I parked my car in the parking lot of my gym, Tier One Fitness & Wellness, before going inside.
Kagagaling ko lang sa kabilang branch. Lingguhan kung bumisita ako sa iba pang branches.
Apat na palapag itong main branch. Ang una hanggang ikatlong palapag ay for commercial use habang ang ikaapat na palapag o rooftop naman ay ang tirahan ko.
Kapag ganitong libre ako at walang magawa, minsan ay nagtre-train pa rin ako ng mga kliyente. Sinusupervise ko na din ang mga empleyado ko.
Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso muna ako sa loob ng opisina ko para magpalit ng gym pants at black t-shirt na may naka-print na logo at letrang TOFW. Saka ko tinignan ang current sales ngayong linggong ito.
So far, stable ang pag-increase ng mga bagong kliyente. At patuloy din ang pagdagdag ng patrons ng gym.
Matapos kong i-review ang reports ay lumabas na ako ng opisina ko. Pagkalabas ko ay naabutan kong abala ang mga receptionist sa pag-aasiste ng mga kliyente. Dumiretso ako sa counter at tinignan ang listahan ng mga bagong nagpa-member ngayong araw gamit ang isa sa mga computers sa front desk.
"Excuse me."
Tumingala ako nang may marinig akong nagsalita. ‘Di sinasadyang napatulala ako nang makita ko ang mukha ng bagong dating. Hindi na bago sa akin ang makakita ng mga bigating personalidad, pero may ibang karisma ang dating ng lalaki na nasa harap ko ngayon.
I stood up and quietly assessed this man in front of me. He was wearing dark blue long sleeves rolled up to his elbow and tucked in his jeans.
My first impression was this man definitely knows his strong points and utilizes them very well.
I cleared my throat and said, "How may I help you?"
"What are your business hours?" Tanong nito.
"We open at 5 am and closes at 12am," I answered unhurriedly.
"Hmm… Anong maisu-suggest niyong fitness program para sa akin?"
Nagbaba ako ng tingin at tahimik na kinilatis ang katawan nito. Hindi man halata sa suot nitong damit ngunit tantsa kong maganda na ang pangangatawan nito.
Kumuha ako ng isang brochure sa gilid ng counter at binulatlat ko iyon bago inabot rito.
"Depende po Sir kung sino ang gusto ninyong maging instructor. Bawat instructor namin dito, may specialty. Firstly, you have to undergo series of physical examinations. And after getting the results, we can recommend the best program for you. Of course, that is still while taking your goals into account." Paliwanag ko rito.
Yumuko ito para basahin ang laman ng brochure. Tahimik akong naghintay na matapos itong magbasa.
"You're not an instructor here?" Kapagkuwan ay narinig kong saad nito sabay kumpas ng hawak nitong brochure. Tumuon ang mata ko roon. Saka ko naalala na nakalagay doon ang hitsura ng bawat instructor sa gym ko at mga specialties nila.
I gave him a professional smile and calmly said, "I am the owner of Tier One, Sir."
His eyebrows raised in surprise.
"Oh. I see.” Muli nitong tinignan ang hawak nitong brochure bago ito nagsalita. “Anong benefits na makukuha ko kapag nagpa-member ako dito sa gym mo?" Tanong nito. It was just a common question that I usually hear from all of the clients, but only this man has made me feel like I am a student being questioned by his teacher. It was a mystery.
He was very intimidating.
But I didn't let myself be intimidated. I remained smiling. As the boss, I have a reputation to uphold and an image to maintain.
"Our gym will be able to give you the best workout experience you could have, by providing you the best equipment, environment, and trainer we could offer. We also have an indoor pool and sauna that can help enhance your working-out experience. It is accessible anytime you want, providing that you have a premium membership."
I told him everything without faltering.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.
He nodded his head unhurriedly and said, "Sounds nice. Where do I apply for membership?"
Iyon lang?
I was stumped by this man’s short response and couldn’t respond immediately. I was only pulled out of my trance when I heard him tap the counter with his index finger a couple of times.
Kaagad kong kinuha ang membership flyer na nakahanda sa may desk para sa mga gustong magpamember at ipinakita iyon rito.
"Nakalista po lahat d’yan Sir ng iba pang ameneties namin na hindi ko namention at iba pang benefits ng members ng gym. We have two types of membership. The first one is a regular membership and the other one is a premium membership.
“You can be a regular member for only 3,000 pesos per month, while premium membership is 10,000 pesos per month." Paliwanag ko rito habang kumukuha ng application form sa drawer.
"I'll go with the premium one."
Tumango ako saka ko inabot rito ang application form.
"And I'll apply for a 1-year membership." He suddenly added.
Napatingin ako rito.
Big time nga.
I suddenly became curious about the identity of this man.
Inabutan ko ito ng ballpen para makapag-fill up na ito ng application form. Pasimple kong sinilip ang sinusulat nito. A few seconds later, I finally saw the name of this mysterious man.
Jeffrey Yan.
Pagkatapos nitong punan ang mga blanko sa application form ay binunot nito ang wallet nito sa bulsa ng pantalon. He took out a black card and placed it on top of the application form.
Kinuha ko ang lahat ng iyon at tinawag si Katy.
"Katy paki-process naman itong application ni Mr. Yan." I ordered. Katy quickly nodded her head and took the items in my hand.
"You can relax at the lounge area habang naghihintay kayo, Mr. Yan. Pupuntahan na lang po kayo ni Katy, ‘yung nagprocess ng application niyo, mamaya doon."
"No. Gusto ko sanang libutin ang gym mo. Okay lang ba?"
Tumango ako. "I could tour you around. Give me a sec." Sagot ko rito.
Lumabas ako ng reception area at inaya itong pumasok sa pinakaloob ng gym.
"Gaano na katagal itong business mo?" Tanong nito habang magkasabay kaming naglalakad.
"5 years." Sagot ko rito.
Tahimik kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng gym. Ito ang pride ko.
Nanatili lang rin itong tahimik habang nakamasid sa loob.
"Dito ang shower room. Connected sila ng locker room." Saad ko sabay turo kung saan. "Sa kanan ang sa babae, sa kaliwa ang sa lalaki."
Kapagkuwan ay naglakad kami papunta sa rest area. "Ito naman ang rest area dito. May ganitong areas din na makikita sa 2nd and 3rd floors."
Sumulyap ako rito nang mapansin ko ang pananahimik nito. I was worried that he would find it boring.
Sunod ko itong dinala sa 2nd floor at patuloy na inilibot ito.
"I still don't know your name." Kapagkuwan ay narinig kong sabi nito mula sa likod ko.
Napalingon ako rito.
Saka ko napagtanto na hindi ko pa nga pala naipapakilala ang sarili ko rito.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
I offered my hand for a shake as I introduced myself.
"Steven Monte."