CHAPTER 14 - MISUNDERSTANDING

1249 Words
Napasinghap ako. Iba ang sensasyon sa akin ng halik na iyon. Pati kamay ko ay parang may sarili na ring isip na dumadama na rin sa katawan ni Jeremie. Hindi namin namalayan na parehas na kaming nakahubad ng pang-itaas. Lunod na lunod na kami sa sensasyong nararamdaman namin sa isa’t-isa. Pero maya-maya pa ay nawalan na ako ng malay. “Liza?Liza?” gising sa akin ni Jeremie. Lasing na lasing talaga ako dahil hindi talaga ako sanay uminom kaya kahit nasa mainit na tagpo kami ay nakatulog parin ako. Tinapat ni Jeremie ang sarili sa shower ng maalala ang nangyari kagabi. Matagal siyang nakapikit para mawala ang init na nadarama dahil sa naalalang tagpo. Paglabas niya ay may nakapatong ng pagkain sa mesa, order galing sa labas. May note dun na ang nakasulat ay “lumabas na ako para kunin ang magiging uniform natin sa bar, ako na ang kukuha ng sayo, pagalingin mo ang sugat mo -Liza”. Habang kumakain ay napaisip si Jeremie, kung paano na lang kung sa ibang lalaki ko naencounter iyong ganoong tagpo ay baka napagsamantalahan na ako. Ugali ko na talaga ang walang maalala kapag nalalasing ako kaya hangga’t maari ayokong magpakalasing ng sobra. Dalawang linggo bago ang pasukan ay nagsimula na kaming magtrabaho sa bar. Sabay kaming pumapasok ni Jeremie sumasabay ako sa motor niya at sabay din kaming umuuwi dahil magkaprehas ang shift namin sa bar. “Miss Beautiful, isang brandy nga diyan yung matapang, tulad ko na kayang-kaya ka ipaglaban” sabi ng isang customer sakin. Napasimangot ako, heto na naman iyong masugid kong customer na puro palipad hangin na ang sarap bigwasan. “One shot for you Sir” ngumiti ako ng pagkalaki-laki sa customer kong makulit sabay kindat. Kailangan kong sakyan ang bawat customer dahil importante sa akin ang trabaho ko. “Ladies and Gentlemen please give him a warm of applause, to sing for all of you tonight, please welcome Jeremie!” sabi ng emcee at dinig ko na ang masigabong palakpakan ng audience. Simula ng kumanta si Jeremie sa bar na iyon ay mas dumami pa ang mga babaeng customers. Minsan may mga sugar mommy pa na gusto siyang i-table na pinagpapasalamat ko at bawal sa amin. Pwera na lang kung magkikita sa labas, desisyon na namin iyon. Pumailanlang ang kantang “Kay Tagal Kitang Hinintay” by Sponge Cola. Napakaganda talaga ng boses ni Jeremie, pakiramdam ko para akong laging ipinaghehele. Hindi ako nagsasawang pakinggan ang boses niya sa araw-araw. Maya maya pa ay nakita kong nakatingin siya sa akin habang kumakanta. "Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan" Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang yung tingin niya sa akin habang binibigkas ang bawat lyrics ng kantang iyon. Nakatitig siya na para bang nangungusap at ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon. Ipinilig ko ang ulo ko, nababaliw na yata ako. Iniisip ko ba na may nararamdaman siya sa akin? Bakit pakiramdam ko tumatagos sakin ang bawat lyrics ng kinakanta niya? Habang si Jeremie naman ay parang nahihipnotismo sakin, iyong lyrics ng kanta ay kumukurot sa puso niya, hindi niya alam kung bakit. Nakita niyang lumapit sakin bigla si Christine, malapit na kasi akong mag-out at gusto niya na sabay kaming uuwi. Nag-iwas ng tingin si Jeremie dahil pakiramdam niya bumigat ang dibdib niya sa nakita at tinapos na ang huli niyang kanta para sa gabing iyon. Mula sa pagbaba niya sa hagdan ay nakita kong may ilang babae na lumapit sa kanya para makipagkwentuhan o kumuha ng number niya. Naiinis ako sa ganoong eksena hindi ko alam kung bakit. Inihabilin ko na sa susunod na duduty ang gagawin at pumunta na sa locker ko. “Sasakay ka ba sakin o kay Christine?” tanong ni Jeremie na mabilis palang nakasunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko sarcastic yung tono niya sa akin. “Sabay na ako kay Christine” mabilis kong sagot. Nagkibit-balikat lang si Jeremie at lumabas na ako ng bar para umuwi. “Punta ako sa dorm mo ah? Miss na kita eh” sabi sakin ni Christine na naglalambing. “Sige ikaw bahala pero huwag kang magtatagal ah kasi pagod ako ei saka maaga ako aalis bukas may aasikasuhin lang ako” pagdadahilan ko. Simula ng napanaginipan ko yung nangyari sa amin ni Jeremie ay parang may nagbago sa sarili ko. At natatakot akong aminin yun. Pagdating sa dorm ay wala pa doon si Jeremie kaya naisip kong baka nakipagkita siya sa labas kasama ang customer, hindi ko naman siya masisisi kasi matindi ang pangangailangan niya. Panay ang halik sa akin ni Christine habang nanonood kami ng movie sa dorm, pati kamay nito ay malayang pumasok sa damit ko at hinahaplos ang dibdib ko. Masyadong wild si Christine, inaamin ko na laging siya yung nag-iinitiate para may mangyari samin. Pinagbibigyan ko siya paminsan-minsan, gusto kong patunayan sa sarili ko na ako parin ito sa kabila ng strange feeling na nararamdaman ko. Nasa akto kami ng mainit na halik nang biglang pumasok si Jeremie, kakarating niya lang. Sabay kaming nagulat ni Christine. “Hay ano ba yan! Hindi ka ba marunong kumatok man lang?!” inis na sabi ni Christine kay Jeremie. “Sorry huh? Ang pagkakaalam ko kasi dorm namin ito at hindi motel!” galit na sagot ni Jeremie. “Kung gusto niyong hindi naiistorbo doon kayo sa motel!” dagdag pa ni Jeremie. At nagdabog na ito papasok ng banyo. “I’m sorry Christine I think you need to go, I’ll see you tomorrow” sabi ko kay Christine na inis na inis. Padabog na umalis si Christine at malakas na ibinagsak pasara ang pintuan. Napabuntong-hininga ako. Siya namang labas ni Jeremie sa banyo sabay pabagsak na nahiga sa kama niya. “I think we need to talk” sabi ko kay Jeremie. “Bakit mo naman binastos si Christine? Sana hindi ka ganoon magsalita” inis kong sabi. “Anong gusto mong gawin ko? Lambingan ko ang salita ko sa inyo? Gusto ko ng magpahinga pero lagi kayo dito naglalampungan sa kwarto natin!” galit na sagot ni Jeremie. Nagtaka ako sa inasal niya dahil ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito. “Kung talagang hindi mo kami masikmura, Malaya kang maghanap ng ibang kwartong tutuluyan, tutal ako naman ang nauna dito umupa eh!” naiinis kong sabi sa kanya. Inis na inis na talaga ako. Hindi siya sumagot at tumalikod na lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin, matagal ng ganoon ang set-up namin sa kwarto at ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganoon. Nahiga na rin ako at tumalikod sa kanya. Pinatay ko ang lahat ng ilaw na dati hindi ko ginagawa. Kahit lampshade hindi ko binuksan. Hindi ko alam bakit bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan, lingid sa kaalaman ko palihim din pa lang umiiyak si Jeremie habang nakatalikod sa higaan niya. Kinabukasan hindi kami nagpapansinan sa trabaho, pakiramdam ko galit parin siya sa akin. Kaya nung out na namin sa trabaho ay tinawagan ko si Alex at nakipagkita ako sa kanya, matagal na rin kaming hindi nagkukwentuhan ni Alex. Pakiramdam ko sasabog na ako sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. Paglabas ko ng bar napansin kong wala na sa parking lot ang motor ni Jeremie, napahinga ako ng malalim. “Alex, magkita tayo. May sasabihin ako sayo. I badly need your advice” naiiyak kong sabi kay Alex sa telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD