“Oh bakit ganyan ang tono ng boses mo? May problema ba?” tanong agad sakin ni Alex.
“Usap tayo, I badly need your advice” pagsusumamo ko kay Alex. Si Alex lang naman ang pwede ko pagsabihan ng lahat.
Nagkita kami ni Alex sa isang restaurant, hangos na hangos pa ito nang dumating.
“What?????? Ganoon ang naging reaksiyon niya? Ay! Naku friend, hindi kaya may gusto na talaga sa iyo ang Jeremie na yan” sagot ni Alex sabay sabi ng mga orders niya sa waiter. Napakadami ng inorder niya para sa dalawang tao. Ganyan si Alex kapag naistress, sa pagkain dinadala lahat ng stress.
“Kaya nga ei, ang hirap kaya na hindi kayo nagpapansinan ng room mate mo tapos work mate mo pa” reklamo ko. Saka inaamin ko rin naman na namimiss ko yung kwentuhan namin sa gabi bago matulog, sa loob-loob ko lang naman.
“At saka gusto ko ng makipagbreak kay Christine. Lately kasi nagiging paranoid na siya sa kakaselos kung kani-kanino. Nasasakal na ako sa rules niya” reklamo ko kay Alex. “At saka pakiramdam ko may nagbago na sa akin, I mean sa nararamdaman ko” sabi ko pa.
Nanlaki ang mata ni Alex sa narinig. Bigla siyang parang mabibilaukan at may inginuso siya sa likod ko. Nagulat ako dahil nasa likod si Christine, tinawagan pala ito ni Alex sa sobrang pag-aalala sa akin. Akala ni Alex ay mayroon lang kaming hindi pagkakaunawaan ni Christine. Sabay talikod ni Christine at patakbong lumabas ng restaurant na iyon.
“Christine!” habol ko kay Christine. Naabutan ko siya sa parking lot kung saan naroon ang kotse niya. Pumasok siya sa loob pero hndi sinarado ang pinto. Kaya pumasok na rin ako dahil alam kong gusto niya rin na maliwanagan.
“Kailan pa Liz? Kailan pa nagbago yung nararamdaman mo para sa akin?” umiiyak na tanong ni Christine.
“I’m sorry pero kasi baka hindi pa ako nakapag-adjust. Matagal na rin kasi akong walang naging girlfriend kaya pakiramdam ko may kulang” paliwanag ko kay Christine.
“May iba ba? May kulang ba sa akin?Ayokong maghiwalay tayo please? Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko” umiiyak na si Christine. Pero ayoko naman siyang paasahin.
“Wala kang pagkukulang, lahat ginawa mo para sa atin. Ako ang may problema. Confused ako, hindi ko alam kung bakit, kaya sana maintindihan mo ako. I need space please” halos magmakaawa na ako kay Christine. Sa totoo lng hindi ko na kaya ang ugali niya pero hindi ko masabi. Lahat ng bagay nakamonitor siya sa akin. Pati passwords ng social media account ko. Dagdag pa yung nararamdaman kong kakaiba kay Jeremie kaya mas ginusto ko na putulin na lang ang commitment namin sa isa’-isa ni Christine.
Linggo na ang lumipas pero nag-iiwasan parin kami ni Jeremie. Kahit sa bar hindi kami nagpapansinan. Lagi siya nauunang umuwi sa akin. Pagdating ko nakahiga na agad siya.
Nang araw na iyon maaga akong pumasok sa bar, nauna ako kay Jeremie. Panggabi parin ang shift namin sa bar at nagstart na rin ang klase namin sa school. Maaga ako pumapasok sa bar para maaga rin akong makauwi at may time pa ako para makapag-aral man lang. Habang nagtitimpla ako ng alak ay may kanina pa mga matang tingin ng tingin sa akin. Pamaya-maya pa ay lumapit na ito sa akin.
“Miss, pwedeng makipagkilala? Ako nga pala si Devon?” pakilala nito sa akin. Sa sulok ng mata ko alam kong nakatingin si Jeremie sa amin. Nakipagkamay ako.
“Liza… Liz for short” maiksi kong sagot. Madaldal si Devon napakadami nyang kinukwento sa akin, pero hindi ko gusto ang tono ng boses niya parang laging nagmamayabang. Naging regular customer ko si Devon sa bar. Paminsan-minsan niya akong inaalok ng hatid pero tumatanggi ako. Kung anu-ano rin ang ipinapadala niya sa bar na regalo. Hanggang sa dorm ko minsan ay may mga regalong nakalapag sa pintuan. Hanggang sa nauwi na nga sa panliligaw ang lahat na kahit anong tanggi ko ay sige parin siya ng sige sa pangungulit sa akin.
Isang gabing pumasok ako sa bar, late ako nung araw na iyon pero nagpaalam ako sa boss namin na maghahalfday dahil sa project sa school. Naabutan ko na lasing na lasing na si Devon. Naalarma ako dahil iba na ang kilos niya at parang naghahanap na ng gulo. Lumipas ang oras ng out ko, dali-dali akong lumabas ng bar, ayokong maabutan ako ni Devon.
“Liz hatid na kita!” pasuray-suray na alok sa akin Devon. Kahit lasing na ito ay nagawa pa nitong habulin ako sa labas ng bar.
“A-ano k-kasi lasing ka na, mauna na ako umuwi sayo” sabi ko.
“Teka nga! Bakit ba umiiwas ka? Ilang linggo na akong nanliligaw sayo pero wala ka paring binibigay na sagot sa akin!” galit na sabi nito. Sabay hablot nito sa braso ko.
“Ano ba!” napasigaw ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko.
“Bitawan mo siya!” narinig kong sigaw ni Jeremie na kakalabas lang ng bar. Sabay lapit sa amin at binawi ang braso ko. Hinila niya ako sa likuran niya para maproteksyunan ako.
“Bakit sino ka ba huh?! Mayabang ka ah!” sagot ni Devon. Astang manununtok na.
“B-boyfriend niya ako bakit?!” nautal pa ng bahagya si Jeremie pagkasabi nun sabay tingin sa akin, na parang sinasabi na sakyan ko ang sinabi niya.
Napatingin sa akin si Devon. Dahan-dahan akong tumango, at kumapit sa braso ni Jeremie.
“Ah ganun ba?” sabay ngisi ng nakakaloko ni Devon.
“Ah sige magsama kayo!” sabay suntok sa mukha ni Jeremie.
Napasigaw ako dahil dumugo agad ang ilong ni Jeremie. Ginantihan naman siya ng suntok ni Jeremie at kahit lasing na si Devon ay nagawa parin nitong makipagbuno. Palitan sila ng suntok hanggang sa lumabas na yung mga security at bouncer ng bar at pinaghiwalay sila.
“Tara!” sabay hila sa akin ni Jeremie at isinakay ako sa motor niya.
Habang nasa daan ay nag-aalala ako kay Jeremie na naririnig kong panay ang buntong-hininga. Kasalanan ko kung bakit siya napaaway. Bakit niya ba kasi ako pinagtanggol? Kung tutuusin pwede naman niya tawagin na lang yung security ng bar para awatin si Devon.
“Pwede daan muna tayo sa malapit na convenient store?” tanong ko kay Jeremie.
Hindi ito sumagot pero nag-stop over kami sa isang 24 hours convenient store. Bumili ako ng gamot para sa sugat ni Jeremie at nagtake out na rin ng pagkain. Pagdating namin sa dorm agad kong pinaupo si Jeremie at nilinisan ang sugat niya sa mukha.
“Aray ko! Dahan-dahan naman” sabi ni Jeremie. Sabay hawak sa kamay ko para pigilin.
“Bakit mo ba kasi ako pinagtanggol?” tanong ko sa kanya, habang muling dinadampian ng gamot ang sugat niya.
“Tingin mo tatayo lang ako doon habang may nambabastos sayo? Saka ayos lang sakin kahit mabasag na ang mukha ko. May kapalit naman eh” sabay kindat ni Jeremie sa kanya.
“A-anong kapalit? Hoy! Hindi ko ginagawang collateral ang katawan ko! Excuse me!” bigla kong sagot sabay diin sa sugat niya.
“Aray ko naman! Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin!” natatawa nitong sagot.
“Eh ano?” tanong ko.
“Naging boyfriend mo na ako” sagot ni Jeremie na malaking malaki ang ngiti.
“Anong sinasabi mo?” tanong ko na nakakunot noo pa.
“Walang bawian. Sinabi ko kanina na boyfriend mo ako at umoo ka. Tumango-tango ka pa nga eh. Diba? Diba? Diba?” pang-aasar ni Jeremie sa akin.
Maang akong napatulala sa sinabi niya.