"Hoy."
Biglang bumigat ang balikat ko nang may umakbay sa akin. Sinulyapan ko ang mukha ng nagmamay-ari ng kamay na iyon.
"Ang aga mo yatang pumunta ngayon?" Saad ko sabay yuko at pulot ng natitirang dumbbells na nakakalat sa ibaba saka binalik iyon sa tamang lalagyan.
Pagkatapos ko ay hinarap ko si Jeff.
Nakasuot ito ngayon ng white shirt na pinatungan ng black leather na jacket. Tinernuhan nito iyon ng black jeans at black na sneakers.
I checked the time on the digital wallclock—10:00 am. Madalas itong nagwoworkout sa gabi, kaya nakakapanibagong makita ito nang tirik ang araw.
Last week ko pa ito huling nakita. Noong araw na nakitulog ito sa pad ko pagkatapos naming mag-inuman.
"I just got back from Japan." Tugon nito. "Ano game na?"
Nagtataka akong tumingin rito. "Saan?"
He snickered. "I told you, ipapahiram ko yung big bike diba? Tara sa circuit."
I looked at him in surprise. I was excited when he mentioned it that day, but I wasn’t really expecting that he would keep his word.
“Bakit mukhang gulat ka?” Aliw na komento nito. He tilted his head and asked, “Game ka ba o busy ka?”
“Game ako! Game! Teka.” Nagmamadaling tinawag ko ang isa sa mga empleyado ko para bilinan ito. Saka nagmamadaling nagpaalam kay Jeff para magpalit ng damit.
"Sa parking lot na kita hihintayin." Narinig kong sigaw nito habang papalayo ako.
Pagkarating ko sa itaas ay nagsuot ako ng dark blue na long sleeves at tinernuhan ko iyon ng black na pantalon at gray na sneakers. I grabbed my shades and didn’t forget to take my valuables before going downstairs.
Pagkarating ko ng parking lot a naabutan ko si Jeff na nakaupo sa isang kulay black na big bike.
Nang mapansin nitong papalapit ako ay bigla nitong hinagis sa akin ang isang matte black na helmet. Mabilis kong sinalo iyon gamit ang dalawang kamay ko.
"Hop on." Anito sabay turo sa likod nito. Pinagmasdan ko ang big bike nito. Napaawang ang bibig ko sa mangha. It looked way cooler in person.
Damn.
Nakita kong isinuot ni Jeff ang helmet niya kaya isinuot ko na rin ang helmet na hawak ko bago ako umangkas sa likod ng big bike. Binuhay na nito ang big bike nito saka itinaas ang stand. Pagkahawak ko sa may gilid ng jacket nito ay pinaharurot na nito iyon palayo sa gym ko.
Iba talaga ang pakiramdam kapag nakasakay sa big bike. Hindi man ako magaling sa pagkilatis pero halatang gamay na gamay ni Jeff ang pagmomotor. Tantsado ang bawat pagmaniobra nito. Praktisadong-praktisado at halatang madalas nitong gawin iyon. Lalong-lalo na noong nakarating kami sa expressway. Mas bumilis ang pagpapatakbo nito dahil sa magaang trapiko.
I sighed inwardly.
I can't wait to drive one.
Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa sinasabi nitong circuit sa Clark, Pampanga. Kung four-wheels ang gamit namin ay sigurado akong aabutin kami ng ilang oras sa byahe.
Maya’t maya ay bumagal ang takbo ng motor at pumasok ito sa pit lane ng circuit saka tumigil sa tabi. Tumuwid ako ng upo at tinanggal ang helmet ko saka bumaba ng big bike. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at saka nilanghap ang hangin rito.
The mixed smell of tires, fuel, and asphalt filled my nostrils.
"Ayos ba?" Narinig kong tanong ni Jeff sa likuran ko.
Nilingon ko ito.
I nodded my head in agreement and smiled.
"Ayos na ayos. First time kong nakatapak sa race track." Saad ko rito.
"Tara." Yaya nito. Nauna itong naglakad sa akin.
"Saan?" Tanong ko at mabilis na sumunod rito. Ngunit hindi ito sumagot.
Maya’t maya ay tumigil kami sa tapat ng isang nakasarang roll-up door. Nakita kong may kinuha ito sa bulsa nito at pinindot iyon. Kasunod niyon ay dahan-dahang bumukas ang nasa harapan namin.
Pagkataas ng roll-up door ay bumungad sa harap namin ang isang big bike na kulay red at black. Excited na naglakad ako papalapit sa may big bike at pinagmasdang maigi iyon. It was beautiful.
"Anong gusto mong gamitin? Yung duc o ito? Old model ‘yang yamaha pero well-maintained naman."
Dumako ang tingin ko sa duc nitong nakaparada sa ‘di kalayuan, bago ibinalik ko ang tingin ko sa big bike na nasa harapan ko.
Nagiging salawahan ako. Hindi ko alam kung alin ba dito sa dalawang ito ang gusto kong gamitin. Ilang beses na nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang big bike saka ako nakapagdesisyon.
"Ito na lang. Tutal, naranasan ko namang sakyan ‘yong ducati mo." Kapagkuwan ay tugon ko.
Tumango si Jeff. Pagkatapos ay bigla itong may hinagis sa akin.
I was startled but I still caught the thing in my hand. I opened my hand and found a key.
"Susi niyan." Anito sabay talungko sa tapat ng Yamaha big bike. Tahimik nitong sinipat iyon. Kapagkuwan ay nag-angat ito ng tingin at nakangiting nagtanong, "Ano? Kaya mo bang magdrive ng ganito?"
"Naranasan mo ‘yong thrill kanina habang nakaangkas ka sa akin diba? Mas masarap kapag ikaw mismo ang nagdadrive." Dagdag nito.
I silently agreed.
Kung kaninang nakaangkas ako ay iba na ang pakiramdam, paano pa kaya kapag ako na ang nag-drive?
Dahan-dahan kong hinaplos ang tangke ng big bike.
"Kaya ko syempre." I answered confidently.
Kapagkuwan ay tumayo si Jeff at tumingin sa akin. "Nasubukan mo na bang magdrive ng motor? Mas mabigat to kaysa sa normal na motor."
Tumango ako. "May motor ako dati, pero hindi ganito kalaki." Tugon ko rito.
"Ang diperensiya nito sa normal na motor bukod sa itsura ay iyong laki ng engine. ‘Yong balancing ang magiging challenge mo, dahil matimbang. Mas mahirap i-handle kung mas mabigat ang motor. ‘Wag ka ring mag-alangan na tumagilid kung kinakailangan. Kung hindi mo kaya, magmenor ka na lang kapag pakurba na." Mahabang paalala nito. “Go. Subukan mo na Steven. Siguradong excited ka na.” Nakangiting saad nito. Jeff stepped to the side and gave way for me so I could hop on the bike. Tumango ako at isinuot na ang helmet na kanina ko pa hawak.
Tama ito. Kanina pa nga ako kating-kati na magdrive.
Pagkasakay ko ay lumapit sa akin si Jeff.
"Isa pang pinagkaiba nito sa normal na motor, big bikes are the best when it comes to speed. Kapag nagamay mo na— if and only if you really think that you can finally handle this monster, don't hesitate to increase your speed." Anito sabay tapik sa bumbunan ng helmet ko.
I flashed an okay gesture before inserting the key and starting the ignition. I bent forward. My stomach was touching the fuel tank. Afterward, I turned the throttle a couple of times, making the engine roar.
The sound of the engine roaring was so eargasmic.
Damn.