Rain’s POV Limang araw na ang lumipas mula noong sinigawan ako ni Rumir. Masamang masama ang loob ko, pero wala akong ibang choice kung ‘di ang tapusin ang kontrata ko sa kaniya. Monday to Friday ako sa Montano Corp., Saturday and Sunday naman ako sa hotel at sa iba naming ka-chain business ng La Acosta. Ang day off? Tinanggal na rin yata sa akin ng panahon. “Rain, you seem so exhausted, pwede bang magpahinga ka na muna?” “Sige. Pero pwede ko ba muna malaman kung ano na ang latest stand ng hotel Shasha?” hingang malalim at ipinikit ko muna ang aking mata tsaka sumandal sa aking swivel chair. “Well, guess what!” masayang saad niya. “What.” “We increase the sales na kung aakalain mo ay kinita na natin ‘yon sa loob ng anim na buwan!” napamulat ako at tiningnan ang hawak niyang mga p

