Chapter 5

2036 Words
ANG coffee shop na sinasabi ni Carlo ay dalawang bloke ang layo mula sa Sweet Tooth & Co. Maglalakad na sana sila papunta doon nang biglang bumuhos ulit ang ulan. “Mukhang malabo na tumila ang ulan ah,” sabi ng binata. “Puwede naman ne—” sagot sana ni Yumi pero naputol iyon nang bigla ulit itong nagsalita sabay lingon sa kanya. “Wait, kukunin ko lang ‘yong kotse ko.” Bago pa siya muling makapagsalita ay nakaalis na ito. Napangiti na lang si Yumi. Ramdam niya ang kagustuhan nitong mapaganda ang kanyang mood. Napatingala siya sa kalangitan nang bahagyang kumislap ang langit kasunod ng mahinang pagkulog. Habang hinihintay si Carlo ay pinanood ni Yumi ang pagbagsak ng ulan. Inangat niya ang kamay ay hinayaan mabasa iyon. Habang pinapanood ang pagbagsak ng tubig ulan sa kanyang palad, pakiramdam ng dalaga ay hinuhugasan niyon ang bigat na dala niya sa dibdib. The sounds of the raindrop, the flash of small camera light like lighting, it truly relaxes her. Kaya hinayaan ni Yumi na ipikit ang kanyang mga mata habang patuloy na pinakinggan at dinadama ang pagbagsak ng ulan sa palad niya. Nasa ganoon ayos siya nang ilang sandali pa ay biglang may humawak sa kamay niya. Nang dumilat ay ang maamong mukha ni Carlo ang tumambad sa kanya. He’s smiling at her as if telling her that everything is going to be all right. At kahit anong dilim ng pinagdaraanan niya sa sandaling iyon, nariyan ito sa kanyang tabi. That night, she wasn’t felt alone at all. “Let’s go?” tanong ni Carlo. Let’s go? As if he’s telling her to let go of the past and asking her to go and escape with him. Away from the heartaches and tears. Muling nangilid ang kanyang luha at ngumiti. “Okay,” sagot niya sabay hawak din sa kamay nito. Binuksan nito ang payong at sabay silang sumukob doon. Her heart skipped when he put his arms around her shoulders and pull her a little closer on his body. Pinagbukas pa siya nito ng pinto ng kotse at hinintay na makaupo sa loob bago ito umikot sa driver’s seat. “Are you okay?” tanong pa ni Carlo. Nakangiti na tumango siya nang lumingon dito. “Diyan lang naman ‘yong coffee shop eh,” sagot nito. “Kung open lang kami, ako na ang gagawa ng kape mo.” Tumawa ito. “Nah, even if you’re open, I would still ask you to come. Para maiba naman ang ambiance mo.” “Right,” sang-ayon niya. Ilang sandali lang ay naroon na sila sa sinasabing coffee shop ni Carlo. Pagbaba nila ng kotse nito ay bumungad sa kanila ang magandang disenyo niyon. Maliit at parang kiosk lang ang coffee shop, pero ang dining area nito ay may anim na mesa lang. May silong doon na bubong at ang taas at paligid ay napapalamutian ng kulay dilaw na maliliit na ilaw na tila Christmas lights. “What would like to have?” tanong pa sa kanya ni Carlo. “Caramel Macchiato na lang.” “Okay.” Habang naghihintay sa order nila ay pumwesto siya sa isang bakanteng mesa doon. Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang nag-ring ang kanyang phone. Napangiti siya nang makita na si Laya ang tumatawag sa pamamagitan ng video call. “Hey, kumusta ka na?” tanong nito. “I heard what happened.” “Ayos na,” nakangiting sagot niya. “Nagkausap na kayo?” tanong pa ni Laya. Kumunot ang noo niya at tumingin sa screen. “Sino?” “Iyong hayop na ex mo.” She just smirked and shook her head. “Dapat ngayon gabi. I asked him to come, pero wala mahigit tatlong oras ako naghintay, wala kahit anino niya.” “At ano naman ang sasabihin mo sa kanya?” Nagkibit-balikat at malungkot na ngiti. “The truth. Gusto ko marinig sa kanya mismo ang tungkol sa kanila ni Celine. My plan is to break up with him tonight. Pero sa tingin ko, kailangan ko nang matutunan na huwag nang umasa dahil wala yata siya talagang balak sabihin sa akin na ikakasal siya sa ibang babae. Ayoko lang ng gulo dahil kaibigan ko si Celine.” Bumuntong-hininga si Laya. “’Nyetang ‘yan! Ikaw itong original na girlfriend, ikaw itong dehado, pero ikaw pa ang nag-aadjust,” inis na komento ng kakambal. “If Celine wasn’t my friend, magiging madali siguro sa akin na lumaban. But she’s my close friend, wala rin naman siyang kasalanan dahil hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Mikee. Pero hahayaan ko na lang siguro, ayoko nang ipagpilitan ang sarili ko taong ayaw sa akin. Matagal ko na rin naman nararamdaman na hindi na kami magtatagal dahil sa klase ng set-up ng relasyon namin. I just didn’t think we will part ways in this kind of situation. I didn’t see it coming. Masyado akong nagtiwala at naging kampante.” “I’m so proud of you! Ang buong akala namin iiyak ka at magmumukmok ka.” “Tapos ko nang gawin ‘yan, kanina.” “And I’m glad, dahil mas mahalaga na pinag-iingatan mo na ang sarili mo. Pero teka, wala ka pa sa bahay? Nasaan ka ngayon?” “Dito lang sa isang coffee shop malapit sa restaurant, just taking some time to breathe before going home. Someone invited me and stayed with me while I was crying earlier. I actually felt better now, sabihin na natin may isang taong nagpa-realize sa akin ng mga bagay-bagay,” sabi na lang niya. “Kung sino man ‘yan, don’t forget to thank that person for me.” Napangiti na lang siya. “He’s here with me, actually. Nasa counter hinihintay order namin.” Kumunot ang noo nito. “He? Hmm… interesting. Who’s he?” “Doctor Carlo De Luna, my cardiologist. Nagkataon na nakita niya ako na nasa loob pa ng restaurant kanina at umaatungal ng iyak kaya sinamahan niya ako. Siya nga ang nagyaya sa akin dito.” “Ohh… the famous handsome doctor. Nai-chika nga sa akin ni Lia.” Natawa siya. “Ang bilis naman ng chismis, nakarating agad diyan sa Switzerland?” Tumawa ng malakas si Laya. “Siyempre, hindi dapat ako nahuhuli.” “Umuwi ka dito ipapakilala ko sa’yo.” “Saka na kapag jowa mo na!” “Grabe ka! Jowa agad?! Doctor ko ‘yon hoy! ‘Wag ka nga ganyan, baka mamaya ma-awkward na ako sa kanya.” “But seriously, kung malaki ang tulong n’ya sa’yo, bakit hindi mo siya imbitahan lumabas? I mean, not a romantic date, pero pasasalamat mo lang sa ginawa niya sa’yo.” Napaisip siya. “Sabagay, may katwiran ka diyan. Sige. Pag-iisipan ko ‘yan.” Ilang sandali pa ay dumating na si Carlo dala ang kapeng order nila. “I’ll talk to you later, okay? Bye. Love you,” paalam niya sa kakambal. “Hoy teka, ipakila—” Napangiti na lang si Yumi matapos niyang putulin agad ang tawag. “Oh, you’re in a call?” “Tapos na, tinapos ko, kakambal ko lang ‘yon, mangungulit baka kung ano pa sabihin sa’yo.” Ngumiti sa kanya si Carlo at nilapag sa harap niya ang order na kape. “Thank you.” “Do you feel better now?” tanong pa nito. Marahan siyang tumango. “Yes, thanks to you. Kung hindi ka dumating, baka hanggang ngayon umiiyak pa rin ako doon at nagpapaka-sentimental. Saan pala ang punta mo dapat kanina?” “Ah, kukunin ko ‘yong kotse ko pauwi na sana. Dito kasi ako nagpa-park sa likod ng restaurant n’yo. Tapos nadaanan kita.” Nahihiyang tumungo siya. “Pasensya ka na, naabala pa tuloy kita.” “No, please, don’t say that. Ako ang doctor mo, at bilang aware naman ako sa mga nangyayari sa’yo, alam ko na may pinagdaraanan ka. Siyempre, priority ko pa rin ang safety mo. Ako naman, I can go beyond my responsibilities as a doctor. I can be your friend.” “Salamat. I really do appreciate you here with me. I felt so relieved.” “Wala ‘yon.” “Pero bakit parang late ka na yata umuwi?” Bumuntong-hininga ito at sumandal sa kinauupuan pagkatapos ay sinuklay ng daliri ang buhok. Napansin ni Yumi na mas lalo itong gumaguwapo sa ganoong gesture nito. “Ah, I came from a twenty-four hours straight shift. Balak ko talagang dumaan dito para makapag-relax dahil wala naman akong pasok bukas. Buti na lang nakita kita, sayang lang ang ganda nitong lugar kung mag-isa pala ako.” Napangiti siya. “The sound of rain is very calming too.” “Sigurado ka ba na okay ka na?” tanong pa nito. “Yes.” “Huwag ka nang umasa doon,” mayamaya ay sabi nito. Hindi siya nakakibo. Sa halip ay matipid na ngiti ang sinagot niya. “Alam ko, kahit hindi mo sabihin, part of you is still hoping he will come back to you. Dahil alam ko na hindi ganoon kadali na tanggapin ang nangyari sa’yo. He abandoned you and betrayed you. Pero sana, huwag mong ibaba ang sarili mo sa kanya. Don’t even think about begging him to stay. Sa nasaksihan ko, maraming nagmamahal sa’yo, Yumi. You’re an amazing woman. Dahil kung talagang mahal ka niya, noon pa man nagpakalalaki na siya at hinarap niya ang problema n’yo. Naniniwala ako, isang araw, maybe sooner or later, you will be happy. Everything what’s happening to you right now, it’s all just part of the process, but you will get there. And as your doctor, just focus right on your taking care of yourself. At malay natin, isang araw magkaroon ka na ng heart donor.” Hindi napigilan ni Yumi ang muling mapangiti. “Alam mo doc, sa edad ko na ‘to, wala akong masyadong kaibigan na lalaki na nakakausap ko ng ganito. I have my brothers with me, pero alam mo na kapag kapatid, they tend to become harsh a bit. But you here with me, I couldn’t thank you enough. Kanina lang halos gumuho ang mundo ko. At tama ka, part of me is still hoping that everything that’s happening to me right now is just a dream. Deep inside I’m still hoping that he will still come back to me. Ewan ko ba kung bakit pinatagal ko pa ng ganito.” “Mahal mo eh, siyempre hindi mo pa nakikita ang mali sa relasyon n’yo noon. But I believe in God’s perfect timing. Kinailangan mo maranasan ito lahat para maging malakas ka emotionally.” Yumi sighed and sipped on her coffee. “It’s draining when your heartbroken, to be honest.” “It’s okay, in time, you’ll be back on track.” Marahan siyang natawa at nagpangalumbaba. “Ganito ka ba talaga sa mga pasyente mo? You love to connect to them on a personal level?” Natawa rin ito at umiling. “Minsan, pero hindi umaabot sa ganito na iniimbitahan ko magkape.” “Wow, ibig sabihin special ako?” biro pa niya. “Yeah, you can say that. Siguro dahil nakita ko ng personal at narinig ko mismo ang pinagdaraanan. I can’t help myself but get involved. At pasensya ka na kung medyo lumagpas ako sa boundary.” “No. No. It’s okay, I swear. Like what I’ve said, I appreciate that you’re here. Gumaan ang pakiramdam ko.” Napatingin siya sa kamay ni Carlo nang ipatong nito iyon sa ibabaw ng mesa, pagkatapos ay nilahad ang palad. “Friends?” Ngumiti siya at pinatong ang kamay niya doon. Kalakip niyon ay tila pangako na hindi na niya kailangan umiyak pang mag-isa. Kung dumating man ang pagkakataon na may problema siya at ayaw niyang ipaalam sa pamilya o ibang kaibigan. Alam ni Yumi na hindi na siya mag-iisa, dahil kasama na niya ito. Ang pagdating ni Carlo sa kanyang buhay ay biglaan. He just came one day without warning. Pero sa maikling panahon na pagkakakilala nila, nag-iwan na ito ng marka sa kanyang puso. And who would’ve thought that a stranger’s words, smile, and the warmth of his hand will bring comfort to her weary and broken heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD