Rumir’s POV
Papunta at papalapit na ako ngayon sa classroom dala ang ilang mga yellow pad na gagamitin sa aming pagsusulit ngayon.
“Can I ask something? A-andito ba si -- Rumir Excel Montano?”
Napatigil ako sa hagdan dahil sa narinig ko. Pangalan ko ‘yon ha? May naghahanap sa akin? Sino naman kaya ’to? Kaya nagpasyang manatili na lang muna ako sa dulong baiting ng hagdan para maparinggan ang posibleng pag-uusapan nila.
“Bakit mo hinahanap ang walang kwentang ’yon?”
“A-ano? Bakit walang kwenta? Anyway, sino ka ba sa kaniya? Tsaka mawalang galang lang ha, hinahanap ko lang kung nasaan siya at hindi ko hinihingi kung ano ang tingin mo sa kaniya.”
“Sounds like a hero. For your information, patapon at walang pangarap sa buhay ang taong kinakampihan mo. Kung hindi dahil sa daddy niya, wala na sana siya sa university na ’to!”
“Kung makapagsalita ka, akala mo kilalang kilala mo siya. Ni hindi mo nga narinig ang side niya!”
“Eh wala, gusto ko lang sabihin. Bakit may palag ka ba?”
“Kahit lalaki ka pa, oo papalag ako bakit!” hindi na ako nakatiis at patakbo na akong lumapit sa dalawang nagbabangayan -- dahil sa akin.
Nang makita ako ng kaklase ko, agad na itong lumayo sa amin dahil sa takot. Lumingon naman sa likuran ang babaeng hinahanap ako.
Tumaas lahat ng balahibo ko, dahil humampas sa akin ang napakabangong amoy ng carnation, na katulad na katulad sa amoy ng pulang scarf.
“R-Rumir. I-ikaw pala.”
Iyon lang ang nabanggit niya at may isiniksik siyang papel sa libro ko. Pagkatapos niyang gawin ‘yon ay umalis na siya kaagad.
Hindi ko na masyadong napansin pa iyon, dahil sa tumaas muli ang mga balahibo ko sa katawan. Bukod sa mga kaibigan ko, ngayon lang muli -- akong pinagtanggol -- ng ibang tao.
RAINS’S POV
Naiinis ako, kung bakit may mga ganitong tao. Kung makahusga ay kala mo sila na ang hukom, kala mo mga perfect!
Hindi ko alam, kilala ko ang sarili ko. Kaya ko naman na sanang umintindi at palampasin na ito. Pero ang isang ’yon! Pinasabog ata ang ugat ko sa ulo!
Nalulungkot ako para sa binata dahil nakakaranas siya ng mga gano’ng mga salita. He doesn’t deserve those kind of mean words dahil alam ko -- deep down in my heart, alam ko na mabuti siyang tao. Lalo pa ngayon na alam ko na ang dahilan kung bakit siya napaaway sa kaniyang professor.
“Ate Rain, okay ka lang ba?”
“Ha -– oo, oo naman Maemae. B-bakit mo naman natanong?”
“’Yong kilay niyo po kasi, kanina pa magkasalubong.”
“Tsaka ’yong nguso niyo po, nakasayad na.” Dagdag naman ni JJ, ang freshman na tinulungan ko noong nakaraan na pinag-initan ni Patrick dahil narumihan ang puti niyang sapatos.
“W-wala, stress lang ang ate niyo, may quiz kasi mamaya. Teka, isasauli ko lang itong libro ha.”
Talaga naman, ang pagkabadtrip ko ngayong hapon, baka bukas dala-dala ko pa!
Tinahak ko na ang dulong bahagi ng library para ibalik at isiksik muli ang libro.
Pumasok ako sa shelve kung saang stand at section ito nakalagay.
Pagtalikod ko, isang lalaki ang bumungad sa akin -- lalaking dahilan ng pinagtalunan namin kanina ng kaklase niya.
Napakagwapo, kung makatingin, kala mo matutunaw na ’ko! Nakaka-hypnotized!
Gumilid ako at umiwas dahil baka may kukunin lang rin siyang libro kung nasaang shelve rin ako ngayon.
Pero mali ako ng hinala, dahil hinarangan niya ang buong maliit na daanan ng shelve.
“I believe this scarf belongs to you.” Nagulat ako sa inilabas niya mula sa kaniyang bag.
“P-paano mo nalaman.”
“What do you think of me Ms. Acosta? Ms. Rain Anne Acosta?”
Mas nagulat ako dahil kilala niya pala ako, kilala niya ang buong pangalan ko. Dahil ang sa tanda ko, Riri lang ang alam niyang pangalan ko.
Halos hindi na ako makapag-isip ng maayos, pero pinilit ko ang best ko para maging kalmado pa rin. Gustuhin ko man na sabihin sa kaniya na ako ang kalaro niya dati, for sure naman na hindi niya rin ako maalala dahil mga bata pa lang kami noon, fourteen years ago.
“Hmm -- yes. That scarf belongs to me, ano naman kung sa akin galing ‘yan?” siya naman ang hindi nakasagot dahil sa straight forward kong sagot sa kaniya.
“So if you mind, paraanin -- “
“And why would I do that Rain? Wait lang, hindi pa ako tapos.” Lumakas muli ang t***k ng puso ko, mas mabilis na mabilis na ngayon!
“Bakit. Bakit mo ’to ikinumot sa akin?”
“Kasi nilalamig ka.”
“Hindi ka ba natatakot sa ’kin?” hindi muna ako umimik kaagad at pilit na pinakalma ang sarili.
“At bakit naman ako matatakot sayo? Hindi ka naman isang killer, o isang r****t, lalo naman ng isang multo.” Pagkatapos kong sabihin ’yon, mas gumaan na ang pakiramdam ko kahit nariyan pa rin ang prisensya niya.
“Bakit hindi tulad ng iba, bakit mas pinili mong -- hindi ako husgahan?” lumapit ako ng bahagya sa kaniya, para mas makita at mas marinig niya ang magiging sagot ko.
“I know, mabuti kang tao Rumir. At hindi lang ’yon, ang napakatalino mo rin kaya! Ikaw ang representative ng university natin remember? Hey, I’m so proud of you. Kung ninety nine percent ng population dito ay walang bilib at hinuhusgahan ka, then I’ll be that one percent -- that tiny one percent to believe in you and to accept who you really are.”
Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay nginitian ko siya. Umalis na rin ako kaagad dahil may isang quiz pa ako sa huling subject na hinahabol.
Kung kanina, ang sikip-sikip ng dibdib ko dahil sa inis, ngayon naman, magaan na. Magaang magaan na.
“Una na ko sa inyo, Maemae at JJ ha.”
“Ay ate Rain, pinabibigay po ni kuya Noah ko po.”
“Anong laman ng small paper bag na ito JJ?”
“Pinasuyo lang po ng kuya kong doctor eh.”
“Ahh, baka ano lang ’to. Una na ako ha, bye bye.”
Natapos ang exam, natapos na sa wakas ang buong araw ko.
Naghihintay na muli ako dito sa waiting shed, para sa sundo ko na si lolo dad. Habang naghahantay sa kaniya, napansin ko ang isang pamilyar na kulay asul na sasakyan. Nakita ko si Noah, may dalang bouquet ng sun flower na bulaklak.
“Hi Rain! Kumusta ka?”
“Hello, okay naman! Oh, susunduin mo na ba si JJ? Ang alam ko mamaya pa siya eh.”
“Hmm. Yes, I know mamaya pa ang out niya.”
“Woah, ehem, mukhang may nililigawan ka dito sa university ah.”
“Hahaha. Flowers for you pala. Actually I came here to see you, and to give you this.”
Hindi ko alam pero para akong biglang nabingi sa narinig ko. Mismong saliva ko, nabilaukan ako.
“W-what? F-for me? Pero -- ” hindi na natapos ang pagsasalita ko dahil sa isang malakas na sigaw mula sa gate ng university.
“Rain! Tawag ka ni Mrs. Soliman, emergency raw!” sigaw ni Rumir mula sa malayo kaya naagaw namin ang attention sa kaniya.
Agad naman kaming napasugod kay Rumir dahil sa nakakagulat niyang balita.
“I’m a doctor, pwede akong sumama para -- “
“Emergency meeting, hindi emergency na parang napaano siya para kailanganin ka. Hindi mo kailangang sumama.” Seryosong saad niya Rumir sa kasama ko.
Naghahalo na ang kaba at tension ko kaya minabuti kong magpaalam na lang kay Noah para mapuntahan na namin kaagad si Mrs. Soliman.
“I’m – I’m so sorry Noah, pero I have to go -- I’m sorry, excuse me.”
“Puntahan natin si ma’am.”
Dali-dali kaming pumunta doon sa sinabi niya at agad ng nakarating. Napatingin ako sa paligid, pero bigo akong hindi makita ang ginang.
“Teka Rumir, are you kidding me? Bakit naman dito sa roof top mag-me-meeting?”
“’Di -- hindi ko alam. Wait na lang muna natin siya dito.”
“Are you kidding me Rumir, kala ko naman kung ano!”
“Sabi ko lang naman emergency meeting, hindi ko naman sinabi na may nangyaring masama sa kaniya ha.”
May tumatakbong kakaiba sa isip ko, pero baka mali lang ako ng hinala.
Tumahimik na lang muna ako. Mula sa roof top, natanaw ko ang asul na sasakyan, paalis na si Noah sa university.
“Buti umalis na.”
“Anong sinabi mo Rumir?”
“Sabi ko ’yong lamok umalis na, kinagat kasi ako. Nga pala, bumaba na tayo baka parating na rin daddy mo. Magdidilim na rin.”
May kakaiba talagang ginagawa ’to si Rumir eh. Pero hindi ko na lang masyado ’yon pinansin, baka guni-guni ko lang kasi.
Malamig na ang simoy ng hangin, nagsisimula na rin pumatak ang malaking butil ng ulan.
“Wait, Rain. Umuulan na.” Bumagsak ang napakalakas na ulan kaya hinubad niya ang kaniyang navy blue leather jacket at pinangtakip namin ’yon sa aming ulunan.
“W-what are you doing?”
“What? I’m just returning the favor. Makabawi man lang ako sayo.”
Nakarating na kami sa waiting shed. Kung ako ay kaunti lang ang basa, siya naman, basang basa sa ulan.
“Okay ka na ba dito Rain?”
“Oo. Okay lang ako dito. S-salamat.”
Mga ilang minuto ang lumipas, dumating na rin si lolo dad para sunduin ako. Lumabas siya sa sasakyan at may dala dalang malaking payong.
“O iha, pasensya ka na at medyo delayed ang dating ko dito. Masyado kasing traffic dahil sa lakas ng ulan.’’
“Okay lang po lolo dad.”
Magpapaalam sana ako kay Rumir pero may kausap siya sa cellphone niya kaya hindi ko na lang siya inabala pa.
Pauwi, iniisip ko siya.
Noong nakarating ako sa bahay, nasa isip ko siya.
Hanggang sa paghiga ko, hindi mawala ang mukha niya sa isipan ko. B-bakit.
Bakit ako biglang naging ganito, dahil sayo, Ruru?