“KUMUSTA?” tanong ni Yumi sa mga staff niya padating doon. It was Sunday. Day off nilang dalawa ni Mylene tuwing weekend at mga tauhan lang nila ang karaniwan namamahala sa restaurant. “Ayos naman, Ma’am. Ang lakas po ng benta natin kahapon,” sagot ng kanyang Manager. “Good.” “Iyong sinabi ko sa’yo na Mango Cake, naka-ready na ba?” “Ay, yes ma’am!” Ngumiti siya. “Sige, daanan ko mamaya, ha?” sagot pa niya. “Okay po.” Matapos mangamusta ay umalis muna siya ulit dahil naghihintay sa kanya sa labas si Carlo. Papunta sila ngayon ng ospital para iabot ang wedding invitation nila sa mga piling kaibigan ng nobyo. Kahapon ng hapon dumating ang mga iyon sa bahay ni Carlo. Sinalubong siya ng ngiti ang nobyo paglabas niya ng restaurant, pagkatapos ay agad nitong hinawakan ang kanyang ka

