Gulat na gulat si Jeremie, nakalimutan na niya sa isip niya na lesbian nga pala ako.Buong akala pala nito ay nalilito lang ako sa gender perceptions ko.
“Oh para ka ng tinuklaw ng ahas diyan!” untag ko kay Jeremie.
“Kain na! Masarap itong mga pagkaing na take-out ko” sabat ni Alex.
Habang kumakain ay asikasong-asikaso ko si Christine. Paminsan-minsang pinupunasan ko pa ang bibig nito kapag nadudumihan ng pagkain. Habang si Jeremie naman ay panay ang tingin sa amin. Pagkatapos magkwentuhan ay nagmovie marathon naman kami habang iniinom yung dalang soju ni Alex na naipuslit niya, bawal din ang mag-inuman sa dorm namin sa totoo lang kaya patago niya itong dinala sa loob, nilagay niya sa isang backpak para hindi halata.
Si Alex ay nakapwesto sa baba ng kama habang nakasalampak. Si Jeremie naman ay nakadapa sa kama niya habang nakaharap din sa tv. Ako at si Christine ay nakasalampak din sa sahig habang nakaunan sa hita ko si Christine. Paminsan-minsan akong hinahalikan ni Christine, na hindi na bago sa akin dahil lagi naman siyang clingy simula ng maging kami. Pero sa sulok ng mata ko, alam kong napapatingin sa amin si Jeremie.
Maya-maya pa ay tumayo si Jeremie at kumuha ng jacket.
“Saan ka punta, hindi pa tapos ang movie?” puna ni Alex.
“Sa labas magpapahangin lang” sabi naman ni Jeremie sabay labas.
Nagkibit-balikat na lang kami nang lumabas si Jeremie.
Sa next week pa ang start namin sa trabaho sa bar kaya naisipan niyang bumalik doon para mag-inom saglit. Hindi niya matagalan sa kwarto ang nakikita niya sa amin ni Christine. Hindi siya makapaniwala na magkakagirlfriend ako pagkatapos ng nangyari saming dalawa. Laging laman ako ng isip niya sa mga panahong hindi kami magkasama. Ilang beses siyang nagtry na kontakin ako pero nauunahan iyon ng hiya.
“Hanggang kailan ko itatago sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya?” sabi ni Jeremie sa sarili sabay tungga sa alak na hawak niya. Hindi niya na namalayan ang oras, alanganing oras na pala. Ala-una na ng madaling araw at naparami ang inom niya. Medyo tipsy na siya nang lumabas sa bar, kaya hindi sinasadya na may mabangga siya habang naglalakad sa labas ng bar.
“Pare! Anong problema? Ang angas mo pare ah!” sabi ng nakabangga nya na may kausap ring dalawa pang lalaki na takaw gulo din.
“Pasensiya na ‘pre nakainom lang ng konti” sagot ni Jeremie.
“Eh ano kung nakainom ka? Wala akong pakialam!” sagot ng isa pang lalaki sabay suntok kay Jeremie.
Sumargo ang dugo sa gilid ng labi niya. Hindi niya na magawang lumaban dahil nahihilo na talaga siya at saka nasa labas lang sila ng bar na pagtatrabahuan niya baka masisante siya agad hindi pa nga siya nagsisimula magtrabaho. Pinabayaan na lang niya ang tatlong lalaki. Hindi naman na siya hinamon pa ng mga ito at mabilis na iniwan siya. Susuray-suray na nakabalik siya sa dorm. Mabuti na lang at tulog na ang kahera hindi niya kailangang magpanggap saka makikita nitong ang dugo sa t-shirt niya na pinampunas niya sa labi niyang pumutok baka kung ano pa ang isipin.
“Oh Jeremie anong nangyari sayo?” bungad ko kay Jeremie. Hindi rin ako makatulog kasi hindi pa nga ito umuuwi. Inalalayan ko siya papasok. Amoy-alak ito. Iniupo ko siya sa kama niya.
“Teka kukuha lang ako ng malamig na tubig” sabay kuha ko sa maliit na fridge ng bote na tubig na malamig. Idiniin ko iyon sa labi niya na namamaga pa.
“Ano bang nangyari sayo, nagpasobra ka yata ng inom sa labas” may halong sermon ang boses ko. Sobra akong nag-aalala sa kanya. Nang hinatid ko sila Alex sa parking lot ay nakita kong hindi niya dala ang motor niya kaya expected ko na nasa paligid lang siya pero nung inabot na siya ng hatinggabi ay hindi na ako makatulog sa pag-aalala.
Hindi sumasagot si Jeremie sa lahat ng tanong ko, nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang dinadampian ko ng malamig na tubig ang labi niya.Napatingin ako sa labi niya at napalunok. Nakatingin din siya sa labi ko at para kaming nagkaintindihan kahit walang salitang lumalabas sa mga bibig namin. Unti-unting naglapit ang mga labi namin at marahan naming pinagsaluhan ang isang halik. Napahawak ako sa batok niya dahil pakiramdam ko nanginginig ang katawan ko. Napayakap siya sa bewang ko. Ang mga labi namin ay parehas na nagbibigay ng daan sa labi ng bawat isa. Matagal at mainit na halik na sa una ay dahan-dahan hanggang sa naging mapusok. Napapikit ako. Nagpaubaya ako sa mga halik niya. Hiniga niya ako sa kama at hinalikan ako mula sa leeg pababa sa dibdib ko. Napasinghap ako. Iba ang sensasyon sa akin ng halik na iyon. Pati kamay ko ay parang may sarili na ring isip na dumadama na rin sa katawan ni Jeremie. Hindi namin namalayan na parehas na kaming nakahubad ng pang-itaas. Lunod na lunod na kami sa sensasyong nararamdaman namin sa isa’t-isa.
Bigla akong napaigtad sa higaan, panaginip lang pala!
Napatingin ako sa gawi ng kama ni Jeremie, hindi ko namalayang nakauwi na pala siya. May sarili naman kasi siyang susi kaya malaya siya makapasok ano mang oras niya gustuhin. Nakapa ko ang labi ko. Ramdam ko parin ang labi niya sa panaginip ko na parang totoong-totoo. Ang sakit ng ulo ko! Iba ang tama ng soju na hinaluan pa ni Alex ng hard dahil nabitin ito sa dinalang alak kaya saglit na lumabas para bumili pa ng hard. Hindi ko na halos maalala kung naihatid ko ba sila Christine sa parking pag-uwi. Nalasing ako sa kagagawan ni Alex. Tumayo ako at napagawi sa kama ni Jeremie, dahil magkabilaang dulo ang pwesto ng kama namin. Napansin kong may sugat siya sa sulok ng labi niya at may pasa pa iyon. Nagtaka ako dahil sa panaginip ko totoong may pasa siya sa labi. Napailing na lang ako at pumasok sa banyo para maligo. Na siya namang paggising ni Jeremie, napatayo siya at napahawak sa labi, mahapdi pa ang bahaging nagkasugat. Napatingin siya sa banyo dahil naririnig niyang nakabukas ang shower. Naalala niya lahat ng nangyari kagabi. Napangiti siya sabay hawak sa labi niya.
“Oh gising ka na pala?” sabi ko paglabas ko ng banyo. Nag-init ako sa heater ng tubig para magtimpla ng kape namin.
“Ano nga palang nangyari diyan sa labi mo bakit pumutok yata yan? Nakipag-away ka ba?” tanong ko sa kanya.
Nakatingin lang sakin si Jeremie.
“Kung ganun pala wala kang naaalala?” tanong niya sakin.
“Naaalalang ano? Ako ba ang sumuntok sayo?” nag-aalala kong tanong. May ugali talaga ako na kapag lasing na ay hindi na nakakaalala ng nangyari.
“Hala ka! Ano? Ako ba ang gumawa niyan?Sorry ah nalasing ako kagabi. Lintik na Alex yan napasubo ako sa pagdala niya ng alak dito” sabi ko kay Jeremie.
“Ah h-hindi, hindi ikaw ang may gawa nito” nauutal na sabi ni Jeremie.
“Napagtripan ako kagabi habang pauwi, halos wala na nga rin akong maalala” dagdag pang sabi ni Jeremie.
“Naku sa susunod wag ka ng lalabas ng alanganing oras ah, iba na ang panahon ngayon” sermon ko kay Jeremie.
“Opo Mam” pabirong sagot ni Jeremie. Sabay tayo niya at pasok sa banyo para siya naman ang mahismasan sa kalasingan kagabi.
Nakatitig lang si Jeremie sa dingding ng banyo habang bukas ang shower at muli niyang binalikan ang nangyari kagabi.