Chapter 4

2322 Words
“KUMUSTA na siya, Doc?” tanong ng kakambal ni Yumi na si Lia. Sumugod ito sa ospital nang mabalitaan na dinala doon ang dalaga. Bakas sa mukha ng mga kapatid ng dalaga ang pag-aalala ng mga ito. Iyon ang unang beses na makilala ni Carlo ang kakambal ni Yumi. “You don’t have to worry, for now, she’s okay. Thankfully, naroon ako sa restaurant noong magsimula siyang atakehin, nakainom naman agad siya ng gamot. Malapit lang naman itong ospital, kaya dinala ko na rin siya sa emergency room, just to make sure she will get better,” paliwanag ni Carlo. Napalingon sila nang bumangon ito. Naroon pa rin sila sa ER at kanina pa nakahiga doon si Yumi at nagpapahinga. “Sabi ko naman kay Mylene, huwag na kayong tawagan eh,” sabad pa nito. “Eh kasi naman, girl, nataranta ako, wala pa naman si Diane.” Tumawa lang si Yumi at napailing. “Hindi ka pa nasanay.” “Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ka inatake? Pumasok ka na naman ba sa Kitchen at napagod ka?” pang-uusisa pa ni Aya. Napansin ni Carlo na natigilan ito pagkatapos ay napatingin sa kaibigan at Lia. Matagal bago nakapagsalita ang dalaga na para bang nag-ipon muna ito ng lakas ng loob para ibuka ang bibig. “Ako na ang magsasabi,” biglang sabi ng kakambal nito. “Lia, please!” pagmamakaawa ni Yumi na para bang gusto nitong pigilan ang kapatid sa pagsasalita. Pero hindi pinakinggan ito pinakinggan ni Lia. “’Yong magaling na boyfriend nito, ayun, nahuli ni Michael sa Australia, sa airport mismo may kasamang ibang babae at naghahalikan pa,” sumbong nito. Agad napamura si Aya dahil sa nalaman. Nasa mukha nito ang galit sa taong nanloko sa kapatid nito. Habang si Lia naman ay kinukuwento ang buong pangyayari. Ang kamay ni Carlo na nakasuksok sa loob ng bulsa ng suot na white long coat ay naikuyom niya ng mariin. Lihim na nagpuyos ang kanyang damdamin pero pilit pinigilan ang sarili na magpakita ng ano man emosyon. He just stood there and listen to them. Wala siya sa posisyon para magpakita ng reaksiyon. Hindi pa ito ang tamang panahon. “’Yan na nga ba ang sinasabi ko eh,” komento pa ni Aya. “Kuya, tama na,” awat sa kanya ni Lia. “Tama na? Anong tama na? T*ng*na naman, matagal ka na niyang ginagawang tanga si Yumi? What do you want me to do? Just watch?” Huminga ng malalim si Lia at umakbay sa kapatid. “Calm down, hindi makakabuti kay Yumi kung pati ikaw ganyan, let’s not add to her stress, right doc?” Marahan siyang tumango. “I actually agree. I think we must prioritize her safety above anything else,” payo niya sa mga ito. Nilahad ni Aya ang kamay sa harap niya at malugod na tinanggap iyon ni Carlo. “Thank you for being there with her, doc. Kung may nangyaring masama sa kapatid ko, hindi ko talaga alam ang gagawin ko,” sabi pa ni Aya. Ngumiti si Carlo at tinanggap iyon. “No problem. Nagkataon lang talaga na naroon ako, and besides I’m just doing my job.” Muli nitong binalingan ang kapatid. “You will not see that *ssh*le again, Mayumi. Kapag nalaman ko nakipagkita ka pa sa t*rantadong ‘yon, ikaw ang malilintikan sa akin.” When she looked at him. Yumi gave him this kind of puppy eyes. Tila ba nanghihingi ito ng saklolo dahil sa panenermon ng kapatid. Ngumiti lang siya dito at tumango, then he mouthed… “Hayaan mo na.” “I shouldn’t have told her about it. This is my fault. Dapat alam ko na ang magiging epekto sa kanya,” paninisi nito sa sarili. “Kung hindi mo sinabi, baka lalong tumagal ang panloloko no’n kay Yumi,” sabi pa ni Aya. Bumuntong-hininga si Yumi. “Mabuti na rin na nalaman ko agad, Lia. Wala naman ibang paraan para malaman ko nang hindi ako masasaktan. Emotionally stress or not, my life is always in danger with my heart problem.” Hindi nakatiis si Carlo at sumabad na sa usapan ng magkakapatid. “I understand what you’re saying. But Yumi, you should be more careful. I hope you will prioritize your health, higit para kanino man, para sa sarili mo at sa pamilya mo. Masuwerte tayo dahil naagapan natin kanina, paano kung wala ako kanina doon? Your condition is a traitor. It can attack you on the day that we thought is okay. A major heart failure can cause your life. I know how it feels, Yumi. Both of my parents died in heart attack. I wasn’t prepared when I lost