I was thrilled but at the same time, I was feeling nervous.
"Solo mo ‘yong race track. Drive all you want, but safely of course. ‘Wag kang magmadali. Take your time to adjust." Narinig kong paalala nito habang itinataas ko ang stand. I nodded my head before pulling the clutch and shifting gears.
As I slowly released the clutch, my other hand slowly twisted the throttle. The big bike slowly moved forward.
Kasabay ng pag-andar ko ay unti-unti na ring nawawala ang nerbyos na nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon ang excitement.
I slowly gained speed.
Itinaas ko na ang paa ko sa foot peg at lumabas na ng garahe. Pagkatapos ay lumabas ako ng pit lane at dumiretso sa circuit.
Makalipas ang isang minuto tinignan ko ang speedometer. Nakaturo iyon sa 60-70 kmph, pero pakiramdam ko ay ang bilis na ng takbo ko.
I practiced for two laps, maintaining the same speed.
Kada napapadaan ako sa may stand kung saan nanonood si Jeff ay nagmemenor ako at kumakaway rito bago ko pinapaharurot muli ang bike.
Sa third lap ko, tumapak na ako sa 80kmph. Kada lap ay tinataasan ko ang speed ko ng sampu.
My throat felt dry and my heart was pumping hard but I knew it was an adrenaline rush.
Habang unti-unti kong nagagamay ang pagda-drive nitong motor ay kasabay ko na ding namememorya ang daan. Bawat kurba, kung saan ko mas papabilisin ang takbo ng motor, at kung saan ako magbabawas ng speed. Memorizing the road helped me practice my driving smoothly.
The experience was so exhilarating.
For the last lap, I had already reached 120 kmph. My field of view felt like it was zooming in because of how fast I was driving.
I focused on the road and realized that up ahead was the stand where Jeff was watching, so I shifted my gears and slowed down my speed.
And when I finally reached the place where Jeff was standing, I slowly pulled the right-hand lever and gradually stepped on the braked pedal until I fully stopped.
Pagkatigil ko ay itinapak ko ang dalawa kong paa sa semento atsaka tinanggal ang suot kong helmet. The sweat that got built up quickly evaporated, cooling down my skin. I grinned at Jeff when I saw him walk down the stairs.
"Ang sarap i-drive." Sabi ko rito pagkatigil nito sa may railings.
Humalakhak ito. "Kaya na ba ang Baguio?" Tanong nito.
"Ngayon?"
"Oo ba. Kung game ka."
"Tara!" I excitedly agreed. Ngumiti ito. Tumalon ito sa railings at saka lumapit sa akin. Kapagkuwan ay walang salitang umangkas ito sa likuran ko.
"Daanan natin yung duc tapos kain muna tayo ng lunch. Kanina pa ako nagugutom." Anito sabay kapit sa may gilid ng baywang ko.
"Sige." Sagot ko rito. Isinuot ko na ulit ang helmet at itinaas ang side stand ng big bike saka nagdrive pabalik sa pit lane.
Pagkarating namin ay tumigil ako sa tapat ng duc nito.
Pagkasakay nito ay sa Ducati nito ay pinauna ko muna ito saka ako sumunod rito.
I followed him from a safe distance.
Nang makita ko itong nagmenor ay binagalan ko na din ang takbo ko. Shortly after, I saw him raise his hand and point at a stopover in SCTEX several meters away. I quickly turned on the signal light and checked the side mirrors before turning right.
"Gutom na gutom na ako. Hindi pa ako nagbreakfast. Saan mo gustong kumain?" Tanong nito pagkatapos naming magparking ng mga motor.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. My eyes flickered when I saw the tarpaulin hanging on the wall. "May bangus sila doon oh." Sabi ko rito sabay turo sa isang Filipino restaurant ‘di kalayuan.
Sabay kaming nagtungo sa loob ng restaurant at naghanap ng mauupuan. Habang naghihintay kami na dumating ang kukuha ng order namin ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
My eyes twitched when I noticed the gazes in our direction. I get the same familiar attention when I go out, but today, I was experiencing twofold. I didn't have to guess who is the culprit.
I turned my head a bit when my eye caught something.
Not too far away, a comical scene was in play. May nakita akong isang tumatakbo na waitress na pinipigilan ng isa pang waitress. Naghihilaan ang dalawa pero mas mautak ang nauna kaya ito ang unang nakalapit sa amin.
I looked at them amusedly.
Habol-habol ng unang waitress ang hininga nito nang makarating ito sa table namin.
She smiled shyly and said, "Sir, ito po ‘yong menu.” Pagkatapos ay inabutan kami nito ng tig-isang menu ni Jeff.
Natatawang ibinaling ko ang tingin ko kay Jeff. Ngunit abala lang ito na nakatingin sa menu nito, hindi alintana ang mga manaka-nakang pagsulyap ng waitress na nasa tabi namin.
Did he not notice the looks she was giving him?
Pinagmasdan ko ang ekspresyon sa mukha nito. He somehow looked pissed. Was he being moody because of hunger?
Kapagkuwan ay narinig kong nagsalita si Jeff. "Isang grilled bangus, tatlong java rice, at saka iced tea."
Hindi magkaundagaga ang waitress sa pagkuha ng notepad sa may bulsa ng apron nito.
"S-Sir ano po ulit iyon?" Tanong ulit ng waitress.
Kumunot ang noo ni Jeff.
"Grilled bangus, tatlong java rice, and iced tea."
"Grilled bangus...? Ano po ulit?"
"One grilled bangus, three java rice, and iced tea."
"Isang grilled bangus... Dalawang java rice... Iced tea." Ulit ng babae. Nakita kong lumalim ang kunot sa noo ni Jeff. Tinakpan ko ang kalahati ng mukha ko ng hawak kong menu at nagpigil tumawa.
"Tatlong java rice." Bakas na ang pagkayamot sa boses ni Jeff.
I pressed my lips together to stop myself from laughing out loud.
Masama palang ginugutom itong kasama ko.
Nang sandaling iyon ay biglang dumako ang mga mata ni Jeff sa akin. Napatuwid ako ng upo saka tumikhim.
"Anong sa'yo?" Tanong nito.
Mabilis kong tinignan ang menu at pinili ang una kong nakita para maayos na kaagad ng waitress ang mga order namin. Mukha kasing inip na inip na si Jeff.
"Relyenong bangus sa akin. Tatlong java rice at iced tea na rin." Malumanay na sabi ko sa waitress sabay ngiti. Kumalma ang waitress nang makita nito ang ekspresyon ko.
"Relyenong bangus, tatlong java rice, at iced tea po." Ulit nito. Tumango ako at nagthumbs up pa rito. Namula ito. Pagkatapos ay nitong kinuha ang menu namin.
"Iseserve ko po ‘yong pagkain ninyo within 15 minutes, okay lang po ba?" Tanong nito. Um-oo na ako agad para makaalis na ang waitress dahil nakikita ko na namang kumukunot ang noo ng kasama ko.