The sun setting made the figure of Jeff appear melancholy.
An unnamed feeling suddenly arose inside me but I quickly shrugged it off.
Ipinatong ko ang helmet sa ibabaw ng fuel tank ng bike saka naglakad palapit sa tabi ni Jeff.
When I exhaled, my mouth puffed a small cloud in the air. Nanunuot na ang lamig sa mukha ko. Ibinulsa ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at pinagmasdan rin ang tanawin.
Walang nagsalita ni isa sa amin. At nanatili kaming ganoon hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw at dumilim ang kalangitan.
"Thanks for bringing me here. I had so much fun. Really." Saad ko rito.
I watched the headlights of the cars driving their way down the mountain.
Naramdaman kong tumingin si Jeff sa akin.
"Marami pa tayong hindi napuntahan. Maganda sa country club, do'n tayo magpunta next time. Nasubukan mo na bang mag-golf?" He asked. His voice sounded enthusiastic again, like the usual Jeff.
Napangiti ako. Jeff finally cheered up.
"Hindi pa. But I am willing to try. May narinig akong sinabi ni Manong guard doon sa transient home. Sagada daw. Maganda ba sa Sagada?"
"Oo maganda. Planuhin natin ang pagpunta natin do'n. Mag-eenjoy ka do'n sigurado."
We remained standing under the cold night on the mountain talking about nonsensical things. It was only after a while when we finally decided to drive back home.
"Stay close. First long drive mo sa gabi gamit itong bike. Mahirap na. Bagalan lang natin ang byahe." Narinig kong bilin nito habang isinusuot ko ang helmet ko.
"Sige. Saan tayo kakain? Gutom na ako." Sabi ko rito nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Hindi ako nakakain ng lunch kanina dahil pagkaligo ko ay umalis na rin kami agad.
"May eatery tayong madadaanan mamaya." Anito. We both started the engine and drove off.
**
Pagkagaling namin ni Jeff sa Baguio ay parehas kaming naging abala sa trabaho. Madalas akong nasa 2nd branch dahil kulang sila sa tao ngayon. May isang nagresign at may isa namang na-terminate. Sinusupervise ko ang hiring nila ng mga panibagong empleyado.
Kasalukuyan akong nasa opisina ko sa 2nd branch at abalang tinitignan ang sales report ngayong buwan na ito nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. My eyebrow raised in surprise when I saw the name of the caller. We exchanged numbers when we were in Baguio, but this was the first time he called.
I swiped the answer button and placed the phone beside my ear.
"Hey." Bati ko rito.
"Nandito ako ngayon sa gym. Ang sabi ni Katy nasa 2nd branch ka daw." Narinig kong sabi nito sa kabilang linya.
Napatigil ako sa ginagawa ko at sinagot ito, "Oo. Kulang sila ngayon dito eh. Kaya nakatutok ako dito. Balik workout ka na?"
Pagkalipas ng ilang sandali ay nagtatakang tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung naputol ang linya dahil hindi sumagot si Jeff.
Kumunot ang noo ko nang makita kong konektado pa rin ang tawag.
"Hoy, nandyan ka pa?" Tawag ko rito.
"Makikikain." Jeff blurted.
Napakurap ako ng maraming beses nang marinig ko ang sinabi nito.
"Ano?"
"Hindi ako magwowork-out ngayon. Late na ako umuwi. Tinatamad akong mag-order. Kaya makikikain ako. Hintayin kita." Tuloy-tuloy nitong sinabi.
I chuckled.
"Mauna ka na sa loob. Passcode ko 1025." Tumayo na ako at kinuha ang jacket kong nakasabit sa likod ng upuan saka kinuha ang helmet sa may gilid ng mesa ko.
Binaba ko na ang tawag at lumabas ng opisina. Nagbilin na ako sa manager ng 2nd branch bago ako nagmaneho pabalik sa main.
Pagkaakyat ko sa taas ay naabutan ko si Jeff na nakahiga sa synthetic grass. His arms and legs were both spread wide open while staring intently at the moon.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong ko sabay hulog ng helmet na hawak ko sa tiyan nito. Agad nitong sinalo iyon saka bumangon.
"Mas maganda talaga dito kapag gabi." Sagot nito. I silently agreed.
Naglakad ako papasok sa pad ko habang hinuhubad ang suot kong jacket.
"Magluluto lang ako sandali." Saad ko rito nang maramdaman kong sumunod ito sa akin. Dumiretso ako sa may kusina habang ito naman ay umupo sa may dining.
Nagsuot ako ng apron at kinuha ang kabibili ko lang na salmon. Naghugas na ako ng kamay at inumpisahan na ang pagfifillet.
"Anong nangyari sa 2nd branch?" Narinig kong tanong nito mula sa likuran ko.
"Kulang sa instructors. I will stay there hanggang magkaroon na ng kapalit ‘yong dalawang nawala. At habang nandoon ako I will help with the screening of the new applicants."
"May gusto ka namang i-hire sa mga bagong aplikante?"
"Meron naman. I saw a few applicants with impressive credentials. Makikita ko kung okay nga sila once na-interview na sila bukas."
"How are you planning to interview them?"
Nagtatakang bumaling ang tingin ko rito at sinabing, "The usual tell me about yourself stuff, experiences, etc.”
"Why don't you try something else for a change?"
"Ano ‘yon?"
"Since they're applying for an instructor position, why don't you add one more interview stage? Well, not an interview per se but more on a test. Test their knowledge regarding advanced fitness training." Anito habang nakapangalumbaba sa dining table.
"Pero may training namang pinoprovide ang gym para sa gano’n." Katwiran ko rito.
"Yeah. But you have to think two steps ahead. Baka mamaya may makuha ka pang ideas para mas maimprove ang service ninyo kapag nakita mo kung paano ang sariling diskarte ng mga bagong aplikante mo." Jeff replied while tapping his fingers on the table in boredom.
Natigil ako sa ginagawa ko.
It made sense. This might give us a possibility to improve our service.
I quietly pondered about it for a bit before resuming what I was doing.