CHAPTER 9 - MEETING CHRISTINE

1255 Words
CHAPTER 9            “Friend!” Isang umaga tumawag sakin si Alex.            “ May ipapakilala ako sayo, chicks to! Magkita tayo sa Brewer’s Coffee Shop, now na!” sabi ni Alex.            Sino na naman kaya ang ipapakilala sakin ng pinsan ko? Isip-isip ko. Dumaan muna ako sa school para ipasa ang presentation at report namin ni Jeremie sa school project namin na halos tinapos ko ng isang buong magdamag lang kaya inaantok pa ako. Tamang-tama na nag-aya ito sa coffee shop, para magising ang diwa ko. Pagdating ko doon ay nandoon na si Alex kasama ang isang babae.            “Friend! Tagal mo, thirty minutes ka ng late!” reklamo ni Alex.            “By the way, I would like you to meet Christine. My childhood friend in Quezon province. Nandito siya para magtransfer ng study niya sa school natin” pakilala ni Alex.            “Hi, I’m Liza but call me Liz” At kapwa kami nagkamay sa isa’t-isa. Tinitigan ko si Christine, slim type girl, mahaba ang buhok, maputi, pwedeng isali sa mga beauty contest, mapula ang mga labi.            “Hoy! Liza Monteverde! Matunaw si Christine sa mga titig mo!” tukso ni Alex.            Natawa na lang sila parehas ni Christine. Umiral na naman ang pagging lesbian niya. Maganda ito at mukhang masaya kasama, palakwento at hindi ka maboboring kapag ito ang inaya mo sa gimikan. Ilang oras pa silang nagkwentuhan, at nagpaalam na ito para ayusin ang ipapasa nitong requirements sa paglipat niya sa school namin.            “Can I give you a ride?” offer ko sa kanya.            “No thanks, I have my car” tanggi ni Christine.            Nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Hinatid niya ito hanggang sa kung saan nakapark ang sasakyan nito. Nagpalitan na rin sila ng number at social media accounts. Pagbalik niya sa coffee shop ay ngiting-ngiti na sa kanya si Alex.            “How was her?” tanong agad nito.            “Anong how was her?” balik tanong ko naman.            “What do you think of her that’s what I mean. Boto ako sa kanya, kaya ligawan mo na siya” sabay kindat ni Alex.            Hindi niya maintindihan ang point of view ni Alex. Kakakwento niya lang na may iba siyang nararamdaman kay Jeremie kaya gusto niya itong iwasan tpos ngayon binibigyan siya nito ng maliligawan na babae. Napansin ni Alex na nakakunot ang noo niya kaya nag-explain ito agad,            “Para mawala na iyang nararamdaman mo na hindi maintindihan kay Jeremie, ligawan mo si Christine. And back to your own self. Now kung si Jeremie parin ang laman ng isip mo then diyan mo malalaman na you are no longer belong to lgbt goup” paliwanag ni Alex.            “So, ito na pala yung sinasabi mong plano mo?” tanong ko sa kanya.            “Yes darling. And besides isang taon ka na ring walang girlfriend.” Sabi ni Alex.            “Ok let’s see kung magkakagustuhan kami” sabi ko naman.            Lumipas ng mabilis ang ilan pang buwan.Simula rin ng natapos ang school project nila ni Jeremie ay wala na silang kontak pa sa isa’t-isa. At dahil face to face na nga ay kinailangan niyang magdorm malapit sa school para hindi hassle ang biyahe niya, dahil malayo layo rin ang bahay niya sa mismong school nila. Magkasama sila ni Alex na naghanap ng dorm dahil nauna na si Alex na makahanap ng dorm sa kanya at siyempre kasama nila maghanap ng dorm si Christine. Mostly, hanggang dalawang tao lang ang pinapayagang magrent sa isang kwarto pero mas prefer niya na mag-isa sa kwarto para wala siyang problema pagdating sa pakikisama.            “Pagod na ako friend, bakit naman kasi last minute ka na naghanap ng dorm halos wala ng available sa malapit” reklamo ni Alex habang naghahanap sila ng dorm. Ang hinahanap niyang dorm ay yung malapit lang talaga sa university dahil hindi na niya gagamitin yung car ng mga magulang niya. Gusto na niyang maging independent, yung hindi aasa sa gamit o bigay ng magulang niya. Simula ng ginawa nila ang project sa orphanage ay nagbago na rin ang perception niya sa buhay. Gusto niyang makagraduate sa sarili niyang pagsisikap. Binabalak na rin niyang magworking student para masuportahan ang sarili niya. May allowance paring pinapadala ang magulang niya sa bangko niya pero hangga’t maari hindi na niya gagalawin iyon.            Pumasok sila sa huling building ng pinagpipilian nilang dorm. Maganda sa lugar at tahimik. Mukhang magugustuhan ko rito. Isip-isip ko.            Siguro naawa na rin ang tadhana kay Alex na haggard na haggard na sa kakabuntot sa kanya, sa wakas nakakuha sila ng kwarto sa building na iyon. At iyon na daw ang kahuli-hulihang kwarto na available. Pero niremind ako ng kahera na hanggang dalawa ang pwede sa isang kwarto kaya baka may makasama pa akong isa, dahil kung hindi ako papayag na may kasama ay kailangan kong magbayad ng renta katumbas ng dalawang kwarto. Kaya pumayag na rin ako, anyway Malaki naman kasi ang kwarto at hindi masikip para sa dalawa.            Agad siyang nagbayad ng one-month advance at one-month deposit at pagkatapos ay nilibre niya si Alex ng dinner sa malapit na restaurant. Hinapon na sila sa paghahanap kaya kinabukasan na lang siya maglilipat ng mga gamit.            Tinawagan niya rin si Christine para makasama nila sa dinner na iyon. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga experiences nila sa paghahanap ng dorm, masayang kausap si Christine at paminsan-minsang napapahawak ako sa kamay niya. Ang lambot ng kamay niya. At alam kong may gusto siya sakin dahil ramdam ko sa bawat kilos at tingin niya na hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto niya.            Niligawan ko nga si Christine. At hindi nagtagal ay naging magkarelasyon kami. Lagi kaming lumalabas para magdate, sinasamantala na naming na magkasama dahil baka sa pasukan ay maging busy na kami sa pag-aaral lalo na at maghahanap rin ako ng part time job ko.            “I love you” sabay halik kay Christine habang nasa sasakyan kami ni Christine. Nakalimutan ko na ng tuluyan ang tungkol kay Jeremie at alam ko na gusto ko talaga si Christine.            “I love you more, gusto mo ipasok kita sa office ng daddy ko para doon ka na magpart time?” suggestion nito sa kanya.            “Huwag na, ok lang ako. May nakita na akong pwede ko pasukan. Offices are not my forte mabobored lang ako doon. Natanggap na ako bilang barista sa isang bar malapit sa dorm, one ride away, pwede na ako magstart next week bago magpasukan” paliwanag ko sa kanya.            “Ok sabi mo ei” sabay yakap sakin ni Christine. Lagi kaming nakatambay sa kotse niya kapag gusto nitong maglambing sa akin dahil ayaw nitong ipakita sa public ang relasyon namin. Para sakin ayos lang naman dahil hindi rin naman ako showy na tao. Panay ang halik nito sa akin at madalas ay ako ang umaawat kay Christine dahil masyado itong aggressive sa aming dalawa.            Hapon na ng umuwi ako sa dorm, pagdating ko ay nagbukas agad ako ng laptop dahil sa groupchat ng klase namin na sinalihan ko ay nagremind si sir na bago magbukas ang mismong klase ay magkakaroon kami ng tree planting activity para magkakilala ang bawat estudyante sa iba’t-ibang course. Bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pasukan, parang welcome party, na dinaan na lang sa tree planting activities na may kasama na ring camping. Ang bilis ng araw, magsisimula na naman ang klase napabuntong-hininga ako at nahiga na sa kama ko.            Lumipas pa ang isang linggo at ito na ang araw ng tree planting namin sa school. Maaga akong gumayak at nagpunta sa school.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD