siguradong tatawagan siya ng kaniyang mga magulang lalo na ang kaniyang daddy at sesermonan. Pagka-open na pagka-open niya ng cellphone ay agad na pumasok ang sunud-sunod na text messages. Hindi pa man natatapos ang pagpasok ng lahat ng mga text messages ay heto na ang tawag mula sa kaniyang Kuya Juri. "I'm fine, don't worry." agad niyang sambit hindi pa man nagsasalita ang nasa kabilang linya dahil alam niyang pagsasabihan na siya agad nito. "I know. Gusto ko lang sabihin na huwag mo ng gamitin ang number mong ito. You know dad. He'll track you. Kung ayaw mong masundan ka niya, deactivate this and buy just a prepaid." saad nito bago pinatay ang tawag. May point ito pero hindi naman siya habang buhay na magtatago. She just need time for her self. Lalo at may kahihiyan siyang nagawa para sa pamilya niya. Ilaya: Ligaya. What have you done? Bakit hindi ko ito alam? Ilaya: Ligaya, come on. I'm calling you. Where are you? Bunso: Ate, galit na galit sina Mom and Dad. I think you better not to come home yet. Ilan lang sa mga mensaheng natanggap niya. Mayroon din ang Kuya Juri niya. Ang Mommy niya na galit na galit nga. At si Enric. ENRIC: Joy, why did you do this? Sana nagsabi ka. I'm sorry. If you're ready, we can talk. I'm your friend. Still. Right? Hindi niya namalayan na naiyak na pala siya. She wiped her tears. At hindi iyon nakaligtas kay Eric. Alam niyang naba-bother na sa kaniya si Eric dahil ilang beses siyang nagpunas ng kaniyang luha. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang in-off muli ang kaniyang cellphone at ipinikit ang kaniyang mata. Ngayon ay muling bumalik ang dapat niyang iniintindi. Tama ba ang ginawa niyang pagtakas? Dapat ay hinarap na lamang niya ang galit ng kaniyang mga magulang at ang kahihiyang ginawa niya sa dalawang pamilya. Higit siyang nahihiya sa mga Ongpico. Pero kasama niya ngayon si Eric. Ano ang ipinagkaiba ni Eric? "We're here, baby." It's the sweetest endearment she had ever heard her entire life. Adik na adik talaga siya sa boses na iyon. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Saglit niyang prinoseso sa isip kung nasaan siya. Then she saw that intense stare coming from the eyes of a man she will never learn how to calm her heart from beating fast. Lubos siyang liligaya kung sa bawat pagmulat ng kaniyang mata ay ito ang kaniyang unang makikita. "Rise and shine." Patuloy nito nang hindi pa rin siya nagsalita at bahagyang ngumiti. Kahit na ngumiti ito ay hindi pa rin nabawasan ang bilis ng pintig ng puso niya. "Sorry, nakatulog ulit ako." sambit niyang pilit na kinakalma ang sarili. Umayos na rin siya mula sa pagkakababa ng upuan. Hindi niya alam kung siya ba ang nagbaba o si Eric. Pinilit niyang pakalmahan ang kaniyang sarili. "It's fine. You need it." sambit nito bago lumabas ng sasakyan. Sumunod na rin siya agad at hindi na nagpa-importante pa. Kinuha niya ang kaniyang canvas sa trunk. Sa pagmamadaling makaalis ng bahay ay hindi na siya nakadaan sa kaniyang silid para kumuha ng kahit kaunting damit man lang at talagang ang canvas ang kaniyang inintindi. Tanging ang suot niyang wedding gown ang bitbit niya. Ano ba itong napasok niyang gulo? "I have clothes here, you can temporarily use my shirts. Mamaya bibili nalang ako." Baling nito sa kaniya na mukhang nahalata pa ang problema niya. Paano ba naman kasi at hirap na hirap siyang hilahin ang damit niya. Nilapitan na siya nito. Akala niya ay tutulong itong maghawi ng laylayan ng kaniyang gown pero napatili na lamang siya nang siya mismo ang binuhat nito. Muntik pa niyang mabitawan ang canvas. "Put me down, Eric. I can manage." Tili niya pero mahigpit siyang nakahawak sa braso nito. Hindi ito nagsalita at diretso lang ang lakad. Ni hindi ininda ang kalikutan niya. Parang wala lang ang bigat niya dito. Tumigil din siya sa paggalaw dahil baka kung ano pa ang mangyari sa canvas na hawak niya. Then she heard it again. Ang lakas na kalabog ng puso niya. Parang tambol na akala mo ay may fiesta sa lakas ng pintig nito. Kung may makakakita man sa kanila ngayon ay aakalaing bagong kasal sila. Pero kahit na bothered siya sa hitsura niya ngayon ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang lugar na ngayon lang niya napuna. Malawak ang bakuran sa harapan bago pa man sila makarating sa main door ng rest house. Madaming puno ang nakapalibot at marami ding mga bulaklak na iba-ibang klase. Ang bahay naman ay Spanish Bungalow Style na mai-imagine mong para ka ngang nasa Espanya. May nagbukas ng pintuan sa main door. Ang akala niya ay ibababa na siya ni Eric ngunit dumiretso lang ito. Hanggang sa marating nila ang isang silid at doon lamang siya nito ibinaba sa tapat ng pinto nito. "Pinaayos ko na kay Manang Lydia 'yong gagamitin mong damit. And please, huwag mo munang isipin ang nangyari? Nandito ka para ipayapa ang isip mo hindi ang ma-stress." Nilayasan agad siya ni Eric hindi pa man siya nakakasagot. Pumasok na lamang siya sa loob ng silid at doon ay namangha. Hindi kasi tulad ng inaasahan niyang luma na ang mga disenyo. Modern na ang Queen Sized bed na naroon pati ang mga couch na mayroon sa magkabilang sulok ng silid. At ang ikinatuwa pa niya ay ang mga paintings na naka-hang sa dingding. Isa siyang artist at masaya ang mata niyang makakita ng mga art works. Ngunit nang mapadako ang kaniyang paningin sa lampshade na naroon ay bigla siyang kinabahan, but the happiness she's feeling was still there. Weird na naman dahil sa lampshade. Familiar? Yes, of course! Isa sa mga in-exhibit ang lampshade na iyon noong nag-uumpisa pa lang siya. At isa iyon sa mga paborito niyang obra dahil sa kaniyang lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD