CHAPTER 10 - LOST IN THE WOODS

1271 Words
           Pagdating ko doon ay madami na ring estudyante ang nag-aabang na makasakay sa service bus. Kasama si Alex sa trip pero magkaibang service kami naassign. Maya maya pa ay nagroll call na ng mga estudyanteng sasama sa trip. Nilista lahat ng name para maiwasan kung sino man ang maiwan o makaligtaan. Umakyat na ako sa inassign sa akin na bus number. Umupo ako sa bandang likod para hindi masyadong maingay nilagay ko agad ang headset ko at pumikit habang hinihintay na umalis ang bus.            Napaidlip ako at nagising na lang ako nang maramdaman kong umaandar na ang bus na sinasakyan namin. Napatingin ako sa tabi ko. Nagulat ako dahil ang katabi ko ay si Jeremie na mahimbing na mahimbing ding natutulog. Tinitigan ko siya at hindi ko namalayan na nagising na pala siya at napatingin sa akin.            “Wala ng ibang available na upuan kaya dito na ako umupo” paliwanag ni Jeremie. Muntik ko ng makalimutan na schoolmate nga pala kami ni Jeremie at siyempre kasama siya sa trip na yun.            “Ok lang, long time no see” sabi ko sa kanya.            “Oo nga, it’s been a long time” sabi ni Jeremie na wala sa loob.            Habang nasa trip ay tahimik lang kaming dalawa ni Jeremie. Hindi kami nag-iimikan , hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang kaming naging awkward sa isa’t-isa. Pagdating sa camp site ay kanya-kanya na kami ng tayo ng tent. Medyo umaambon pa kaya imbes na magstar gazing sana ang lahat ay napostponed pa. Buong trip akong tulog kaya noong gabing iyon ay hindi naman ako makatulog,lumabas muna ako sa tent ko. Hindi na umaambon at medyo lumabas na rin ang ilang bituin sa langit.            “Hindi ka makatulog?” napatingi ako sa likod ko, si Jeremie pala.            “Hindi ei, buong trip kasi akong tulog, naubos na yung itutulog ko” sabi ko sa kanya, habang nakatingin parin sa langit.            “Ang ganda” sabi ni Jeremie.            “Oo nga ei, ang ganda ng mga bituin” sabi ko naman, inangat ko pa ang palad ko na parang inaabot ang mga stars.            “Ikaw ang sinasabi ko” seryosong sabi ni Jeremie sabay tawa.            Napatingin ako sa kanya at natawa na rin ako.            “Bola mo” sabi ko sa kanya.            “Liz bakit nga ba all of a sudden hindi mo na ako kinokontak? I miss you” titig na titig sa akin si Jeremie.            “W-wala lang, natapos naman na yung project natin saka naging busy rin ako sa ibang mga bagay” paliwanag ko sa kanya. Sa totoo lang wala naman kasi talaga akong mahanap na idadahilan para kontakin siya khit minsan ramdam ko na gustong-gusto ko na siyang makita at makausap.            “Ah ganoon ba?” may lungkot sa mga tinig ni Jeremie. Para bang umaasa ito na may marinig na isang bagay mula sakin. Tumalikod na siya at walang paalam na bumalik sa tent niya.            Kinabukasan simula na ng mahabang araw namin sa camp site.            “Ok guys! Magbubunutan tayo sa kung sino ang magiging magkaparehas sa gagawin nating tree planting, magsulat kayo ng pangalan sa isang papel at ihulog sa ating drop box!” paliwanag ni Prof. Allen isa sa mga leading adviser ng university namin. Isa-isa nga kaming nagsulat sa papel, hindi ko napansin kung nasaan si Jeremie kaya palinga-linga ako. Hanggang sa magsimula na ang bunutan ay wala parin siya. Isa-isa kaming pinabunot at ang huling name na nabunot ko ay sarili kong pangalan samantalang ang lahat ay may kapartner na.            “Sino ang hindi naghulog ng name sa papel? Even numbers ang bilang nating lahat kaya imposibleng walang kapares si Liza” sabi ng prof namin. Siya namang dating ni Jeremie na kakagising lang, pupungas-pungas pa ito nang dumating.            “Sorry po na-late ako” sabay pamulsa sa suot nitong pantalon. Napakagwapo niya sa paningin ko kahit bagong gising siya. Ipinilig ko ang ulo ko at umiling-iling nagbabakasali na mawala ang kung anuman ang iniisip ko.            “Ok si Liza na ang magiging kapartner mo sa tree planting natin dahil siya lang din ang walang kapares, ok?” sabi ni prof. Parehas kaming napatango. Lahat kami ay kanya-kanya na ng kuha ng itatanim naming seedling. Pumuwesto na kami ni Jeremie sa pinili naming lugar na pagtataniman.            “Pagbalik kaya ntin sa lugar na ito after 10 years maaalala kaya natin na sa atin ang punong ito?” tanong sakin ni Jeremie habang naghuhukay ng lupa.            “Tingin mo din ba maaalala mong bumalik dito after 10 years?” natatawa kong sagot.            “Baka nga may asawa’t anak ka na nun eh” balewala kong sagot habang tinatabunan ng lupa ang tanim namin.            Dahan-dahang hinawakan ni Jeremie ang kamay ko. At yung pakiramdam na huminto ang mundo niyong dalawa na parang kayo lang yung andoon, ganun ang nararamdaman ko. Nagkatitigan kaming dalawa at iyong titig namin na iyon na para bang nag-uusap na kami lang ang nakakaintindi.            Nahimasmasan na lang kami ng bigla na lang umulan ng malakas. Sabay kaming napatayo at napatakbo. Lahat ay nag-uunahan na makabalik sa camp. Pagdating namin sa camp ay napansin kong nawawala ang kwintas ko na binigay sa akin ng lola ko. Nag-alala ako hindi pwedeng mawala iyon. Baka nahulog habang tumatakbo kami kanina, tumingin ako sa paligid, malamang hindi papayag ang prof ko na bumalik ako dahil sa lakas ng ulan. Hihintayin ko silang makatulog lahat bago ako maghanap.            At nang makatulog na nga ang lahat ay dahan-dahan akong lumabas sa tent ko. Pinuntahan ko yung lugar kung saan kami dumaan kanina, buti na lang may dala akong flashlight.  Hanggang sa nakarating ako kung saan kami nagtanim ng puno. Hinanap ko sa lupa ang kwintas, pero wala akong nakita. Naiiyak na ako, dahil nag-iisang alaala sa akin iyon ng lola ko bago siya namayapa. Nag-ikot ikot pa ako sa daan at hindi ko napansin na napunta na pala ako sa ibang trail. Hindi ko na mtandaan ang daan pabalik sa camp.            Samantala, sa camp nagising si Jeremie at napansin na nakabukas ang zipper ng tent ko. Pagsilip niya na wala ako ay dali-dali niyang ginising ang prof naming at sinabi na wala ako sa tent ko. Kumuha ng flashlight si Jeremie at Prof. Allen para hanapin ako sa paligid.            “Liza?! Liza?!” salitan ang sigaw ni prof at Jeremie. Pati mga iba naming kasama ay nagising na rin dahil sa lakas ng sigaw nila.            “Tingin mo saan siya nagpunta?” tanong ni Alex kay Jeremie.            “Wala rin akong clue kung saan siya nagpunta sa ganitong oras ng gabi” may pag-aalala sa boses ni Jeremie.            “Hahanapin ko siya sa kakahuyan kung saan tayo nagtree planting kanina” sagot ni Jeremie at tumakbo na ito papasok sa gubat.            Samantala, habang tinatahak ko naman ang daan sa maling trail ay kabadong-kabado ako. Napakadilim ng paligid. Takot talaga ako sa dilim pero sa kagustuhan kong mahanap yung kwintas ay nawala sa isip ko na malalim na ang gabi.Naalala ko na naman yung naghalikan kami ni Jeremie nung time na nagbrownout sa bahay.            “s**t Liza Monteverde, this is not the time for that!” sermon ko sa sarili ko.            Sakto namang nawalan ng battery ang dala-dala kong flashlight. Takot na takot ako napakadilim. Kakapa-kapa akong naglakad, nakapa ko na may malaking puno kaya doon ako sumsiksik sa malaking ugat nito. Umaatake na naman ang phobia ko sa madidilim, nanginginig ako nang marinig ko ang pangalan ko.            “Liz! Liz! Liz! Nasaan ka?!” sigaw ni Jeremie. Bigla akong napatayo at bago pa ako nakasigaw para sumagot ay naramdaman kong may kumagat sa binti ko.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD