Rain’s POV Nasa labas na ako ng university, naghihintay sa aking sundo. “Lolo dad, mamaya na lang po ako magpapasundo sa inyo kasi may mahalaga lang po kaming tatapusin.” Malala na, nakakakonsensya na talaga itong ginagawa ko. Ayaw na ayaw niya pa naman sa isang taong basag-ulo. “Hello Mr. Montano? Nasa labas na ako ng gate. Saan ka na ba? Aba naman pinaghihintay mo na ako ngayon ha.” “Sorry love, malapit na malapit naman na ako.” “Anong malapit na eh hindi ko pa nga naririnig ang motor mo. Malayo ka pa, paano mo nasabing -- “ “Hello mahal.” Tumigil sa harap ko ang isang itim na Mazda. “Woah -- bumili ka pa ng -- sasakyan?” “Pumasok ka na. Oh bakit hindi ka na makahinga diyan? Baka iniisip mo nanaginip ka ha. Come on hop in.” Pumasok ako sa sasakyan na manghang mangha pa rin. Naka

