Kabanata III - Nagngangalit Na Damdamin

3100 Words
Malalim na ang gabi subalit abala pa rin sa kaniyang binabasang papeles si Xenon tila ba hindi na niya napansin ang oras dahil sa sobrang tutok niya sa kaniyang ginagawa. Kung tutuusin ay pwede naman niyang ipagpabukas na lamang ang ginagawa niya ngunit ginawa na niya rin dahil sa ayaw niyang matambakan ng trabaho. Samantalang mahimbing ng natutulog sa kwarto si Aurora. Kasalukuyang nagbabasa si Xenon ng bigla na lang siyang may marinig na mahinang kalabog. Tila ba nagmumula ito sa kaniyang salas at dinig na dinig niya rin ang mahinang bulungan ng mga taong hindi niya kilala. Hanggang sa napansin niya na tila ba papalapit nang papalapit ang boses na kaniyang naririnig kaya naman hindi niya maiwasan ang mangamba para sa kaligtasan ng dalaga.    “Bwiset naman Gaspar, magdahan-dahan ka nga!” Inis na pahayag ng kasamahan ni Gaspar. Dahil sa angking katabaan ni Gaspar hindi nito naiwasan na matamaan ang isa sa upuan sa salas ni Xenon na labis nitong ikinakaba. Kung pagmamasdang mabuti si Gaspar kaagad mong mapapansin dito ang taglay nitong katabaan, isama mo pa ang kulay blonde nitong buhok na taliwas sa kulay nitong kayumanggi. Bukod dito, kaagad mo ring mapapansin ang matagihawat at malangis nitong mukha na tila napabayaan na ito. At higit sa lahat kapansin-pinsan din ang madilaw nitong ngipin na tila napabayaan na ring linisin ni Gaspar.   “Pasensiya naman Elias nasagi ko lang ang upuan.” Hinging paumanhin naman ni Gaspar sa kasamahan nitong si Elias. Samantalang kabaliktaran naman ni Gaspar si Elias dahil kung anong taba ni Gaspar ay siyang payat naman nito na kulang na lang ay tangayin ng hangin sa sobrang payat ni Elias. Kapansin-pansin naman kay Elias ang namumula nitong mata na tila ba nalulong na sa droga o kulang lang ba ito sa tulog. Kung anong ikinaitim ni Gaspar ay siyang kinaputi naman ni Elias na daig pa ang lumaklak ng isang baldeng pampaputi. Isama mo pa ang makinis nitong mukha na siyang taliwas sa mukha ni Gaspar na napupuno ng tagihawat.   “Manahimik nga kayong dalawa, halughugin ninyo na ang kwarto niya. Siguraduhin ninyong makukuha ninyo ang pakay natin sa kaniya.” Masungit namang saad ng namumuno kina Gaspar at Elias.   Sa narinig ni Xenon hindi niya maiwasan na magtiim bagang sa mga gagong naglakas loob pasukin ang unit niya. Kaya naman walang sinayang na oras si Xenon at dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang baril sa may drawer niya at kaagad na sinipit sa kaniyang beywang. Habang walang ingay niyang binaybay ang lugar kung saan niya naririnig ang mga boses na nag-uusap na sa tantiya niya ay tatlong tao ang nag-uusap-usap. Nang mga oras na 'yon iisa lamang ang laman ng isip niya kung 'di ang kapakanan ng dalagang si Aurora. Bukod dito, nais niya ring magsisigaw sa galit ng mapagtanto niyang mag-isa lamang sa kwarto ang dalaga. Tila ba nandilim ang paningin niya ng marinig niyang muli ang mahinang usapan sa loob ng kaniyang kwarto. Bagamat gusto ng magwala ni Xenon sa sobrang galit na nararamdaman niya kaagad na nagtimpi siya sa kaniyang sarili. Sapagkat natatakot siya na baka bigla na lamang magising ang dalaga at bigla itong matakot sa mabubungaran nitong nangyayari sa paligid nito. Kapagkuwan ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at kaagad na nagtungo sa kwarto niya.   “Wow pare! Mukhang magiging maganda ang gabi natin. Sinong mag-aakala na may tinatago pala siyang napakagandang dalaga.” Sa paraan pa lamang ng pananalita ni Gaspar tila ba daig pa nito ang nauulol na ngayon lamang nakakita ng isang magandang babae. Para bang kulang na lamang ay sunggaban na nito ang natutulog na dalaga na walang kamalay-malay sa paligid nito. Akmang aakyat na sana si Gaspar sa kama upang pagpantasyahan ang dalaga ng kaagad itong pinigilan ni Elias na mukha na ring nauulol sa kagandahan ng natutulog na dalaga.   “Manahimik ka nga Gaspar ako ang unang titikim sa kaniya!” Pagpigil naman ni Elias sa kasamahan nitong si Gaspar.   Dahil sa galit na namumutawi sa dibdib ni Xenon sa isang iglap lang ay hawak-hawak na niya sa leeg si Elias habang nanlilisik ang mga mata niya. Bakas naman ang takot sa mata ng kasamahan nito kaya’t tila isang kisapmata niyang pinaputok, ang baril na hawak niya sa noo ng natatakot na si Gaspar. Dahilan upang bawian ito ng buhay at kaagad naman niyang sinunod ang kasamahan nito na akmang papasok pa lang sa kwarto niya. Pakiwari ni Xenon ay galing pa ito sa ibang sulok ng unit niya upang hanapin ang sadya ng mga ito sa kaniya kaya naiwan sina Gaspar at Elias sa kwarto niya. Tanging si Elias na lamang ang natitirang buhay, sapagkat kasalukuyan ng naliligo sa sarili nilang dugo ang mga kasamahan nito. Dahil sa tindi ng galit na nararamdam ni Xenon kaagad na namutla si Elias sapagkat hindi nito lubos maisip na magagawang patayin ni Xenon ang mga kasamahan nito. Bukod sa pamumutla hindi maiwasan ni Elias na matakot para sa sarili nitong kaligtasan. Sapagkat alam ni Elias sa sarili na hindi magdadalawang-isip si Xenon na patayin ito. Nang mga oras na 'yon tila ba nagsisisi na si Elias na tinanggap nito ang trabaho na nakawan ang isang Xenon Caasi. Sapagkat buong akala ni Elias ay kaya nila si Xenon dahil nag-iisa lamang ito ngunit iyon ang isang pagkakamali nila masyado nilang minaliit ang binata. Kaya ang kinalabasan ay kabaliktaran sa inaasahan nilang tatlo. Bukod dito, hindi rin inaakala ni Elias na marunong palang makipaglaban si Xenon sapagkat ang buong akala nila ay isa lamang itong normal na CEO na puro trabaho lamang ang alam sa buhay.   “M-Maawa ka sa akin, h-hindi ko sinasadya,” takot na takot na pakiusap ni Elias kay Xenon na hanggang ngayon ay nanlilisik pa rin ang mga mata.   Ngunit hindi man lang naawa kahit papaano si Xenon sa nakikiusap na si Elias sa halip mas lalo pang nadagdagan ang galit ni Xenon. Para bang sa isang kisapmata mata lamang ay hindi magdadalawang-isip si Xenon na patayin din pati si Elias. “Sa tingin mo ba maaawa ako sa isang katulad mong halang sa laman!” mahinahon ngunit nanlilisik ang matang saad ni Xenon sa kaharap niyang si Elias. Bagamat mahinahon ang ginawang pagsasalita ni Xenon sa harap ni Elias mababakas sa tono ng pananalita niya ang diin nito. Tila ba nagpipigil lamang si Xenon sa harap ni Elias na bakas pa rin sa mukha nito ang pagmamakaawa kay Xenon.   “A-Anong ibig mong sab--”   Hindi na naituloy ni Elias ang sasabihin nito ng maramdaman nito ang balang tumama sa dibdib nito buhat ng pagkakabaril ni Xenon dito. Dahilan upang lumabas ang pulang likido sa bibig nito habang nababakas naman ng luha ang mukha nito. Laking pasasalamat na lamang ni Xenon na mayroong silencer ang baril niya, dahil kung hindi baka nagising na ang dalaga sa mahimbing nitong pagkakatulog. Laking pasasalamat naman ni Xenon na walang kahit isang galos na natamo ang dalagang si Aurora. Kaya naman kaagad ng nakahinga ng maluwag ang binata ng ligtas na sa kapahamakan ang dalaga.   Nang masigurado na niyang patay na ang mga taong nanloob sa unit niya ay kaagad niyang tinawagan ang kaibigang si Silver. Habang hinihintay ang kaibigan niya nagpasya siya na ilabas ang katawan ng tatlong taong pinatay niya. Nang mailabas niya ang katawan ng taong pinatay niya kaagad naman niyang nilinis ang iilang dugo na tumalsik sa loob ng unit niya. Dahil sa pag-aari niya ang buong floor kaya naman hindi siya natatakot na baka may makakita ng mga taong pinatay niya. Makalipas pa ang ilang minuto kaagad na niyang narinig ang mahihinang katok sa labas ng kaniyang unit. Wala namang pagdadalawang-isip na binuksan niya ang pinto dahil alam niyang ang kaibigan na niya ang kumakatok sa pinto ng unit niya.   “What the! Sino ang mga ito, Xenon?” gulat na tanong ni Silver sa mga bangkay na nasa labas ng unit ni Xenon. Bagamat nagulat ang binatang si Silver tanging pag-iling na lamang ang nagawa nito. Sapagkat alam nitong hindi basta papatay ng kung sino lang ang kaibigan kung wala namang atraso ang mga ito kay Xenon. Bukod dito, sumagi rin sa isip ni Silver na baka may nagawa ang mga ito kay Aurora kaya kaagad na itong pinatay ni Xenon. Sapagkat alam ni Silver na hindi basta-basta papatay na lang si Xenon dahil malimit nitong gawin sa mga ito ay pinapahirapan muna bago patayin kapag napaamin na ang mga ito.   “Tsk! Hindi ko sila kilala basta na lang silang sumugod sa unit ko.” Balewala namang pahayag ni Xenon sa kaibigan niyang si Silver.   “Alam mo ba ang dahilan kung bakit unti-unti na silang nagpaparamdam?” Seryoso namang sambitla ni Silver.   Saglit na natahimik si Xenon pero alam niya kung bakit unti-unti na silang nagpaparamdaman. Marahil ay gusto nilang makuha ang bagay na matagal ng iniingatan ni Xenon. O ‘di kaya naman ay may kinalaman ang bigla na lamang pag-ultaw ng dalaga sa buhay niya. Sa dami niyang iniisip hindi alam ni Xenon kung ano pa nga ba ang uunahin niya.   “Marahil sa bagay na matagal ko ng pino-proteksyunan.” Mahinahong pahayag ni Xenon sa kaibigan niyang si Silver.   “Hanggang ngayon hindi pa rin pala si tumitigil. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa bangkay ng tatlong ito,” iiling-iling namang usal ni Silver sa kaibigan nitong Si Xenon.   “Thanks, dude.”   Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang makaalis ang kaibigan niyang si Silver. Gusto man niyang magwala pero nag-aalala siya na baka magising sa mahimbing na tulog ang dalaga. Dala ng matinding pagod napahiga siya sa tabi ng dalaga. Hanggang sa hindi niya namamalayan na unting-unti na siyang nilalamon ng kadiliman at kaagad na nabalot ng katahimikan ang buong palagid.   Papasikat na ang araw ng unti-unting nagmulat ng mata si Aurora nang masilayan nito ang maamong mukha ng binata sa tabi nito. Dahil sa pagkamangha dahan-dahan nitong pinalandas ang mga daliri sa matangos na ilong ng binata. Hindi pa nakuntento ang dalaga at kaagad na bumangon para masilayan ang buong mukha ni Xenon. Kaagad ding naamoy ni Aurora ang natural na amoy ng binata na labis kinababaliwan ng dalaga.    Akmang uupo sana ang dalaga sa matigas na tiyan ng binata nang mapansin nitong may malaking bukol sa short ng binata. Dahil sa pagkabigla’t pagkamangha sinundot-sundot pa ito ni Aurora na para bang ngayon lang ito nakakita ng ganoong kalaking bukol. Hanggang sa muntik ng mahulog sa kama ang dalaga ng bigla itong gumalaw matapos nitong sundot-sundutin ang bukol sa short ni Xenon.   “Xenon, gumising ka na.” Maramahang sambitla ni Aurora sa natutulog na si Xenon.   Nang hindi pa rin magising si Xenon muling sinundot ng dalaga ang malaking bukol sa short ni Xenon. At ganoon na lang ulit ang gulat ni Aurora nang gumalaw na naman ito. Akmang sisilipin na sana ito ni Aurora ng may kamay na pumigil sa dalaga sa akma nitong paghubad ng short ni Xenon.   “What are you doing, Aurora?” nabibiglang tanong ng kagigising lang na si Xenon sa harap ng dalaga.   “W-Wala naman nagtataka lang kasi ako, kung bakit gumagalaw ang malaking bukol sa short mo?” Puno ng pagkamangha at pagtataka namang usal ng dalaga sa harapan ni Xenon.   Dahil sa sinabi ni Aurora kaagad na nabaling ang atensyon ni Xenon sa naghuhumindig niyang pagkalalake na natural sa mga lalake kapag sumasapit ang umaga. Nagulat na lang ang binata ng bigla na namang nagsalita si Aurora at kaagad na dinakma ang pagkalalake niya na siyang labis na kinagulat ni Xenon.   “Hala ka Xenon! Gumagalaw talaga siya tapos ang tigas pa niya,” inosente namang pahayag ni Aurora habang hawak-hawak pa rin ang pagkakalalake ni Xenon.   “What the! Ang kamay mo Aurora alisin mo diyan habang kaya ko pang magpigil.” Nahihirapan namang saad ni Xenon sa dalaga habang may namumuo ng pawis sa may noo niya. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Aurora sa pagkalalake ni Xenon kaagad namang nag-init ang pakiramdam ni Xenon. Para bang kaunti na lamang ay mawawala na siya sa kaniyang ulirat dahil sa ginawa ng dalaga. Bukod dito, pakiramdam niya rin na mas lalong tumitigas ang naghuhumindig pa rin niyang pagkalalake. Isama mo pa ang namamawis niyang noo na kung kanina ay kakaunti lamang ngayon ay pakiramdam ni Xenon ay umabot na sa leeg ang pawis niya.   “P-Pero gusto ko lang naman mala---”   Hindi na pinatapos pa ni Xenon na magsalita ang dalaga nang mabilis siyang nagtungo sa banyo. Gusto man niyang lunurin ng mga halik ang dalaga ay hindi maaari, sapagkat nangangamba ang binata na baka maging mailap sa kaniya ang dalaga. Isa pa hindi pa rin alam ni Xenon kung nasaan ang pamilya ng dalaga at bakit tila wala itong ganoong kaalam-alam sa nangyayari sa paligid nito. Muntik ng mapasigaw si Xenon sa tindi ng gulat niya ng bigla na lang sumunod sa kaniya sa banyo ang dalagang si Aurora. Ang mas kinagulat pa niya ay may dala-dalang baby oil ang dalaga. Halos mapahilamos na sa mukha si Xenon sa matinding pagtitimpi dahil sa kainosentihan ni Aurora. Hindi pa nakuntento ang dalaga at pumasok pa ito sa loob ng banyo kung nasaan si Xenon at kaagad na lumapit sa binata. "What the! Aurora, what are you doing here?" gulat na gulat na tanong ni Xenon na akmang maghuhubo pa lang sana ng short niya. "Nais ko lang sana na tulungan ka sa bukol mo sa short. Heto nga at may dala akong langis," nakangiti namang sagot ng dalaga. Sa mga oras na 'yon tila ba mawawalan ng lakas ang binata sapagkat hindi niya lubos akalain na ganoon na lamang kainosente ang dalaga. Ang mas kinagulo pa niya ay ang hawak-hawak nitong langis na hindi niya malaman kung para saan ito. Mas lalo pa siyang nagulat ng biglang lumuhod sa harap niya ang dalaga at akmang huhubuin sana ang short niya na mabilis naman niyang pinigilan at kaagad na pinatayo ang dalaga. "Bakit may dala kang langis? Saan mo ba gagamitin 'yan?" Puno ng pagtataka namang tanong ni Xenon sa dalaga. "Ha! Malamang diyan sa malaking bukol sa short mo. 'Di ba tama naman ako? Langis ang ginagamit kapag may bukol ka tapos mamasahihin mo lang siya tapos mawawala na kaagad 'yang bukol mo," pahayag ng dalagang si Aurora na akma na namang luluhod sa harap ng binata. Wala namang nagawa si Xenon kung 'di ang tanggapin na lamang ang langis at maingat na pinalabas ang dalaga sa loob ng banyo. Nang masiguro na ni Xenon na wala na ang dalaga ang ngiting kanina pa niyang pinipigilan ay kaagad na sumilay sa kaniyang mga labi. Sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na walang magagawa ang langis sa malaking bukol niya sa kaniyang short.   Alam ni Xenon na hindi dapat siya kaagad na magtiwala sa dalaga pero handang sumugal ang binata para lamang sa ikasasaya ng dalaga. Susugal si Xenon hanggat kaya niya kahit kapalit nito ay pasakit sa kaniya. Sapagkat para kay Xenon hindi lamang basta-basta babae para sa kaniya si Aurora dahil itinuturing niya ang dalaga na parang isang prinsesa. Minsan pa nga ay pakiramdam ng binata na may anak siyang bata sa labis na kainosentihan ng dalaga.  Kaya naman hindi maiwasan ng binata na mag-alala sa dalaga dahil natatakot siya na baka pagsamantalahan ng ibang tao ang labis nitong kainosentihan. Sa isipin pa lang 'yon kaagad na umiinit ang ulo niya kapag kaligtasan na ni Aurora ang pinag-uusapan. Para bang handa siyang makipagpatayan masigurado lamang niya na ligtas ang dalagang labis niyang pinaka-iingatan. Nang matapos siya sa banyo kaagad niyang hinanap ang dalaga hindi pa nagtagal ay nakita niya itong tahimik na nakahiga sa may sofa niya. Kung pagmamasdan mong mabuti ang dalaga mapapansin mo kaagad na malalim ang iniisip nito. Sa sobrang lalim nga ng iniisip ng dalaga hindi nito napansin ang kalalapit lang na si Xenon. Kung hindi pa nagsalita si Xenon ay hindi kaagad siya mapapansin ng dalaga.   “Aurora, alam mo na ba kung nasaan ang pamilya mo?”   “Hindi ko pa rin sila mahanap. Nagtataka nga rin ako kung bakit bigla na lang nawala ang mansyon namin.”   Sa sinabi ng dalaga bigla siyang nagtaka kung anong mansyon ba ang tinutukoy nito. Kung iisipin marahil ay galing sa mayamang pamilya si Aurora. Batay pa lamang sa kilos nito alam ni Xenon na hindi lang basta-basta ang pinanggalingang pamilya ni Aurora. Kaya nga hindi niya maiwasan na magtaka kung bakit wala man lang pamilya na naghahanap sa dalaga.   “Anong mansyon ba ang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Xenon kay Aurora.   “Ang mansyon namin kung saan ako nakatira. Tapos ang hitsura ko, bigla na lang din nagbago ang kulay ng buhok ko.”   Sa sinabi ni Aurora mas lalong naguluhan si Xenon kung ano bang nais ipahiwatig ng dalaga. Tila ba may hindi pa siya nalalaman tungkol sa dalaga. Kaya naman hindi niya maiwasan ang magtaka kung saan nga ba nagmula ang dalaga. Bukod dito, labis din siyang naguguluhan sa ibig sabihin ng dalaga patungkol sa hitsura nito. Tila nais palabasin ng dalaga na hindi naman talaga ganoon ang totoo nitong hitsura.   “Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ang mansyon ninyo?” Mahinanahong tanong naman ni Xenon sa dalagang si Aurora. “Naalala mo ba noong muntik muna ako masagasaan. Doon sa baryong iyon sa may Batangas nakatayo ang mansyon namin.”   Tila ba isang palaisipan kay Xenon ang sinasabi ng dalaga. Sapagkat sa pagkakaalam niya ang lugar na iyon ay binigay na mismo ng gobyerno sa mga taong lugmok sa kahirapan. Kaya naman hindi niya maiwasan ang magtaka sa lahat ng sinasabi sa kaniya ng dalaga. Ngunit, kahit na ganoon hindi maramdaman ni Xenon na nagsisinungaling sa kaniya ang dalaga sapagkat tila ba may nagsasabi sa utak niya na totoo ang lahat ng sinasabi ng dalaga. Dahil sa kagustuhan na matulungan ang dalaga nangako siya na pupuntahan nila ang lugar na sinasabi ng dalaga. Sapagkat sa hindi malamang dahilan hindi matiis ni Xenon na nakikita niyang malungkot o umiiyak ang dalaga. Tila ba pakiramdaman niya ay may malaki siyang koneksyon sa katauhan ng dalaga. At sa hindi niya malamang dahilan para bang pakiramdam niya ay matagal na niyang nakasama ang dalaga dahil sa pamilyar na presensiya nito. Isama mo pa rito ang naging resulta ng pagpapa-imbestiga ni Xenon sa kaibigan niyang si Silver tungkol sa katauhan ng dalaga. Halos manlumo na lang siya ng wala man lang silang nalaman tungkol sa katauhan ng dalaga na labis nilang pinagtakang dalawa ni Silver. "Sino ka ba talaga Aurora? Anong koneksyon mo sa mga taong iyon?" piping tanong ni Xenon sa kaniyang sarili kasabay ng malalim na buntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD