CHAPTER 6

1219 Words
Rumir’s POV Kasama ang tropa, nandito kami ngayon sa isang resto na may larong darts malapit sa university. Kung sila enjoy na enjoy sa paglalaro, pwes ako ito ngayon, nagagambala sa aking kinauupuan. “Sino kaya ang nagtangkang lumapit sa akin? At talagang kinumutan pa ako? Akala ko ba, lahat sila kinamumuhian ako? Bukod sa mga kaibigan ko, bakit parang may iba pang gustong kumilala sa akin?” bulong na tanong ko sa sarili. Hindi maalis sa isip ko, kung sino ang taong naglagay nito sa akin noong natutulog ako sa roof top. Hindi kaya ako minumulto? “’Tol, anong nangyayari sayo? Ano ba ’yang hawak-hawak mo?” “Anong tingin mo dito Lexter?” “Mukhang balabal.” “O ’yon naman pala eh. Magtatanong ka pa.” “Boom! Huwag ka kasing basag trip ’tol. Malay mo, ’yong tropa natin, in love na pala.” “Isa ka pa Allen eh. May in love ka pang nalalaman diyan. Hindi titibok ang puso ko, kahit sino pa ’yan. Tsaka anong sinasabi mong in love? Ngayon pa na fourth year na tayo? Like I said hindi na titibok ang puso ko, kahit sino pa ’yan.” “Sus yawyaw, ang daming sinabi. Tingnan lang natin Rumir.” “Ito ang tingnan mo Chris, ang kamao ko.” Itinaas ko ang aking kamay bilang pananakot sa kasama. Imbis na makaramdam ng takot, aba’y nagbungisngis pa! “Hahaha! Yieee, ang tropa natin may iba ng binibigyan ng attention, hindi na tayo ang priority.” Bakla baklaan naman boses ni Chris na dagdag pang pangangasar sa akin. Hayop talaga ‘tong mga to eh! “Ikaw binibiro lang eh, pwede ko bang makita? Mahawakan? Malay mo malaman natin kung sino ang nag-mamay-ari ng scarf na ’yan.” Suggestion ni Chris at ibinagay ko naman sa kaniya. “Woah ang bango naman, amoy carnation -- “ “Ang sabi ko tingnan mo lang, hindi ang amuyin. Teka nga akin na muna ’yan, mag-alcohol na muna kayo.” Hindi ko mapigilang matawa sa isip ko dahil sa reaction ng kanilang mga mukha ngayon. Inilabas ko ang aking alcohol sprayer at itinapat sa mga palad nila. “Hahaha.” “O bakit?” “Natatawa ako sayo ’tol.” “Bakit nagpapatawa ba ko Lexter?” “Wala lang. Over reacting kasi ang pag-iingat na ginagawa mo sa scarf na ’yan. Ni hindi mo nga alam kung sino ang nagmamay-ari niyan eh.” Hmm, napaisip ako sa sinabi ni Lexter. Paano ko naman kaya malalaman kung sino ang may-ari ng scarf na ’to? “Teka nga ’tol, paano ‘yan napunta sayo? Like how? Baka mamaya, ikaw talaga bumili niyan ha.” “Baka lalantad ka na ’tol -- “ hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Allen at naihampas ko sa kanila ang pulang scarf. “Damn it!” dali-dali kong tiningnan ang scarf dahil baka nagasgasan sa lakas ng paghampas ko sa mga mapang-asar na ito. Buti at walang gasgas. Teka nakaka-stress! Paano ko naman kaya malalaman kung sino ang nag-mamay-ari ng scarf na ‘to? “Oh sige seryoso na ’tol. Saan mo nakuha ’yan? Paano naman napunta ang scarf na ‘yan sayo?” This three assholes. Ayoko na sana pang sagutin ang tanong nila, pero baka kasi sila rin ang makatulong sa akin. “N-nakuha ko ’to sa roof top -- habang natutulog.” “Simple. Edi baka sa janitress ’yan at baka tumilapon sayo dahil sa malakas na hangin doon.” “Tumilapon? Chris, ikinumot sa akin. Paanong tumilapon?” “Woah, ibig sabihin ’tol may naglakas ng loob sayo na kumutan ka?” “Parang gano’n na nga. Naalala ko no’ng time na ‘yon, nakaidlip ako. Naka-headset din ako kaya wala akong narinig na kahit anong ingay maliban sa ballad music na pinakikinggan ko.” Pati ang tatlong kasama ko, seryoso na rin ang mga mukha. Bakas ang kanilang pagtataka at talagang naiintriga na rin sa pulang scarf na hawak ko ngayon. “’Tol pwede ko ba mahawakan?” “At bakit ko gagawin ’yon Lexter, tanga ba ako?” “Relax, titingnan ko lang ang scarf. Ipinaaalala ko sayo, walang bobo sa ating apat. Hmm, kapag ikaw na in love -- baka magkaroon na.” Pinagtawanan lang ako ng malakas ng mga hayop na ’to. Wala naman na akong ibang magawa kundi ang iabot na lang ang pulang scarf sa kaniya. “Sige, tag-iisang corner tayo. Hawakan niyo lahat ng corner.” Pagbibilin niya sa amin. Hindi ko alam kung ginagago lang ako nitong tatlo. Ay hayop, baka kunwari mag-fo-fold ng flag! “Kayo, bitiwan niyo na nga lang at pinaglololoko niyo lang -- “ “Look at this one ’tol.” Naputol ang pagsasalita ko ng biglang nagsalita si Lexter. It’s look like he found something in the scarf. Dali-dali ko naman tiningnan ang scarf at inobserbahan kung ano ang nakita niya. Hindi lang ito masyadong napapansin kaagad dahil maliliit lang ito at kasing kulay ng scarf ang ginamit na sinulid sa pagburda. Mas tiningnan ko pa ito ng malapitan at nakita ko sa lower right corner ang dalawang letra at pusong simbolo na burda. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang scarf na ibinigay ko sa naging kalaro ko noon, fourteen years ago na ang nakalilipas. “O ayan ’tol ha. Sana makatulong.” “Ikaw Chris, may kakilala ka bang ganiyan ang initials?” tanong ni Lexter sa kaniya. “R♥R? Wala ’tol. Pero I’m not sure kung malalaman pa natin kung sino ang nagmamay-ari ng hawak mo, sa dami ba naman ng estudyante dito sa unibersidad.” Kung sila, walang ka idea-idea, pwes ako mayroon. “Hay nako ’tol, parang may naamoy akong pag-ibig.” “So hindi pa ba talaga kayo tapos mangasar sa ’kin.” “Wala lang, hayaan mo na kami. Ngayon ka lang kasi naming nakitang ganiyan eh -- ganiyan kabagabag at tuliro.” Napahinga akong malalim sa sinabi niya. Talagang nababagabag nga ako, sa simpleng pulang scarf na ito. Buong akala ko -- nakalimutan -- na niya ako. “Oh paano ’tol, una na kami ni Allen ha. May klase pa kami eh.” “Ako rin may klase pa, sabay na ako sa inyo palabas. Ikaw Chris may klase ka ngayon?” “Hindi ’tol, vacant ko ngayon.” “O sige damayan na muna kita -- “ “Rumir hindi pwede. Ilang araw ka ng hindi pumapasok sa Calculus, baka ma-drop ka na due to absences.” Bad trip ’yan, napakadali lang ng Calculus sa akin pero kailangan ko pa rin talagang pasukan ang subject na ‘yon. “Hays. O sige na nga, fine fine fine. Una na muna kaming tatlo ha. Kitakits na lang mamaya sa canteen.” Sinulyapan ko ang scarf at ipinasok sa aking bag. Inilabas ko naman ang Calculus kong libro, para hindi masyado masikip sa loob. Hmm -– mahirap na baka magasgasan ang napakabangong pulang scarf. “Sh*t, quiz pala ngayon sa Calculus.” Dumaan na muna ako sa bookstore at bumili ng yellow pad. “Woah, bakit ganito? Bakit biglang tumaas ang mga balahibo ko?” Hindi ko na lang masyadong pinansin pa, dahil baka epekto lang ito ng pulang scarf -- isang napakabangong pulang scarf na nakakapagtuliro sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD