Habang naghihintay na dumating ang pagkain namin ay ibinahagi ko kay Jeff ang mga naranasan ko kanina habang nagdadrive sa circuit.
Mukhang saglit na nawala sa isip nito ang gutom dahil maayos ko naman itong nakausap. Paminsan-minsa’y ngumingiti pa ito.
"Mamaya pagbyahe natin, steady speed lang tayo. Iba ang circuit sa highway. Mahirap na. Mahigit isang oras ka pa lang na nagpractice."
Tumango ako. "Oo nga eh. Minsan nakakaligtaan kong tignan ‘yong speedometer, kaya paminsan-minsan hindi ko namamalayan bumibilis na pala ang takbo ko."
Nakita kong binunot ni Jeff ang cellphone nito sa bulsa at may pinindot roon. Paglipas ng ilang sandali ay ipinakita nito sa akin ang isang map application.
"Dito tayo dadaan.” Anito sabay turo sa screen. Tahimik akong tumingin roon at nakinig rito, “Lalabas tayo ng La Paz. Diretso na lang dito sa daan na 'to. Tapos..." Patuloy nitong ipinaliwanag ang tatahakin naming daan.
"Nakadaan na ako dito dati noong minsan na naisipan kong magsolo road trip." Maya't maya ay dagdag nito.
"Sige." Tugon ko sabay tango.
Sunod na pinagusapan namin ay ang makina ng big bike na gamit ko. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na rin sa wakas ang mga pagkain na inorder namin.
"Dati akong nagmo-motocross. College days. Nagshift lang ang pagkahilig ko sa sportbike three years ago. The speed is so thrilling.” Kwento nito. My face twitched. Did this guy somehow become a daredevil after experiencing a heartbreak?
At that moment, I suddenly realized that what I’ve seen so far must not have been his best speed. I had a feeling that this man could go faster. The way he drives was so skillful that it wasn’t hard to guess that he must be into racing as well.
I wonder what made him take an interest in extreme sports.
"Dahil ‘yan dun sa ex mo, ano?" Wala sa loob na komento ko. I wasn’t very clear with my words but I knew he understood what I was talking about.
Hindi ito sumagot at sumubo lang ng pagkain.
I shrugged and started eating as well.
Silence means yes.
"Nasubukan mo na ang public road, kamusta ang pakiramdam? Kaya mo kaya mamaya ng 120 sa expressway?" Maya-maya ay tanong nito habang umiinom ng juice.
"Siguro. Minsan pinapaharurot ko ‘yung four-wheels nang mas mabilis pa kapag nasa expressway ako eh. Pero iba kasi ang four-wheels sa big bike."
Tumango ito bilang pagsang-ayon.
*
Pagkatapos naming kumain ay hiningi ko na ang bill. Nakita kong binuksan ni Jeff ang wallet nito at naglabas ng isang libo.
"Ako na Jeff."
"Ito na." Anito sabay ipit iyon sa bill folder at binigay kaagad sa waitress. Hindi na ako nakakontra pa.
"Next time ako na ang magbabayad.”
"Sus. Maliit na bagay lang ‘yan. Ipagluto mo na lang ulit ako." Anito sabay tawa. Pagkatapos ay nauna na itong tumayo at lumabas ng restaurant. Hindi na ito nag-abala pang kunin ang sukli nito. Mabilis akong sumunod rito.
Kapagkuwan ay nakita ko itong tumayo sa may gilid at tinitigan ang dalawang motor na nakaparada sa tabi. Nang maramdaman nito ay paglapit ko ay nagsalita ito.
"Pinamaintenance ko na itong dalawa bago tayo umalis atsaka pina-full tank ko na rin. Pero dahil naka-ilang laps ka kanina, magpa-gas na lang tayo kapag malapit ka nang maubusan." Afterward, he looked at me and grinned. "Game na?"
My eyes glinted in excitement. I smiled and nodded my head in response. Lumapit na ako sa motor na gagamitin ko at sumakay roon.
"Alam mo na kung saan ang dadaanan natin. Kahit ‘wag mo na ako sundan. Ikaw na ang mauna…” He paused for a second before adding tauntingly, “…kung kaya mo." He playfully smiled.
Napailing na lamang ako. His words meant we’re racing. Pero alam kong hindi naman ito seryoso. Ano naman ang ilalaban ko sa kanya?
Isinuot ko na ang helmet ko at hindi na pinansin pa ang sinabi nito.
Hinintay ko itong sumakay sa motor nito bago ko binuksan ang makina ng motor. Bago kami bumyahe ay nagsalita itong muli.
"Ingat sa pagdadrive Steven." Paalala ni Jeff.
Itinaas ko ang face shield at tumugon, "Oo. Salamat. Ikaw rin."
Bigla itong may hinagis sa akin.
Isang pares iyon ng itim na gloves.
"'Yan lang ang gloves na nadala ko. Ikaw na muna ang gumamit. Mahirap nga palang magdrive ng walang gloves. Ngayon ko lang naalala. Nakalimutan kong magdala ng isa pa. Bili na lang tayo sa Baguio o kaya kapag may nadaanan tayo sa Tarlac o Pangasinan."
"Anong isusuot mo?" Nag-aalangang tanong ko.
"It's fine. It's better for you to wear it." Tugon nito. May pinalidad na mababakas sa tono nito.
Wala na akong nagawa kundi sundin ito.
*
Moments later, we were already hitting the main road.
Contrary to what he said earlier— about me trying to overtake him—Jeff closely followed behind me and never bothered speeding up and getting ahead.
I revved my bike and sped up, overtaking trucks and cars along the way. From time to time, I would glance at my side mirror to check if Jeff was still behind me.
Driving a big bike was so awesome. The excitement hadn’t subsided yet—not even one bit. Actually, it even intensified every moment.
Because of the thrill, I subconsciously sped up.
Nang sandaling iyon ay nakarinig ako bigla ng sunud-sunod na busina mula sa likuran ko. I immediately slowed down and glanced at the side mirrors. However, I didn’t find any vehicle behind me.
One second later, I heard another loud honk beside me. Pagsulyap ko sa gilid ko ay natagpuan ko doon si Jeff. He raised his left hand just above his chest then he moved it up and down a couple of times, signaling me to slow down.
I nodded my head in understanding.
I must have been driving too fast.
Jeff placed his left hand back on the left grip of his big bike and sped up, moving in front of me and maintaining a 90kmph speed.
Sumunod na lang ako dito at hindi na nag-abala pang umovertake rito dahil hindi ko pa makontrol ang pagpapatakbo ko. I was too overwhelmed with excitement. Atleast, if Jeff was in front, I would be constantly reminded to slow down if I was beginning to speed up.
Ilang sandali paglabas namin ng exit ng SCTEX ay nakarating na kami sa city proper ng Tarlac. Dumaan kami sandali sa isang shop na nagtitinda ng motor parts and gears. Doon ay bumili kami ng isa pang pares ng gloves na gagamitin ni Jeff.
Pagkatapos naming bumili ay bumyahe na ulit kami. Paminsan-minsan, tumitigil kami sa stopovers para magbanyo o magpahinga sandali.
Alas siete na ng gabi nang makarating kami sa Baguio.