ISANG magandang ngiti ang sinalubong ni Yumi kay Carlo nang buksan nito ang pinto. “Hi!” masayang bati nila sa isa’t isa. “Hi, come in,” sabi pa nito. Pagpasok sa loob at dumiretso sila sa kusina at nilapag doon ang pagkain na dala niya. Kinuha nito ang kanyang bag saka agad na pinihit siya paharap at niyakap ng mahigpit. “God, I missed you,” buntong-hininga nito. “Ilang araw lang tayo hindi nagkita pero parang ang tagal na agad.” “I missed you too,” sagot niya at gumanti ng yakap. Nang inangat nito ang kanyang mukha ay sinalubong nila ng halik ang isa’t isa. It lasted for a few seconds before they decided to stop. She smiled at him and bit her lower lip, pagkatapos ay pinagdikit ang kanilang noo nang hindi pa rin bumibitaw sa bisig ng bawat isa. “How was your day?” tanong ni

