Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil napasarap ang tulog ko.
It was already afternoon when I cooked our supposed breakfast. After eating, Jeff and I went out to stroll around the city. Ang una naming pinuntahan ay isang shop na nagbebenta ng motor gears at parts para tinignan ang mga new arrivals nila. Afterward, we bought extra clothes since we plan on staying for a couple more days.
After buying our clothes, I followed Jeff and drove cluelessly until we reached our destination. I looked around and saw a sign saying, Mines View Park.
Naghanap kami ng mapaparadahan at saka nagtungo sa may observation deck.
Pinagsawa ko ang mata ko sa kapaligiran. It was quite a view. I feel refreshed looking at nature. It was completely different from the huge buildings in Manila.
Maya’t maya ay naramdaman kong lumapit si Jeff sa tabi ko. Nawala ito ilang saglit kanina. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta.
"May nakilala ako, nagyayaya silang mag-bar mamaya." Narinig kong sabi nito. "Mga taga-Manila din." Dagdag nito.
My lips curled up. "Sige ba."
"Tagpuin daw natin sila sa Spade Club mamaya. Alam ko kung saan ‘yon." Anito. Kapagkuwan ay bumaling ang tingin nito sa harap. "Tapos ka ng mag-sightseeing?"
Tumango at sinabing, "Oo. Gusto ko namang tikman ‘yong mga pagkain na nadaanan natin kanina."
"Tara."
***********
Nasa entrance pa lang kami ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob ng Spade Club.
Nagtaxi kami ni Jeff papunta dito dahil balak naming uminom.
Pagkapasok namin sa loob ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Maya’t maya ay naramdaman kong tinapik ni Jeff ang balikat ko pagkatapos ay may itinuro ito.
Sa sobrang rami ng tao hindi ko alam kung alin ba sa mga taong nasa direksyon na iyon ang tinutukoy nito kaya tumango na lang ako at sumunod rito.
"Hey." Bati ni Jeff sa isang na nakaupo sa isang table. Dalawang lalaki at dalawang babae ang mga iyon.
"This is my friend." Ani Jeff. Nginitian ko ang mga ito.
"I'm Steve." Pakilala ko sa sarili ko.
My eyes darted on one of the women. Paanong hindi? Malagkit ang tingin na ipinupukaw nito sa akin.
I quietly checked her out. She’s hot…
Then I saw her bat her lashes flirtatiously.
I flashed my most charming smile at her.
Umisod ang lahat para bigyan kami ng espasyo ni Jeff na makaupo. Doon ako umupo sa tabi ng babaeng malagkit ang tingin sa akin habang si Jeff naman ay umupo sa pagitan ng isang lalaki at babae.
"Hi Steve, my name is Kara." Pakilala ng babae.
"You have a beautiful name. It’s as beautiful as you." The corner of my lips curled up when I saw her blush.
****
"Sabi ni Jeffrey taga-Manila rin kayo. Nagbabakasyon lang kayo ngayon dito sa Baguio?" Tanong nito.
I nodded my head and chugged in a couple of gulps of beer that Jeff handed over earlier.
"Anong work mo sa Manila?"
"Gym instructor. You?" Balik-tanong ko rito. Her eyes flickered in surprise. I smirked when I saw her gaze sneakily on my abdomen.
A few seconds later, her hand slowly crawled to my right thigh and teasingly drew a circle pattern.
"You must be working out a lot." She whispered in my ears alluringly.
I chuckled and leaned closer to her ears. "Do you want to check it out?" I asked in a low voice.
She giggled. "Oh, I'd love to." She replied while clinking her bottle with mine.
She looked at me seductively while smoothly linking her arms with mine. Pasimple kong sinulyapan ang cleavage nitong nakadikit sa braso ko.
"I work as a magazine model." Ani Kara habang umiinom ng cocktail nito.
"Nice. Bakasyon lang din kayo dito?" I asked, unflustered by her advances.
"Kami, bakasyon. Pero si Nisha, taga-dito talaga." Anito sabay nguso sa isang direksyon.
When I tried to look over the direction she was pointing at, my gaze accidentally landed on Jeff.
He was doing nothing unusual. He was just busy conversing with the other guy.
Nakita kong inilagay ni Jeff ang braso nito sa balikat noong kausap nitong lalaki at pagtapos ay nagcheers ang dalawa. And then a few moments later, I saw Jeff leaning closer to whisper something to the other guy and the latter started laughing.
Yeah, it’s nothing unusual… but somehow—
"Steve."
Bumaling ang tingin ko sa katabi ko nang bigla itong magsalita sa tapat ng tainga ko.
"I'm sorry, ano ‘yon?" Tanong ko rito. Her face was only inches away from mine.
"I asked if you like traveling."
"Oh.” I paused for a second and replied, “Yes. Ikaw?"
Tumango ito at patuloy na nagtanong, "Anu-anong mga lugar na ang napuntahan mo?"
"Mostly beaches. I like surfing."
"Oh... so you're into extreme sports."
"Kaunti pa lang ang nasusubukan ko na extreme sports, but I do like it. Nakapag-surfing ako last time sa Siargao.”
"Matagal ko nang gustong subukan ang pagsusurfing. Mahirap ba?" She asked as I felt her rub her chest in my arm.
"Mahirap because the waves don’t have a regular pattern. It’s constantly changing. But that's what makes it fun. You should try it." I replied steadily.
"I think I'd learn it better kung ikaw ang magtuturo sa akin. I have this feeling that you're really good." Mapang-akit na bulong nito.
I smiled.
I pulled my arm from her grip and snaked it around her waist. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito at bumulong,"I'm better in bed though.”
I felt her quiver in my arms.
************
Dahan-dahan akong tumayo sa kama at isinuot ang mga damit kong nakakalat sa sahig.
I looked at the naked woman lying on the bed sleeping. Itinaas ko ang kumot para takpan ang hubad na katawan nito at hindi ito lamigin.
I glanced at the digital clock on the bedside table, 5:30 am.
Naghanap ako ng papel at ballpen sa drawer bago nagsulat ng mensahe para rito.
[ I saw you sleeping soundly, so I didn't bother waking you up. –Steve ]
Inilagay ko ang note sa ibabaw ng bedside table at lumabas na ng hotel room nito. Dito kami tumuloy na dalawa pagkagaling namin sa club.
Pagkalabas ko ng hotel ay pumara ako ng taxi at sinabi rito ang pangalan at address ng transient home na tinutuluyan namin ni Jeff.
Pagkapasok ko sa tinutuluyan naming unit ay nagtungo muna ako sa ref para uminom ng tubig. Dahan-dahan kong minasahe ang batok ko. I still feel sleepy even if I already rested my eyes earlier for a couple of minutes after doing it with Kara.
Inilapag ko na ang baso sa may lababo at humakbang na patungo sa tinutuluyan kong kwarto.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jeff.
I was stunned when a familiar face came out of Jeff's room.
Iyon ang lalaking kausap ni Jeff kagabi sa club.
Nag-aalangan itong lumingon sa likod nito. My eyes followed immediately. Kaya bago pa nito tuluyang maisara ang pintuan ay nakita ko na ang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Hey." Bati nito sa akin.
Tahimik na bumaling ang tingin ko rito.
He nervously smiled.
I cleared my throat and awkwardly said, "Hey... Dave, right?"
Tumango ito bilang tugon. “Nakabalik ka na pala. Pakisabi na lang kay Jeffrey mamaya pagkagising niya na nauna na ako." Anito.
"Sige." Saad ko sabay tango.
Pagkasabi ko niyon ay mabilis itong lumabas ng unit namin.
Pagkaalis ni Dave ay nanatili lamang akong nakatayo sa pwesto ko, tulalang nakatitig sa nakapinid na pintuan ng kwarto ni Jeff.
Pagkalipas ng ilang saglit, walang imik na tumalikod ako at tahimik na pumasok sa loob ng kwarto ko.