CHAPTER 8

983 Words
Rumir’s POV Natatakot man ako na tanungin si Rain kung natatandaan niya pa ako, wala naman akong magawa dahil sa labis na takot. Baka kasi talagang nakalimutan na niya ako. Pero ngayon, itinulot na rin talaga ng langit na paglapitin kaming dalawa. First year college pa lang kami noon, napansin ko na agad ang ganda niya at hindi ako pwedeng magkamali na hindi siya Riri dahil sa palatandaan ng amoy niya, ang carnation perfume. Sinubukan ko siyang lapitan noon pero napansin kung napaka-busy niya sa kaniyang pag-aaral kaya ayaw ko na siyang istorbohin. Nang mga panahong ’yon, ang bigat at ang dami ko rin pinagdadaanan. Nagpatiwakal si daddy dahil nahuli niyang magkasama si mom at ang kapatid niyang mas nakakatanda, walang iba kundi si Enrique. Napakasalimuot ng mga araw ko na ‘yon at punong puno rin ng galit ang puso ko. Kaya nagdesisyon na ako na huwag na siyang istorbohin o lapitan pa, kahit kailan. At mas napatibay na huwag ko na siyang kulitin pa dahil sa minsang nasalubong ko na siya ng malapitan, pero talagang nilagpasan niya lang ako. Hindi ko naman na rin siya masisisi dahil sa may tattoo at piercing na ako at hindi naman rin nakakagulat dahil maliit pa lang kami noon, higit isang dikada at taon na ang nakalipas noong nakilala ko siya. Kinabukasan kaagad, pinuntahan ko siya sa classroom niya. “Rain?” “R-Rumir anong ginagawa mo rito?” “Pwede ba kita makausap? May sasabihin sana ako.” “Ano ‘yon?” “Ayoko sana sabihin dito. Pwede sa ibang lugar na lang?” “Sige, m-mamayang vacant ko na lang, three p.m.” Umikot ang oras at sumapit din ang vacant niya. Nagkita kami sa gate ng university. “Angkas ka na sa motor ko.” “Sorry Rumir pero takot kasi akong sumakay ng motor.” “Bakit?” “K-kasi ano eh, kasi may fobia ako. Dati sa monkey bar, nahulog ako. B-baka mahulog ako sa motor mo.” Sa sinabi niyang ’yon, lalo lang niya napatunayan na siya talaga ang Riri na batang nakilala ko noon. “Sige sige. Simula bukas gagamitin ko na lang ang kotse. Pero pwede ba ngayon, umangkas ka muna sa motor ko? Pangako sa 'yo mahina lang ang pagmamaneho ko sa daan.” Mabuti na lang at napapayag ko siya. Tinahak na namin ang daan at nakarating kami sa ’di kalayuang palaruan. “Anong -- ginagawa natin dito?” “Wala, tinitingnan ko lang kung may maalala ka.” Napansin ko ang pagbabago ng awra ng kaniyang mukha. Alam ko na naaalala niya pa ako. At masaya ako dahil doon. Inilabas ko ang scarf at ipinakita ito sa kaniya. Pansin ko rin ang panyo na hawak-hawak niya. Iyon ang panyo na ibinigay ko sa kaniya noong nagasgasan ang tuhod niya dahil sa pagkakahulog sa monkey bar. “Bakit ngayon mo lang sinasabi na naaalala mo pa pala ako, Ruru?” Lalaki ako pero umiikot bigla ang mga paru-paru sa tiyan ko noong tinawag niya ako sa palayaw ko. “Depressed ako sa pagkawala ni daddy noon at ang gulo-gulo ng buhay ko kaya mas pinili ko na lang muna na iwasan ka. Eh ikaw, bakit hindi mo sinabi na naaalala mo pa pala ako, Riri?” “K-kasi, nahihiya ako at nakakahiya kapag hindi mo na pala talaga ako natatandaan.” “Nakakalungkot naman Rain. Ngayon lang kita ulit nakausap kung kailan pa tapos na tayo ng pag-aaral.” “Oh bakit ka nalulungkot? Aalis ka na naman ba? Pupunta ka na naman ba sa Japan? Ha?” Mas lalo lang akong na-guilty dahil sa narinig ko mula sa kaniya. “I'm so sorry, Riri.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kang mag-alala, babawi na ako ngayon. Napakarami ko ng utang sa 'yo.” Ngumiti lang siya sa akin. Mas maganda talaga siya ngayon kasya noong mga bata pa kami. Crush na crush ko siya noon, ano pa kaya ngayon! “Nga pala nabasa ko ang papel na isiniksik mo sa libro ko. I assume, nabasa mo rin ’yon ’di ba?” “I don’t wanna lie. Oo, nabasa ko ‘yon. And alam ko, isa kang mabuting tao from the start pa lang.” Lalaki ako, napakahirap namang magpigil ng kilig! Kainis! “Hmm, nga pala. Paano mo nasabing sa akin ang scarf na ’yan?” “Bakit hindi mo alam?” “Hindi alam na?” “Huwag mo sabihing hindi mo alam ang burda na nakalagay sa scarf?” “Hindi, h-hindi ko alam ang sinasabi mo.” Ibinigay ko ang scarf sa kaniya at ipinakita ang burdang nakalagay. Kahit siya ay nagulat. Napatakip siya ng bibig niya. “Fourteen years na nasa akin ‘yan pero ngayon ko lang nalaman ang burda na ’to.” “Kahit nga ako nakalimutan ko na sa tagal ng panahon. Pero noong nakita ko ang burda, bigla ko naalala ang lahat. Ang lahat-lahat sa ating dalawa.” “R♥R?” “Oo, Ruru at Riri.” “B-bakit gano’n ang nakaburda?” “Crush na crush kita noon. Kaya kahit mga bata pa lang tayo, gusto na kita ligawan.” “Baliw ka talaga. Kaya pala may pa-Jollibee ka at chocolate noong bata pa tayo ha!” “At sinagot mo ako noon ’di ba?” “P-paano mo naman nasabi na -- “ hindi ko na siya pinatapos at hinalikan na ang mapupula niyang mga labi. “Tinanggap mo ang unang halik ko sayo noong mga bata pa tayo. At ngayon, sa pangalawang pagkakataon, tinanggap mo ulit ako.” “Rumir.” Mapungay niyang saad sa akin. “Please, hayaan mong ligawan kita ulit Rain, my only Riri.” Yumakap siya sakin na napakahigpit. Tila ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging masaya, ng maging masaya ng lubusan. Salamat sa bathala, nagkrus na ang landas naming dalawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD