Chapter 3

3141 Words
THAT morning, Yumi is working as a cashier at their restaurant, Sweet Tooth & Co. Naka-sick leave kasi ang dapat sana’y kahera nila. Siya na ang nag-prisintang humalili sa puwesto nito dahil hindi naman din siya masyadong busy. “Hey, musta?” tanong sa kanya ng best friend/business partner niya. “Ayos lang, ikaw?” Nakangiting nagkibit-balikat ito sabay taas ng kaliwang kamay nito. Napamulagat at napatili si Yumi nang makita ang diamond engagement ring na suot nito. “OMG!” Tumawa ng malakas si Mylene. “Ross proposed last night,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang long time boyfriend nito. “Oh my gosh, congrats My!” masayang wika niya sa kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. “Thank you.” Nakaramdam ng konting inggit si Yumi sa kaibigan. Matulin na lumipas ang mga araw mula nang huling beses silang nagkita ni Mikee. Ang saglit na tatlong oras nito na nilaan at ang pinag-usapan nila ang pag-asa na pilit niyang hinahawakan. Ngunit tila lahat ng tao sa kanyang paligid ay umuusad ang buhay. Ang mga kapatid niya, isa-isa nang nag-aasawa. Ang dating magulo, maingay at masayang bahay nila ay unti-unting tumahimik dahil nagsasarili na ang mga ito at may sarili nang buhay. Gayundin ang mga kaibigan niya, most of them are now either getting married or already married with kids. Samantalang siya, heto at dakilang secret girlfriend pa rin ang papel niya sa buhay ni Mikee. “Eh, kayo ni Mikee? Wala pa rin bang plano?” tanong nito. Pinilit niyang ngumiti at nagkibit-balikat din. “Hi-Hindi ko alam sa kanya,” sagot ni Yumi. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Mylene bago kinuha ang pinggan na nilapag ng Chef nila sa counter. Kinuha nito ang order receipt at tinignan iyon. “Table number five,” sabi pa nito sa lumapit na service crew, pagkatapos ay lumingon ulit sa kanya. “Kaya pa?” tanong nito. Dalawang salita. Isang simpleng tanong. Pero sapat na para tumagos sa kanyang puso at magising ang sakit na pilit niyang sinasawalang bahala. Mayumi just found herself suddenly tearing up. Hindi niya kailangan magkuwento sa kaibigan o sabihin ang kanyang nararamdaman. She knows her struggle. She knows her pain. Malungkot na ngumiti sa kanya si Mylene at niyakap siya saglit. “You know that you always have a choice to walk away, right?” “My, you know that I love him.” Tumango ito. “Yeah, I know that very well, kaya ka nga nasasaktan. Pero ayokong dumating ‘yong panahon na pati ang kalusugan mo maapektuhan dahil sa emotional stress na binibigay n’ya sa’yo. We don’t want to lose you, kaya ganoon ka na lang namin pinag-iingatan. Huwag mong pahirapan ang sarili mo, you deserve better. A man that can be with you, will take care of you, and stand up for you.” “Thank you, My.” Nasa gitna sila ng seryosong usapan nang biglang tumunog ang wind chime sa entrance door. Hudyat na may pumasok na bagong customer. Agad niyang inayos ang sarili at ngumiti saka pumihit paharap. “Good morning, welcome to—” Hindi naituloy ni Yumi ang pagbati sa customer nang makita kung sino ang bagong dating. “Doctor De Luna!” masayang bati niya. Maging ang lalaki ay nagulat nang makita siya. “Miss Santillan, you’re here. Do you work here?” tanong pa nito nang makitang nasa likod siya ng counter. “Actually, we own this,” sagot niya sabay turo kay Mylene na nasa kanyang tabi. “Wow, that’s great! Palagi akong kumakain dito kapag break time. How come hindi kita nakikita dito?” Marahan siyang tumawa. “Baka po natye-tyempuhan lang na wala ako o kaya ay nasa loob ng opisina. Wala lang po kasi ‘yong cashier namin ngayon kaya ako muna ang pumalit dito.” Napalingon siya sa kaibigan nang maramdaman ang pasimpleng pagsiko nito sa kanya. Nang makuha ang ibig sabihin ay tumikhim siya at saka pinakilala si Mylene sa lalaki. “Ah Doc, si Mylene po pala, business partner at best friend ko. My, si Doctor Carlo De Luna, siya ‘yong attending physician ko na pumalit kay Doctor Paez,” pagpapakilala niya sa dalawa. “Hi Doc,” bati ng kaibigan niya. “Hi, nice to meet you.” “Galing po ba kayo sa duty?” tanong pa ni Yumi. Malapit lang kasi ang restaurant nila sa ospital kung saan nagtatrabaho si Carlo at nagpapa-check up siya. Hindi lang ito ang Doctor na kumakain doon, halos karamihan ng nagtatrabaho sa ospital na iyon ay suki na nila at dito dumi-deretso para kumain. Ang iba nga ay kaiburan at kakilala na nila. “Oo, pauwi na sana ako kaya lang, naisip ko kumain na muna para pag-uwi ko matutulog na lang ako.” “Sige po, sabihin n’yo lang ang order n’yo,” sagot niya. Saglit itong nag-isip habang nakatingin sa menu board. Pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Wala akong maisip eh, just give me your bestseller,” sagot ni Carlo. Ngumiti siya at tumango. “Okay po, akong bahala sa inyo.” “My, ikaw muna dito sa counter. Ako ang magpe-prepare ng order niya,” bulong ni Yumi. “Sige,” sagot nito saka bumaling kay Carlo. “Doc, maupo muna kayo,” sabi pa nito. Pagpasok ng kitchen ay agad siyang sinabihan ang Chef na magluto ng Fettucine Alfredo at Pork Chop with Mushroom. Ang dalawang iyon ang mga bestsellers doon sa restaurant nila. Biglang natigilan si Yumi nang mapagmasdan ang buong kitchen, nang mga sandaling iyon ay bigla siyang nangulila sa panahon kung saan nakikipagsabayan siya sa ibang mga Chef sa pagluluto. Para siyang hindi napapagod. Her adrenalin is soaring every time she cooks for people. Her ego is flying so high every time people compliment her dish. Kakaibang saya ang nararamdaman ni Yumi sa tuwing may napapasaya siyang tao mula sa mga pagkain niluto niya. Pero binago ng kanyang sakit ang lahat ng iyon. She was forced to step back and just watch. Wala naman siyang choice. She wanted to stay. She wanted to live. That’s why she need to make some sacrifice. Nang matapos ang dalawang dish na niluto niya ay agad iyong sinerve kay Carlo. Nang makalabas siya sa kitchen, agad dumako ang kanyang mata sa doctor. Napangiti si Yumi nang makitang tila nag-eenjoy ito sa kinakain. Mayamaya, napansin niya na tinawag nito ang isa sa kanilang service crew at may sinabi. Pagkatapos iyon ay lumapit sa kanya ang huli. “Chef, pinapatawag po kayo noong customer sa table number eight.” “Okay,” sagot niya. Agad nilapitan ni Yumi ang doctor. “So, do you have any complains?” pabirong tanong niya. Sumenyas ito na umupo siya sa bakanteng silya sa tapat nito. Pagkatapos ay nagpunas ng gilid ng labi bago tumingin sa kanya. “Yes, I want to complain about this dish. It’s so addicting. You will give me a hard time to eat other stuff.” Natawa ng wala sa oras si Yumi. “You can always go back if you want some more. Puwede ka rin naman magpa-deliver sa bahay mo. We have delivery service,” sagot niya. Ngumiti si Carlo. And then, there goes her heart again. Skipping as she stares at those beautiful pair of eyes. “Seriously, Miss Santillan. This is delicious! Bakit ba hindi ko ito inoorder dati?” patuloy na pagpuri nito sa niluto niya. “Thank you. I’m glad that you liked it, hindi lang ako ang nagluto dahil alam mo na ang dahilan. And please, just call me Yumi. Masyadong pormal ang Miss Santillan.” “Nah, that’s okay. It’s delicious, it means your Chef is well trained.” “Thank you. Before I found out I have a heart problem, I used to be the main Chef, pero since bawal na akong mapagod, may nag-take over na sa puwesto ko. Minsan nagsu-supervise na lang ako, but mostly I do the office jobs.” Tumango-tango ito. “Very good. You should always take a lot of care, lalo na at hindi pa tayo nakakahanap ng heart donor mo.” “I always keep that in mind.” “By the way, I always want to say this since the time we met. But I want you to know that I’m not just a doctor. Puwede mo rin akong maging kaibigan, you can call me anytime if you need someone to talk too.” Napangiti si Yumi. This is the first time her doctor reaches out to her not on a professional reason. With Doctor Paez, strictly they only have patient-doctor relationship. Medyo may edad na rin kasi ito. Pero kay Doctor De Luna, halos hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Makaka-relate ito sa kung ano man personal concern niya. “Really? That’s so sweet of you. Thank you.” Marahan lang itong tumawa at uminom ng tubig. “Kaya kung may nararamdaman kang hindi maganda, talk to me, I will reply as soon as I’m available.” “Okay,” hindi nawawala ang ngiti na sagot niya. Nasa ganoon silang tagpo nang biglang may dumating silang customer na hindi nila inaasahan. Biglang napatayo si Yumi sa kinauupuan at napako ang mata sa bagong dating. Mayamaya ay nagkatinginan sila ni Mylene, pagkatapos ay sabay silang tatlo na napatili. Napatakbo siya ng wala sa oras maging ang kaibigan at sinalubong ito. “Oh my gosh, Celine!” masayang bulalas ni Yumi at sinugod ng yakap ang kaibigan. “Bruha ka, kailan ka pa bumalik?” excited na tanong ni Myelen. “Three days ago.” “Bakit hindi mo sinabing uuwi ka?” tanong pa ulit ni Mylene. “Eh siyempre, para surprise!” tumatawang sagot nito. “Nakakaloka ka, nanggugulat ka!” komento pa niya. “Tara nga dito, upo tayo,” yaya niya sa dalawa at naupo sila sa bakanteng mesa sa tabi lang kung saan naka-puwesto si Carlo. Nakangiti siyang lumingon sa binata at sumenyas na sandali lang. Ngumiti lang ang binata at tumango pagkatapos ay pinagpatuloy na nito ang kinakain. “Actually, I came here to tell you that I’m inviting you on my wedding this weekend.” Namilog ang mga mata nila. “What?! Omg! Really?!” bulalas ulit niya. Kinikilig na ngumiti ito. “Yes!” “Uy congrats! Grabe, parang kababalita ko lang kanina kay Yumi na nag- propose na sa akin ‘yung boyfriend ko.” Nakaramdam ng lungkot at inggit ulit si Yumi. Narito ang mga kaibigan niya, isa-isa nang nagsisipag-asawa siya. Siya, naturingan may boyfriend pero tila walang plano siyang pakasalan. “I’m so happy for you both,” sabi pa niya. “Thanks, Yums. Ikaw, kelan?” Pinilit niyang tumawa at nagkibit-balikat. “Ewan ko, mukhang wala pang plano ‘yong jowa ko.” Nakangiting hinawakan ni Celine ang kamay niya. “It will come, in time, don’t worry. Saka napaaga nga ang kasal ko, dapat next year pa, kaya lang nauna ang honeymoon kaya eto, buntis, eight weeks na.” “Aw! Celine, double congrats!” masayang bati ni Mylene. “Sobra ka na, ha? You keep surprising us,” sabi pa niya. “Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?” tanong pa niya. “Magtu-two years na. Actually, parang nireto lang kami ng parents namin. Alam mo na sa culture namin, uso pa rin ‘yong mga ganoon. Nagkasundo naman kami tapos ayun, nakagustuhan. Feeling ko nga nahanap ko na ‘yong perfect soulmate ko. We travel a lot. Palagi siyang dumadalaw sa akin sa Australia at sa apartment ko siya nakatira.” “Wow, sana all binibigyan ng oras,” komento pa ni Mylene na may halong pang-aasar sa kanya. Natatawa na pinandilatan niya ito ng mata. “Basta ha? Sa weekend ha, sa kasal ko, kailangan nandoon kayo.” “Oo nga, pangako, pero nasaan ‘yong invitation?” “Ay, wait!” sabi pa nito, saka kinuha mula sa bag ang wedding invitation at binigay iyon sa kanila. Bubuksan na lang sana iyon ni Yumi nang biglang mag-ring ang phone niya. “Sandali ah, tumatawag ‘yong kakambal ko,” paalam niya kay Celine. Bitbit ang wedding invitation, bumalik siya sa likod ng counter at doon kinausap ang kapatid. “Lia, musta?” “Hey, is Diane with you?” wika nito sa kabilang linya. “Day off ni Diane, pero nandito ako sa Restaurant.” “Si Mikee ba nakausap mo na? Kumusta ‘yong huling pagkikita n’yo?” Nagtaka si Yumi sa mga tanong ng kapatid. “Teka nga, bakit ba? May problema ba?” Buntong-hininga lang ang narinig niya dito. “Hoy, ano bang sinasabi mo?” tanong niya sa kapatid pagsagot nito. Bumuntong-hininga si Lia. “Listen, Kahit anong paraan gawin ko, wala akong maisip para sabihin ‘to nang hindi ka masasaktan.” “Lia, what’s happening, seriously? Mas lalo mo akong tinatakot eh.” “Eh kasi, Yumi… si ano…” patuloy sa pag-aalangan na sabi nito. “Sinong ano?” “Kasi ganito, eh ‘di ba si Michael umalis siya noong isang linggo for a business trip papuntang Australia?” “Oo, tapos?” “Nasa airport pa lang siya pauwi dito sa Pilipinas, may nakita siya.” Kumunot ang kanyang noo, habang patuloy na lumilipas ang bawat segundo ay unti-unting lumalakas ang kanyang kaba. Her heart started palpitating. “Ano?” “Hindi ano, sino.” “What do you mean?” Narinig ni Yumi na humugot ito ng malalim na hininga na para bang inipon muna nito ang lakas ng loob bago magsalita. “Si Mikee, nakita ni Michael, may kasamang ibang babae.” Shock. Hindi agad nakakibo si Yumi. Biglang nagblangko ang kanyang isipan. Pilit na pinoproseso ang sinabi ng kapatid. “Sigurado siya?” “Oo, hindi siya puwedeng magkamali. Kinuhanan pa nga niya ng video para daw may ebidensya ng panloloko sa’yo.” “Lia, baka naman… baka naman nagkakamali lang siya…” “Hindi Yumi! Nagkaharap sila ni Mikee, pagdating sa loob ng eroplano, papunta pa lang si Michael sa upuan niya sa first class, nadaanan niya ang kinauupuan ni Mikee at nagkatinginan pa nga daw sila, pero hindi man lang binati nito.” Muli siyang natigilan. Mayamaya ay tumawa siya, pilit na kinakalma ang sarili sa balitang narinig mula mismo sa kapatid. Pilit na tinatanggi ng kanyang puso. “Ano ba kayo? Baka naman business partner n’ya lang o ano man? Negosyante din ang asawa mo, alam mo na maraming babae ang nakapaligid sa kanila.” “Yumi, this is different, okay? Michael saw them, they were kissing and making out in public. They were walking holding hands. We’re both thirty-two adults, and we both know that ordinary friends or business partners don’t kiss and make out.” Muli siyang huminto at huminga ng malalim. “Yumi, are you okay?” sabad ni Carlo. Doon siya napatingin sa lalaki. Saka lang niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanya. “Yes Doc, don’t worry,” sagot niya. “Sige lang kumain ka lang. Doon muna ako sa opisina ko.” “Okay.” Pagpasok niya sa opisina ay agad na sinarado ni Yumi ang pinto. “Maniniwala lang ako, hangga’t hindi ko nakikita mismo,” sagot niya. Bumuntong-hininga ulit si Lia. “Fine. I’ll send you the video. But you must promise me you have to calm down, Okay?” “Okay. I promise.” “I’ll hang up, then I’ll send you the video immediately.” Habang naghihintay na matanggap ang sinasabing video ng kapatid. Napatingin siya sa wedding invitation, napakunot noo si Yumi nang mapansin ang pangalan na naka-imprenta sa harap ng envelope. Ang sabi doon, “You are cordially invited to Chen-Yu Nuptial.” Parang may malakas na sumipa sa kanyang dibdib nang mabasa ang apelyidong Chen. Her hands started trembling, sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Kasunod niyon ay ang pagdating ng video na sinasabi ni Lia na pinadala nito sa pamamagitan ng chat. Biglang nawalan ng lakas ang kanyang tuhod at muntik matumba nang makita ang video. Mahigpit siyang kumapit sa mesa para manghiram ng lakas habang lakas loob na pinapanood iyon. Totoo ang sinabi ni Lia. The man in the video is Mikee. May kasama itong babae at doon sa airport, nakaside view ang babae kaya hindi niya makita ang mukha nito. And it’s true, they were kissing and making out even in public. Magka-holding hands pa na naglakad ang dalawa pagkatapos. Nakikipagtawanan at nakikipag-usap ito sa babae na masaya. Iyon bang parang sila lang ang tao sa mundo. Ang buong akala niya ay natatapos na doon ang lahat, pero nang humarap ang babae, doon na natutop ni Yumi ang bibig at impit na napaiyak. Ang kasama ni Mikee ay walang iba kung hindi si Celine. Anong klaseng biro ng tadhana ito? Binaba ni Yumi ang phone at nanginginig pa rin ang mga kamay na binuksan ang envelope at tinignan ang laman niyon. Yumi is in total shock as she reads the invitation. Naroon nakasulat ang pangalan ni Mikee at Celine. Kasabay niyon ay ang muling pagbalik sa kanyang isipan lahat ng sinabi ni Celine kanina. “Mag-tu-two years na kami… we always travel a lot… palagi niya nga akong binibisita sa Australia eh… nauna na ang honeymoon, eto buntis na… eight weeks.” Halos malukot ni Yumi ang invitation. Dalawang taon. Dalawang taon na pala siyang niloloko ni Mikee. Ngayon ay maliwanag na sa kanya kung bakit hindi nito makuhang tawagan o makipagkita man lang sa kanya. Habang hindi sila magkasama ay may ibang babae pala itong pinupuntahan. And worst? Kaibigan pa niya. Nasa ganoon sitwasyon siya nang biglang pumasok si Carlo. Hindi nagawang itago ni Yumi ang sarili. Agad itong lumapit sa kanya na bakas sa mukha ang pag-aalala. “Anong nangyari?” tanong nito. Hindi magawang makapagsalita ni Yumi dahil sa labis na taas ng emosyon. Kaya kinuha nito ang hawak niyang invitation at pinanood ang video na paulit-ulit na nagpe-play sa kanyang phone. Mayamaya ay nakaramdam siya ng pagsikip ng dibdib at hirap sa paghinga. She immediately grabbed Carlo in his arms. “Do-Doc… my… my med- medicine…” hirap na sabi niya. Agad siyang pinaupo ni Carlosa kanyang swivel chair. “Where’s your meds?” Tinuro niya ang bag at agad nitong hinalungkat iyon. Pagkatapos ay tinulungan siyang uminom ng gamot. Nasa ganoon tagpo sila nang dumating si Mylene, hawak nito ang invitation at bukas na rin iyon, at base sa reaksiyon ng mukha ay alam niyang alam na rin nito. “Yumi,” puno ng pag-aalalang sambit nito. “Don’t… don’t tell Celine,” sabi pa niya. “Yumi, let’s go to the hospital,” mayamaya ay sabi ni Carlo. Hindi na siya nito hinintay pang sumagot nito at basta na lang siyang binuhat at nagmamadaling dinala sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD