TINAAS ni Mayumi ang mga kamay at pumikit saka ngumiti matapos buksan ang pinto ng veranda ng hotel room at lumabas doon, ang kanyang magiging tahanan doon sa Paris sa susunod na pitong araw. “Paris! At last!” masayang bulalas niya. Tumingala pa siya at lumanghap ng sariwang hangin. Then, she leaned forward on the hand rails and scanned the whole city with her happy eyes. After more or less than fifteen hours of travel. Sa wakas ay nakarating na rin siya doon. Salamat sa Diyos dahil nakarating siya ng ligtas at walang ano man naging issue pagdating sa kalusugan niya. Mayamaya ay pumasok na siya sa silid at kinuha ang kanyang planner. Sinulat niya doon ang mga lugar na gusto niyang makita sa unang pagkakataon, at mga lugar na nais niyang balikan. “Ano? Okay ka lang dito?” tanong sa ka