them. Try to control your emotions. Dahil hindi makakabuti sa’yo kapag nagpadala ka ng husto.” Natahimik ang lahat. Mayamaya ay tumango si Yumi. “Yes, doc.” Mayamaya ay may kinuha siya sa bulsa at inabot iyon sa dalaga. “That’s my calling card. In case you need help, tawag ka lang anytime.” Malungkot na ngumiti si Yumi kay Carlo. “Thank you.” Hindi madali para kay Carlo na sabihin iyon, pero bilang Doctor, wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang maging tapat sa mga ito. Pero naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga tao, he grew up watching both his parents dealing heart disease. Iyon din ang dahilan kaya siya naging doctor. He lost his mom first two years ago. And just last year, he also lost his dad. Kapwa sakit sa puso ang kinamatay. Dinamdam niya masyado ang pagkawala ng mga magulang dahilan para mag-indefinite leave siya sa trabaho niya bilang Doctor sa Amerika. When he decided to go back to his profession, he chooses to work here in the Philippines. Wala nang dahilan para manatili siya doon. Nagpunta lamang sila sa Amerika dahil doon siya nagtapos ng Medisina. Doon din nagpapagamot ang kanyang mga magulang. At si Yumi, ang dalaga na una niyang pasyente mula nang bumalik siya sa trabaho. Upon seeing her medical history, naalala niya ang pinagdaanan ng kanyang mga magulang. For him, losing his parents is one of his major downfalls in his entire career. He did everything. But he failed to save both of them. That’s why he promised to himself that he will not let that happen to Yumi. She’s still young. Marami pang magagandang bagay ang maaari nitong maranasan sa buhay. And he will do everything is his power to extend her life longer. “AKO na ang magsasara nitong restaurant,” prisinta ni Yumi. Natigilan si Mylene at staff niya. “Hindi pa tayo uuwi?” nagtatakang tanong ni Diane. “Una ka na rin umuwi,” baling niya sa kaibigan at nurse niya. “Huh?!” naguguluhan sagot nito. “Teka nga, ano pa ang gagawin mo dito? Ikaw nga dapat ang unang uuwi dahil tatlong araw pa lang simula nang huli kang inatake eh.” Ngumiti si Yumi sa mga kasama. “Okay na ako. Wala naman akong gagawin dito, maghihintay lang.” “Ah,” reaksiyon ni Diane matapos makuha nito ang ibig niyang sabihin. “Magkikita kayo ni Mikee?” Huminga siya ng malalim at marahan tumango. “Ay maryosep naman, Mayumi,” reaksiyon naman ni Mylene na para bang nadismaya sa kanya. “Did you ask him to come?” Muli siyang tumango. Napailing at nakapikit na marahas na naman itong bumuntong-hininga. “Really girl? Pagkatapos ng nalaman mo? Naghahanap ka ba talaga ng sakit sa katawan? Nakalimutan mo na ba ‘yong mga payo sa’yo ni Doctor De Luna?” “My, I just want to talk to him. Gusto ko sabihin niya sa akin ng deretso ang totoo. Pagkatapos, makikipaghiwalay na ako sa kanya. Ayokong masaktan si Celine, she looks really happy.” “Hay naku, Mayumi, hindi ko alam kung tanga ka lang talaga o sadyang mabait ka.” “Gusto ko lang ng closure.” “Fine, closure kung closure. Sasamahan ka namin dito, baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa’yo eh,” giit naman ni Diane. “No. Gusto ko kami lang dalawa ni Mikee. Trust me, I’ll be fine. Susundin ko ang payo ni Doctor De Luna, control my emotions. I have my meds, the hospital is just nearby, I’ll be fine.” Sunod-sunod na umiling si Mylene. “Ewan ko. I don’t like the idea.” Ngumiti siya sa kaibigan at yumakap sa beywang nito. “Just this time, My. I want to settle everything between me and Mikee, bago man lang sila ikasal ni Celine.” “Jusko girl, don’t tell me may balak ka pang umattend ng kasal nila?! Nandoon ‘yong demonyitang nanay ni Mikee! Eh baka pagbintangan ka pang manggugulo kapag nakita ka niya doon!” hindi makapaniwalang sabi ni Diane. She rolled her eyes. “Matagal na niyang inaakala na hiwalay na kami, hindi naman siguro.” “Pero—” “Look! I’ll be fine. Can you please relax?” putol niya sa dapat ay sasabihin pa sana ni Mylene. “Fine. Sabi mo eh.” Kinuha ni Diane ang phone niya at nilagay iyon sa kanyang kamay. “Call Doctor De Luna immediately, ok?” “I promise.” PASADO alas-dose na ng hatinggabi. Sarado na ang mga ilaw doon sa restaurant. Wala na rin kahit isang tao ang naroon. Nakataas na rin ang mga silya sa ibabaw ng mesa. Habang si Yumi, naroon nakaupo sa tapat ng isang mesa sa gilid ng glass wall at naghihintay. She picked up her phone for the nth time and check her chat message. Seen. Tanging iyon lang ang nakuha niya mula kay Mikee matapos mag-send ng private message sa chat at nakiusap na pumunta ito doon sa restaurant ng alas-nuwebe ng gabi. Dati kahit mag-seen lang ito at hindi mag-reply, dumarating ang nobyo sa loob lamang ng dalawampung minuto, pinaka-late na ang isang oras. Kung sakaling hindi ito makakarating, ay nakakagawa ito ng paraan para makatawag sa kanya. But it has been three long hours, wala pa rin siyang natatanggap na sagot. Napalingon siya sa labas nang biglang kumislap ang langit mula sa kidlat at kulog. Ilang sandali pa ang lumipas ay sabay buhos ng malakas na ulan. Kasabay ng pag-agos ng tubig ulan sa glass wall ay namalayan na lang ni Yumi na sumasabay na rin sa agos niyon ang kanyang luha. Hanggang sa tumungo na lang siya sa ibabaw ng mesa at doon pinakawalan niya ang emosyon. Nakita na lang niya ang sarili na humahagulgol ng iyak, at binubuhos ang lahat ng sakit at sama ng loob na binigay sa kanya ni Mikee. Nasa gitna siya ng pag-iyak nang mapapitlag sa gulat matapos may kumatok sa salamin na pader. Pag-angat niya ng ulo at paglingon niya sa labas, tumambad sa kanya si Carlo. Bukod sa suot nitong dark jeans at t-shirt ay naka-jacket din ito at nakapatong ang hood sa ulo. “What happened?” he mouthed. May luha pa rin sa mga mata at patuloy sa paghihikbi na tumayo si Yumi at lumapit sa pinto para i-unlock iyon. Nagmamadaling pumasok si Carlo at inalis ang hood sa ulo. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong nito agad. Hindi maikakaila sa tinig ng doktor ang pag-aalala. Bumalik si Yumi mula sa kinauupuan at naupo rin sa harap niya ito. “Nagpadala ako ng chat message kay Mikee, dok. Sinabi ko na pumunta siya dito, gusto ko siyang makausap. Gusto ko marinig mula sa kanya ang lahat. Ang dami ko kasing tanong, naguguluhan ako. The last time we met, medyo nagtalo kami pero naging maayos naman ang lahat. Naghiwalay kami ng araw na iyon na maayos naman kami. Ngayon nalaman ko ang totoo, ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami kong… gustong malaman. Did he really love me? Did he—?” Hindi na naituloy ni Yumi ang sinasabi at napaiyak na lang ulit. Muli niyang pinatong ang mga braso sa ibabaw ng mesa at doon tumungo at umiyak ng umiyak. Mayamaya, namalayan na lang niya na may humawak sa kanyang kamay. Natigilan siya sa pag-iyak, at nang iangat ang mukha, sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Carlo, habang hawak ang kamay niya. “Maybe now is not the right time to know the answer to your questions. I think, maybe, what you should do first is to start slowly letting him go. Then, put a closure later.” Hindi siya nakaimik sa sinabi ng doctor. “I still love him.” “Alam ko na hindi madali para kalimutan ang taong mahal mo. But he’s getting married to a different woman, now you don’t have a choice but to forget and let go. Hindi mo naman kailangan pilitin o madaliin ang proseso, take your time, iiyak mo lang hanggang sa dumating ang araw makalimutan mo siya. As long as you will help yourself. If you need another friend to talk to, nandito lang ako.” Wala siyang naisagot pero muli siyang tumungo sa ibabaw ng mesa at umiyak ulit. Nang maramdaman ni Yumi na marahan nitong hinaplos ang kanyang ulo na para ba siyang inaalo, hinawakan din niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Yumi ay may isang nakakaintindi sa pinagdaraanan siya. Iyong nariyan lang at nakikinig, pinapayuhan siya nang hindi nagagalit na may kasamang panghuhusga. Someone who slaps her the truth but in a calm manner. “Do you want to grab some coffee?” Doon siya nag-angat ng tingin. Muli siyang sinalubong ng nakangiting mukha nito. Pagkatapos ay pinahid ng daliri nito ang luha sa kanyang pisngi. “You’re a thirty-two-year-old grown-up woman who cries like a baby,” biro pa nito. Doon na natawa si Yumi. Then, she held his hand tight. “Thank you so much, Doc.” “Carlo. Kapag wala tayo sa ospital at hindi ang sakit mo ang pinag-uusapan natin. Just call me by my name.” “Okay, Carlo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD