Chapter 33

1396 Words

“TINAWAGAN ko na sila Tita at Ashley kanina, susunduin ka daw nila sa airport,” sabi pa ni Hiraya matapos nitong maibaba ang dalawang luggage na kanyang dala. “Okay, thanks Kuya,” sagot ni Yumi. “Sinasabihan ka daw nila na doon na lang tumira sa bahay nila tumatanggi ka daw.” “Eh una, nakakahiya sa asawa ni Tita, hindi kami close. Pangalawa, mas gusto ko sa Hotel, doon sa mismong city. Gusto ko natatanaw mula sa bintana ‘yong Eiffel Tower.” Bumuntong-hininga ang kapatid at napailing na lang. “Kuya, ano pa ba ipag-aalala mo? Eh sa Hotel Santillan din naman ako tutuloy. Siguro naman makikilala nila ako doon?” “Ang kulit mo talaga,” tila nakukunsuming sagot nito. “Huwag ka na masyadong mag-alala, Kuya. Heto na nga oh, travel clearance from Dr. Raymundo. Siya mismo ang naniguro sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD