“Ahhhhhhh!” napasigaw ako sa sobrang sakit.
“Liz! Nasaan ka?! Hintayin mo ako diyan!” sigaw ni Jeremie.
“A-andito a-ako!” pakiramdam ko napakahina ng boses ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahanap ako ni Jeremie. Kumapa ako sa lupa, may nakapa akong bato. At kumuha ako ng isa pang bato, pinukpok ko ng pinukpok ang bato na nakapa ko gamit ang isa pang bato para lumikha ng ingay. At sa sobrang tahimik ng gabi ay dinig na dinig ito ni Jeremie.
“Si Liza!” Agad niyang sinundan ang pinagmumulan ng tunog. Matagal bago niya ako natunton dahil pahina na rin ng pahina ang tunog na nagagawa ko dahil pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko.
“Lord! Ayoko po dito mamatay” taimtim akong nagdasal. Hanggang sa nabanaagan ko na ang flashlight ni Jeremie na nakatutok sa akin at nawalan na ako ng malay.
“Liz!” Agad akong dinaluhan ni Jeremie. Inilawan niya ako at nakita niya na nagdudugo ang binti ko. May kagat ako sa binti na base sa itsura ng kagat ay posibleng kagagawan ng isang ahas.
“Liza! Jeremie!” narinig niyang sumisigaw si Prof Allen.
“Andito po kami sir!” sigaw ni Jeremie. Agad naman kaming natunton ni sir at tinulungan si Jeremie.
“Sir may kumagat po sa binti niya! Possible po na ahas. Ihiga po natin siya para malapatan ko siya ng pang-unang lunas!” nagmamadali ang bawat kilos ni Jeremie alam niyang kung venomous snake ang nakatuklaw sa akin ang ilang minuto o oras lang ang itatagal ng buhay ko. Dali-dali nila akong iniupo ng maayos habang iniilawan ni Prof. Allen si Jeremie ay agad namang sinipsip ni Jeremie ang sugat ko na nakagat, agad naman niyang idinudura ang bawat masipsip niya sa sugat ko. Alam nilang delikado ang ginagawa ni Jeremie dahil maaaring pati siya ay malason lalo na at hindi pa nila alam ang uri ng ahas na nakakagat sa akin.Pagkatapos ay inakay nila ako pabalik sa camp. Tumawag agad ng ambulance ang ilang kasama na senior sa camp at mabuti na lang na wala kami sa gitna ng gubat kaya mabilis akong naibaba para maitakbo sa ospital. Sumama sa ospital si Jeremie para matingnan na rin ang lagay niya kung sakaling naisalin niya rin sa sarili niya ang lason.
“Nothing to worry sir, hindi ganoon ka-venomous ang nakakagat kay Liza. It is called the reticulated phyton snake. Well enough dahil nabigyan din siya ng pangunang lunas kaya in case man na may nakapasok na venom ay hindi ito masyadong maabsorb ng katawan niya. At kaya naman siya nahimatay ay dahil sa mataas ang kanyang lagnat at siguro sa nerbiyos na rin wala ng iba pa, siguro ay dahil sa naexpose siya sa lamig doon sa gubat kaya siya nilagnat” mahabang paliwanag ng doktor.
Pare-parehas silang nakahinga ng maluwag.
Maya-maya pa ay dumating ang mga magulang ni ko. Galing sila sa isang business trip at agad na nagpabook ng rush ticket para makauwi. Nagpakilala si Jeremie at iniexplain naman ni Prof. Allen ang nangyari sa akin at tungkol sa kalagayan ko.
“We owe you our daughter’s life! Thank you so much hijo” sabay yakap kay Jeremie nila mommy at daddy.
“As well as you Prof. Allen. Thank you!” mainit na pakikipagkamay naman ang ginanti nila sa prof namin na hindi sanay sa ganoong eksenang masyadong pormal, kaya nagpaalam na at babalik pa siya sa camp site para tapusin ang ilang gagawin pa sanang activities.
Inaya si Jeremie nila mommy at daddy na kumain muna sa labas habang hinihintay na magising ako. Nagkukuwentuhan sila na para bang anak na rin ang turing nila kay Jeremie. Naikuwento na rin ni Jeremie ang buong buhay niya sa mommy at daddy ko dahil sadyang matanong si mommy especially kapag alam niyang malapit sa akin ang isang tao. Naikwento na niya mula sa namayapa niyang mga magulang hanggang sa pagpaplano niyang magworking student pa sa ibang uri ng trabaho para matustusan ang pag-aaral niya. Agad niyang nakuha ang loob ng mommy at daddy ko, relate sila dahil nagpaalam na rin ako sa kanila para maging independent at ipinag-aalala nila iyon although pumayag sila na magdorm ako at magworking student na rin.
Humanga sila mommy at daddy sa kanya at nagkatinginan silang mag-asawa na para bang may binubuo silang plano sa isipan nila.
Natigil lang ang pag-uusap nila dahil narinig nilang ipinatawag ang bantay sa kwarto ko. Agad silang tumayo at nagpunta sa kwarto ko. Si Jeremie naman ay nagpaalam na uuwi muna para makapagpahinga.
“Hija, you’re awake!” sabay yakap sa akin ni mommy pagkapasok sa kwarto ko.
“We’re glad you’re ok hija, you’re lucky having Jeremie on your side nung nangyari iyon” sabi naman ni daddy.
Nagblush ako at kinilig. Napangiti ako nung maalala ko nung sinisipsip niya yung sugat ko. Kahit nahimatay ako ay gising na gising ang diwa ko nung mga oras na iyon. Naalala ko yung kwintas ni lola! Pagkapa ko sa bulsa ko ay naroon ang kwintas na ipinagtaka ko. Napapikit ako at inaalala kung bakit nasa bulsa ko iyon pero wla talaga akong maalala.
“Mam pwede na po siyang makalabas anytime” sabi ng mabait na nurse.
Kaya nung araw din na iyon ay inilabas ako nila mommy sa ospital at inuwi. Pagdating sa bahay ay nakaready na agad ang mesa, tanghali na noon kaya nagpaluto si mommy para sa lunch. Nandoon din ang tagaluto naming at tagalinis na si Aling Mameng. Parang hindi ako sanay na kompleto kami sa hapag-kainan, dahil sanay na ako na laging mag-isa kumakain.
“Hija anak may nahanap ka na bang dorm mo na pwede mong tuluyan?” tanong ni mommy sakin habang kumakain kami.
“Opo meron na, malapit lang din po sa university” sagot ko.
“Anak you don’t have to work para tustusan ang sarili mo. Kaya ka naman naming suportahan ni daddy mo, why you’re rushing to be independent?” sabi naman ng daddy ko.
“Mom, Dad, we already discussed about this. Huwag po kayong mag-alala kapag talagang kailangan ko ng tulong I won’t hesitate to make a call” assurance ko sa kanila.
“Anak nag-aaala lang kami sayo. Lalo na ngayon marami ng kalaban sa negosyo ang daddy mo tapos bubukod ka pa. Paano ka namin mamomonitor?” nag-aalalang tanong ni mommy sakin. Sa totoo lang napakaraming deaththreat ang natatanggap ng daddy ko mga kalaban niya sa negosyo.
“I’m grown enough mom, kaya ko na sarili ko” sabi ko sa mga magulang ko. Alam nilang hindi nila ako mapipigil sa gusto kong gawin.
“Ah basta! Gagawa parin kami ng sarili naming paraan para mabantayan ka namin all the time, ok?” at nahuli ko na nagkindatan ang mga magulang ko.
“Ano yan huh? Don’t tell me pati dorm ko lalagyan niyo ng cctv?! No way!” exaggerated kong sagot. Ang bahay namin napapalibutan ng cctv kaya pag pumupunta noon si Jeremie para gumawa kami ng school project ay iniiwas ko ang lens ng mga cctv, kaya wala silang alam na nagpupunta doon si Jeremie noon.
Natatawang sumagot si Daddy sakin “I’m sure hindi kami mapapahiya sa desisyon namin”
Naiinis ako kapag nagdedesisiyon sila para sa akin. Sanay na ako noon pa na lagi silang wala sa tabi ko.
Puzzled ako sa mga sinabi ng magulang ko. Hanggang sa umalis sila para bumalik sa trip ay wala silang sinabi sa plano nila. Lumipas pa ang dalawang araw bago ako nakarecover sa lagnat ko at naisipan ko ng bumalik sa dorm.
“Oh andito ka na pala Liza” bati sa akin ng kahera.
“Siya nga pala may makakasama ka na sa kwarto mo, ok lang naman siguro sayo kung isang bading ang makakasama mo ano? Lilipat na siya mamaya kumuha lang ng mga gamit niya. Mukha namang mabait kaya pumayag na ako” sabi ni Ate Jho, kahera namin sa dorm.
Bading na naman! Naririndi na nga ako minsan kay Alex. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil ayoko magbayad ng pangdalawang tao na renta para lang masolo ko ang kwarto. Hindi pa nga ako nakakapag-adjust sa pagiging independent eh saka nagtitipid rin ako. Isa sa mga natutunan ko noon sa orphanage. Bahala na, pakikisamahan ko na lang siya, bawal naman ang maingay sa napili niyang dorm kaya I’m sure hindi yun magdadala ng kapwa niya bading din para mag-ingay.