CHAPTER 3– GETTING TO KNOW HIM

1272 Words
Kinabukasan maaga akong nagising muli kong hinarap ang school project namin. Maya-maya nagsend ng guide sa email ang prof namin na kailangang may mga masubmit kaming pictures katibayan na by partners talaga ang gumagawa. Dahil may kalakaran ang ibang student na magpapagawa lang ng project sa ibang tao babayaran na lang nila. Nadismaya ako. Kailangan ko pala tawagan si Jeremie. Pero paano? Ni hindi ko alam kung anong number niya or sss account niya. Sinimulan kong i-search sa f*******: ang name niya.. JEREMIE MENDOZA… no results found. Ibang name kaya ang gamit niya? Pero kahit anong search ko eh wala talagang name niya or kahit pictures niya na nakapost. Ano bang klaseng tao ‘to walang social account? Isip-isip ko. Lumipas ang ilang araw at hindi parin siya nagpapakita. Ilang araw na lang reporting days na naman sa school. Magagahol kami sa oras. Kung iedit ko na lang kaya ang pictures namin na magkasama? Hindi eh! Baka mahalata pa yun maging dahilan pa ng pagkasira ng grades ko. Tinawagan ko ang pinsan kong si Alex, alam kong madali siyang makakakuha ng information kay Jeremie dahil close niya ang halos lahat ng prof namin sa school. Anyway, parehas nga pala kami ng pinapasukang school pero magkaiba kami ng schedule dahil Mass Comm ang course niya. “Liza!” hiyaw ni Alex sa labas ng gate namin. Pinapasok ko siya. At muli na naman siyang tumili. “Ay! Grabe ka hindi mo naman ako ininform na gwapo pala itong pinapahanap mo sa akin” sabi niya. Sabay pakita sa profile folder na dala niya na hiniram niya sa isang prof sa university. “Kapag guwapo big deal?” sabi ko sabay kuha sa cellphone ko. Pinicturan ko ang details para maisauli niya kaagad yung folder sa prof na hiniraman niya nito. “Sige na sumabay ka na sa akin ihahatid na kita pauwi, hahagilapin ko pa ang bahay niyang mokong na yan” sabi ko, sabay kuha ng susi ng sasakyan na kakapaayos ko lang. “ Ipakilala mo ako diyan cousin ah!” Hirit pa ng bading kong pinsan. “Oo na, gusto mo iyo na, haha” natatawa ako sa pinsan ko na kala mo maiihi sa sobrang harot. Pagkahatid ko kay Alex ay binuksan ko ang waze ko para matunton ang bahay nila Jeremie. “Kahit cellphone number wala man lang ‘taong to” isip ko. “Paano siya nakakasabay sa mundo?” sabi ko sa isip ko. Malayo layo na rin ang binabagtas ko. Ilan na rin ang natanungan ko pero wala silang kilalang Jeremie Mendoza. Hanggang sa nakarating ako sa isang lugar na ang tawag nila relocation area. Itinabi ko ang sasakyan ko sa half court na nakita ko at nakiusap sa ilang bata na nakatambay na bantayan kapalit ng pera. Kahit lalaki ang kilos ko eh hindi maitatago ang ganda ko dahil mahaba parin ang buhok ko dahil ayaw ng lola ko na pagupitan ko ito, kaya may paminsan-minsang sumisipol sa mga nadadaanan ko. Kinakabahan ako dahil babae parin naman ako, ano bang laban ko sa kanila kung sakaling gawan nila ako ng masama. Mabibilis ang mga hakbang ko papunta sa isang tindahan na may mga nanay na nag-uumpukan. “Excuse me po, pwede po magtanong? Baka po may kilala kayong Jeremie Mendoza?” tanong ko, sabay pakita sa picture na kinuhanan ko kanina sa folder na dala ni Alex. “Ahhh, parang si Epoy ito… si Epoy nga!” sabi ng isang babae. “Doon siya nakatira sa isang apartment sa dulo, pero wala siya ‘pag ganitong oras eh” dagdag nito. Nalaglag ang balikat ko sa narinig ko. Kailangan ko na talaga siyang makita dahil minamadali ko na yung project namin. Ayokong mahuli sa pagpasa nun. “Ay, si Pam pala magpasama ka sa kanya kasi magkatrabaho sila” sabi naman ng isang may edad na babae. “Hintayin mo maya-maya dadaan na yun” dagdag niya pa ng matandang babae. “Sige po Salamat po” sabi ko, sabay upo sa malapit na upuan. Dito pala nakatira si Jeremie sa ganitong klase ng lugar at nalaman ko pa na nagtatrabaho pala siya. Sa mahal ng tuition fee sa university na pinapasukan namin naiiisip ko kung gaano kalaki ang sahod niya para matustusan ang pangangailangan niya sa school plus nangungupahan pa siya sa isang apartment. Mali pala ang first impression ko sa kanya. Maya-maya dumaan ang isang babae na sa tantiya ko eh kaedad ko lang. Nakauniform ito na puting blouse at maiksing palda. Sinabi ng mga babae sa tindahan na hinahanap ko si Jeremie at isabay ako sa pinagtatrabahuan nila. Sandaling nagulat ang babae, first time niya daw nakita na may kaibigang babae si Jeremie. Hindi na lang ako kumibo, siguro dahil na rin sa pagod sa kakaikot sa paghahanap kanina. Inaya ko siyang sumakay sa sasakyan ko, habang nasa biyahe ay nagpapakiramdaman kami, para akong naiilang sa mga tingin niya. Naisip ko na baka girlfriend siya ni Jeremie kaya sinabi ko ang dahilan kaya ko hinahanap ang lalaking iyon. Nakita ko siyang napabuntong-hininga. Sa wakas narating na namin ang pinapasukan nila ni Jeremie. Inabot na ako ng gabi sa paghahanap sa kanya. Night shift pala ang trabaho niya kaya siguro lagi siyang inaantok isip-isip ko. Mali pala talaga ako ng inaakala. “Hintay ka lang diyan maya-maya lalabas na siya” sabi ni Pam. Naupo ako sa isang sulok. Cozy ang restaurant na yun. Sakto sa mga gusto magmoment o magisip-isip. Tahimik at dim ang mga ilaw. Puro love songs ang pinapatugtog hindi katulad sa iba na nagsisigawan na ang mga customers dahil hindi sila magkarinigan sa lakas ng tugtog. Napatingin ako sa stage, may mga drumset doon at microphones kaya naisip ko na may live bands sila. Umorder ako ng maiinom habang naghihintay. Maya-maya pa winelcome na ng emcee ang live bands na tutugtog sa gabing iyon. Napatingin ako sa paligid, siguro busy parin si Jeremie sa trabaho kaya hindi niya pa ako hinaharap. Ayos lang naman sa akin ang maghintay dahil nageenjoy ako sa ambiance ng paligid ko. Medyo matagal na rin ng huli akong pumasok sa ganito dahil nga sa hindi ako pala-gimik na tao. “Please welcome! The moonstar band!” sigaw ng emcee Palakpakan ang lahat. Napansin ko na unti-unti ng dumarami ang mga tao, buti na lang nasa sulok ako. Good spot hindi matao sa side na yun at hindi rin masyadong maliwanag. Napatulala ako dahil umakyat sa stage habang bitbit ang gitara niya si Jeremie. Band members pala siya doon. Malayo sa iniisip ko na nasa kusina siya habang naghuhugas or nagluluto or di kaya ay isang waiter sa bar na yun. Sinimulan na nilang tugtugin ang kantang With a smile, na nagkataon na paborito kong pakinggan. Maganda ang boses niya, isang side na naman ng pagkatao niya ang nadiscover ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang kumakanta siya na para bang nakakahypnotized yung bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya. Napalunok ako nung gumawi ang tingin niya sa pwesto ko, nakita niya ba ako? isip-isip ko. Madilim ang pwesto ko kaya hindi ako sigurado kung sakin ba talaga siya nakatitig o sa iba. Kumanta pa sila ng ilan pang kanta at hindi ko namalayan na natapos na pala ang performance nila. Hindi ko rin namalayan na lumapit na pala siya sa pwesto ko. “What brings you here?” sabi niya. “Namiss mo ba ako?” sabay ng nakakalokong ngiti. “In you dreams!” inis kong sabi. Nawala na sa senses ko yung komportableng pakiramdam kanina. “Hindi kita hahanapin kung hindi naman kailangan!.” Inis na inis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD