Chapter 15

1247 Words
Binasa ko ang ipinahanda kong kontrata para sa mga bagong empleyado ng Tier One. After confirming that everything was fine, I quietly signed it and carefully closed the folder. Typically, after their contract signing, there would be a 3-month probationary period before they could become a regular employee. But if they performed better than my expectations, I am willing to shorten their probationary period. Pagkatapos kong patayin ang computer ay tumayo na ako at isinuot na ang jacket ko. Ginabi na ako rito sa 2nd branch. Pag-uwi ko ay magluluto pa ako ng dinner ko. ** "Good evening Boss." Bati sa akin ng empleyado na nakasalubong ko pagkapasok ko ng main branch. Tumango ako at nginitian ito. I went upstairs and punched in my passcode. Patungo na ako sa pad ko nang may mapansin ako sa gawi ng hammock. Kumunot ang noo ko at pilit na inaninag kung anong mayroon dahil medyo madilim sa parteng iyon. Something was off. I nervously stepped closer towards that direction. Nang makalapit ako ng tuluyan roon ay wala sa loob na napabuga ako ng hangin na hindi ko namalayang pinipigil ko pala. I kicked Jeff off the hammock in irritation. He fell flat on the synthetic grass. Iika-ika itong bumangon at sinabing, "Nakauwi ka na pala." "Gago ka. Akala ko kung ano na ‘yong nakapasok." Jeff laughed. "Takot ka sa aswang?" He teased. "Ulol.” Tumalikod na ako at iniwan ito. Naramdaman kong sumunod ito habang papasok ako ng pad. Pagkasuot ko ng slippers ay dumiretso ako sa built-in closet ko at naghanap ng kumportableng masusuot. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" Tanong ko rito habang hinububad ang suot ko na long sleeves saka nagsuot ng t-shirt. Tinignan ko ito nang mapansin kong hindi ito sumagot. Natagpuan ko itong nakasalampak sa may sofa at nakaunan ang ulo nito sa may braso nito. Sunod ay hinubad ko ang pantalon ko at nagsuot ng kumportableng shorts. "Makikikain." Kapagkuwan ay narinig kong tugon nito. I snorted. I walked towards the kitchen and checked what was left inside the fridge. "Wala nang isda. Magkarne naman tayo ngayon." Sabi ko rito habang kinakalkal ang laman ng ref. Tahimik ako nag-isip ng pwedeng lutuin sa mga natitirang sangkap ko. "Okay lang. Bilisan mo gutom na ako." Anito. I rolled my eyes. "’Ba hindi ko naman sinabing magpagutom ka. Bakit hindi ka kaya kumain sa labas. Palagi kang dito nakikikain sa bahay ko." "Kasalanan mo. Magluto ka na lang." He whined. Umiiling na sinuot ko na lang ang apron at nagumpisa nang ayusin ang lulutuin ko. Narinig kong binuhay nito ang TV. Hinayaan ko lang ito at nagpokus sa ginagawa ko. Medyo matatagalang lutuin ito dahil papalambutin pa ang karne. Hinanap ko ang pressure cooker sa cupboard at inumpisahan ng palambutin ang karne. "Anong nangyari sa interview?" Kapagkuwan ay narinig kong tanong nito. Bigla ko ang naalala ang naganap na hiring kanina sa 2nd branch. My eyes lit up and I excitedly retold him what happened earlier and said, "Hindi pala gano’n kagaling sa pagte-training ‘yong isang aplikante na maganda ang credentials, pero napagdesisyunan ko na i-hire pa rin dahil kailangan namin ng resident nutritionist sa branch na ‘yon. Tapos ‘yong isa hindi masyadong maganda ang CV, pero magaling mag-instruct. Kaya tinanggap ko rin siya. Then there was this one guy. He’s great overall. He’s the top applicant from the initial interview up until the final interview. He’s got impressive credentials and awesome demonstration of actual skills.” "May nakuha kang idea?" Tanong nito. Tumango ako kahit hindi ako nakatingin rito. "Oo. I'm planning to put up a high-intensity training program. Maganda para sa mga athletic type na kliyente ng Tier One." "Hmm..." Narinig kong sabi nito pagkatapos ay hindi na ulit ito nagsalita. Ilang minuto akong paikot-ikot sa kusina. Sabay kong niluto ang ulam at kanin. Pagkatapos ay gumagawa rin ako ng coleslaw. Nang matapos ko ng ihain lahat ay tinawag ko na ito sa hapagkainan para makakain na kami. Eksaktong pagkaupo namin ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako at tumakbo patungo sa kama. Mabilis kong kinapa ang bulsa ng pantalon na pinaghubdan ko. My eyebrows raised in surprise when I saw the name of the caller. "Cole." Tawag ko sa kaibigan ko. "Napatawag ka. Kamusta?" "Ayos lang. I just got back. Asan ka? Tara, dinner. My treat. Nandito na ako sa resto." Sunod-sunod na sabi nito. Wala sa loob na napatingin ako kay Jeff na kasalukuyang nakatingin rin sa akin. Inumpisahan na nitong papakin ang isang maliit na bowl ng coleslaw. Hindi agad ako nakapagsalita. Si Cole yata ang nag-iisang taong hindi ko kayang pahindian. Pero nakakahiya namang umalis kaagad dahil nandito ngayon si Jeff sa bahay at nakahain na ang lahat ng pagkain sa mesa. "Why? Hindi ka ba pwede?" Narinig kong tanong nito nang hindi ako agad nakasagot. "No, I'll be there. Teka lang magbibihis lang ako." Sabi ko rito. "Text me the address. Bye." Binaba ko na ang tawag at muling isinuot ang pantalon na hinubad ko kanina saka mabilis na ibinulsa ang cellphone ko at wallet. "Aalis ka?" Narinig kong tanong ni Jeff. Binaling ko ang tingin ko rito pagkatapos kong ibutones ang pantalon ko. "Oo. Puntahan ko lang si Cole. Tanda mo ‘yong kinwento ko sa’yo dati? Siya ‘yon." "Ahh. Paano itong niluto mo?" Narinig kong tanong nito. Tumayo ako at tinignan ito, saka ko tinignan ang nakahanda ng pagkain sa mesa. Mababanaag pa ang steam na nagmumula sa mga putahe, tanda na kaluluto pa lamang ng mga iyon. "Mauna ka nang kumain. Kung kaya mong ubusin sige lang. Pero kung hindi, hayaan mo na lang d’yan. Ako na ang bahala sa mga tira mo mamaya pagkarating ko. Yung pinagkainan mo, ilagay mo lang sa sink. Ako na ang bahalang maghugas." Naglakad ako patungo sa sala para kunin ang susi ng kotse na nakalagay sa may fish bowl sa tabi ng TV. "Mauna na ako." Paalam ko rito. "'Yung helmet, hindi mo kukunin?" Tanong nito. Umiling ako. "Baka uminom si Cole mamaya. Mahihirapan akong ihatid siya pauwi kapag gano’n. Kaya ;yon na lang kotse ko ‘yong gagamitin ko. Sige, alis na ako." Sabi ko rito sabay labas ng pad. ** I parked the car and went inside the restaurant. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng isang maître d'. "I'm with Nicolas Montero." Saad ko rito. Tumango ito at ngumiti saka sinabing, "Please follow me, Sir." Tahimik akong sumunod rito patungo sa isang private room. A few moments later, we promptly arrived in front of the door. The maître d' knocked on the door three times before we heard someone spoke from behind the door. "Come in." Binuksan ng maître d' ang pintuan at una ako nitong pinapasok sa loob ng pribadong silid. "Steve." Nakangiting bati nito sabay tayo. I clasped my hands with his and pulled my best friend to a quick hug. Nakangiting tinapik ko ang braso nito bago kami naghiwalay na dalawa. "Saan ka nanggaling ngayon? Ang tagal mong hindi nagparamdam ah." Saad ko pagkaupo ko sa tapat nito. "I stayed in Morocco for a while." He replied. I could detect a slight somberness in his eyes and voice. Pero saglit lamang iyon. Bumalik rin kaagad ang sigla sa mukha nito. I tactfully remained quiet. “Pinag-order na kita. Hintayin na lang nating dumating ‘yong mga pagkain.” Anito. Ngumiti ako sabay tango. At that moment, I suddenly thought of Jeff. I wonder if he already ate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD