Rain’s POV Panibagong araw na naman, pinaghandaan ko na ang pagiging sekretarya ko sa vice president ng Montano Corp. “I can be better. I can do better.” Simula sa aking office attire, make up, accessories at perfume, pinaghandaan ko na lahat. Lahat lahat. Bahala na kung sino ang ma-fall. Bahala na kung sino ang ma-in love. Basta gagamitin ko na ang sarili ko full pack; body, beauty and brain. “Good morning Sir Montano.” Salubong ko sa pintuan ng kaniyang opisina. Tinitigan niya ako, pero hindi ko na ‘yon pinansin pa. Bahagya akong yumuko at pinagbuksan ko siya ng pintuan. Pagkatapos no’n ay inihanda ko na ang creamy latte coffee niya. I served it neatly, nicely and yummy. Bumalik na ako sa aking lamesa para i-update naman ang moved appointmens niya -- ng biglang tumunog ang t

